CHAPTER 23

8.4K 167 1
                                    

Habang kinukuha ko ang panyo ni Trace napatingin ako sa kanan ko at may paparating na kotse nanigas na ako sa pwesto ko hindi na ako nakapag-isip. Automatic napapikit ako at hinawakan ko ng mahigpit ang panyo at hinintay ang pagtama ng malamig at matigas na hood ng sasakyan ng may biglang humila sa akin patayo.

Naramdaman kong may nakapulupot sa bewang ko at parang nakasandal ako sa pader pero nasa isip ko baka tinamaan na ako ng sasakyan at nagdedeliryo na kaya kung ano ano na ang nararamdaman ko.

Nakapikit parin ako. Pero bakit ganun? Parang wala akong nararamdaman na sakit? Tapos yung semento ang init yata?

Teka?

At dahil nakapatong ang kamay ko sa semento kinapa ko ito. Bakit parang bako-bako itong sementong to?

Naramdaman kong may mainit na hangin sa tenga ko at....

"That is a sexual harassment I didn't let you to touch me..." Bulong nito. Teka!? Anong!?

Napamulat ako at dahan dahan akong tumingala halos bumagsak ang panga ko ng makita ko si Trace!

Tumingin ako sa paligid, hindi ako nasagasaan! Buhay pa ako at ang baby ko at hindi ako nagdedeliryo!

At dahil sobrang thankful ako at buhay ako dahil kay Trace napayakap ako ng mahigpit sa kanya at ng mapagtanto ko kung anong ginawa ko agad din akong lumayo. May narinig akong sasakyan na bumusina. Hinila niya ako pabalik. He hissed.

"You wanna die?!" Masungit niyang sabi sa akin. At hinila niya ako sa tabi.

"What are you doing sa gitna ng kalsada? Nagpapakamatay ka ba talaga?!" Sita niya sa akin. Naalala ko iyong panyo at pasimple kong ibinulsa baka kasi makita ni Trace eh. Hindi naman sa natatakot ako na baka bawiin ni Trace dahil hindi niya gagawin yon. Ayoko lang na malaman niyang tinabi ko ang gamit nyang pinatatapon niya.

"S-sorry may kinuha kasi ako nahulog kasi sa kalsada" sabi ko habang nakayuko. Tapos sumulyap ako sa kanya nakita ko ang pinaghalong inis at takot sa mata nito. Wait lang takot? Para saan?

"Engot ka ba? Ano bang bagay iyon? Mas importante pa ba yan kaysa sa buhay mo!?" Sigaw niya sa akin. Grabe! Para siyang tatay kung magsalita!

Napalunok ako. Galit siya sa akin eh, ayoko pa naman pag ganyan siya.

"Sorry... Mahalaga kasi ang bagay na iyon..." Sabi ko ng nakayuko, ayoko siyang tingnan.

"How much!?" Napatingin ako sa kanya. Nakatitig ito sa akin at nakapamewang na para bang naiinip ito.

"Ang alin?" Nagtataka kong tanong.

"Magkano ang halaga ng bagay na yan? at pati buhay mo eh, isusugal mo" sabi nito sa akin.

Hindi ko talaga pwedeng sabihin.

"Trace kahit mura o mahal ang isang bagay hindi basehan ang pera, basta pinahahalagahan ito ng tao gaano man ito kaliit o kalaki nagiging sobrang halaga nito at walang katumbas na kahit na anong halaga." Sabi ko sa kanya at tinitigan ako ng matiim. Ano bang nasa isip nito?

"Okay, then huwag mo ng gagawin ang bagay na iyon, parang mas maganda nga itapon mo na lang kung ano ba yung kinuha mo sa kalsada kahit mahalaga pa yan, dahil bad luck yan, muntik ka na ngang masagasaan" sabi lang nito. Napabuntong hininga ako.

Para sa akin ang panyo ni Trace ay hindi badluck parang gumawa pa nga ito ng way para magkalapit kami dahil namimiss ko na siya kahit kahapon lang magkasama kami dahil hindi ko man lang narinig ang boses niya ngayong araw pero ngayon satisfy na ako dahil kaharap ko siya.

Naiinis parin ang itsura nito hindi ito nakatingin sa akin. Maya-maya huminga ito ng malalim.

"Fine! Alright but next time dont you ever do that stupid act again para lang sa isang bagay." Sermon nito sa akin napangiti na lang ako.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon