CHAPTER 38 PART 2

7.9K 171 2
                                    

"Zhane!" narinig kong tawag sa akin ni Kenshin ng papasok ako sa bahay, naglakad ako papunta sa kanya.

"What is it?" Tanong ko.

"Zhane hindi ako makakapasok bukas ikaw ng bahala kay Mr. Winchester" sabi ni Kenshin sa akin.

"Why? Ilang araw ka ng hindi pumapasok?" Sabi ko sa kanya.

"I have to do something really important, so please ikaw munang bahala" pakiusap nito sa akin. Napabuntong hininga.

"Okay" sagot ko. Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko.

"Thanks sis"

"Kuya dont do that!" Saway ko sa kanya tumawa lang ito.

"I have to go sis bye!" Tapos ay umalis na ito sa harapan ko.

"Mama!" Napalingon ako ng tawagin ako ng anak ko. Nang makalapit ito ay nagpabuhat siya sa akin.

"Why are you still awake huh? Baka di ka na lumaki." Sabi ko sa kanya.

"I cant sleep po" sabi nito.

"Gusto mo ba... Tabi tayo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti ito at agad na tumango.

Napangiti ako at pumunta na kami ng kwarto. Tapos ay inihiga ko siya sa tabi ko at kinumutan.

"Do you want me to read you a bed time stories?" Tanong ko sa kanya.

"No ma.. Gusto ko lang ng ganto... Magkasama tayo.." Sabi nito. Niyakap ko siya ng mahigpit. Biglang sumagi sa isip ko si Trace. Nasasaktan ulit ako. Habang naaalala ko yung nangyari kanina, pumikit na lang ako at pinilit kong matulog.

_____________________

Bumangon na ako para pumasok sa office nilingon ko ang anak ko na tulog na tulog hinalikan ko siya sa noo bago ako bumangon.

Pumunta na ako sa banyo at nag-ayos tapos ay bumaba na ako ng bahay hindi na rin ako kumain, nagkape lang ako. Papalabas na ako ng marinig kong tinawag ako ni Travis.

"Ma!" Lumingon ako at sinalubong niya ako ng yakap at hinalikan ako sa pisngi.

"Take care of yourself tsaka kumain ka po, hindi ka kasi kumain," sabi nito sa akin.

"Yes po! Duon na po ako kakain! Sige na, alis na ako, paalam baby ko, pakabait sa school ha!" Sabi ko sa kanya. Tapos ay sumakay na ako ng kotse ko at umalis.

Habang nasa office ako at tinitingnan ang annual report ng company biglang pumasok si Heizel.

"Ma'am you have appointment with Mr. Winchester at exactly 4:00pm" sabi nito.

"Thanks Heizel" tapos ay lumabas na ito. Ilang saglit pa ay nag-ayos na ako para makipagkita kay sir Nathan

Pumunta na ako sa lugar kung saan kami magkikita. Nang makarating ako nakita ko siyang nakatalikod. Agad akong lumapit. Nakangiti ako habang binabati siya.

"Hello Ti----" di ko na natapos ang sasabihin ko ng humarap ito sa akin.

Pakiramdam ko nananaginip ako pero totoo ang nakikita ko.

"T-Trace.. Ikaw? What are you doing here?" Tanong ko. Bakit siya nandito? Hindi kaya sinabi ni Tito Nathan ang lahat?

"Because of business, and you what are you doing here? Looking for some rich mens?" Nang-uuyam na sabi sa akin nito. Nasaktan ako. Pero isinawalang bahala ko lang iyon. Ibig sabihin wala pa itong alam. Tumikhim ako at pinaformal ang boses ko.

"I thought I'll meet your dad Mr. Oh, by the way I would like to introduce myself, Im Zhane... Zhane Carlyn Dexcilier." Sabi ko. Bumakas dito ang pagkagulat pero agad ding nawala iyon.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon