CHAPTER 52

8.3K 132 6
                                    

Nang makabalik ako sa office agad kong inasikaso ang mga paper works lalo akong ginanahan sa ginagawa ko dahil kay Trace. Nang biglang magring ang phone ko. Naisip ko na baka si Trace agad ko itong kinuha at tiningnan pero unregistered number ang nakita ko. Napakunot ang aking noo. Ilang sandali pa napagdesisyunan ko itong sagutin.

"Hello who's this?" Tanong ko sa kabilang linya pero walang nagsasalita. Dalawang minuto ko nang hawak ang cellphone ko pero hindi parin ito nagsasalita. "Ahm... Sino ba to? Kung hindi ka magsasalita I will drop your call." Sabi ko pero wala paring nagsasalita. Hanggang sa maputol na ang tawag. Napatingin ako sa phone at naisip na baka wrong number lang o prank caller. Nagkibit balikat lang ako at tinuloy ang ginagawa ko. Habang abala ako bigla naman bumukas ang pinto, inangat ko ang aking ulo mula sa pagkakayuko sa mga papeles upang mapagsino ang pumasok at nakita ko si Kenshin nakakunot ang noo nito at madilim ang aura sa anyo nito para itong papatay ng Tao pag hindi nito magustuhan ang isasagot sa kanya.

"Anong nang----" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng putulin ni Kenshin ang sasabihin ko.

"Why you didn't tell me?" May diin ang pagkakabigkas nito sa baritonong boses. Napakunot ang noo ko at takang taka sa tanong ng kapatid ko.

"Tell what?" Tanong ko. Bigla nitong nahampas ang table ko ng malakas, nagulat ako at tumitig sa mukha nya. Nakikita ko ang galit sa mga mata nito.

"Don't pretend that you didn't know." He said in a serious tone.

"What happened to you? And what are you saying can you please tell me because right now I really confuse!" Napataas na rin ang boses ko dahil naiinis na rin ako sa kapatid ko.

Tiningnan ako nito ng malamig.

"Bakit mo tinago?! Bakit nyo tinago sa akin!? Na buhay pala ang anak namin ni Ramiasen!" Sigaw nito. Namutla ako. Ibig sabihin alam na nyang may anak siya kay Ram at iyon ay si Lance. Natahimik ako. Nakita ko ang sakit sa mga mata nito. Nag-iwas ako ng tingin at muli itong nagsalita. "Alam mo ba sobrang sising sisi ako nung malaman kong namatay ang anak namin ni Ram dahil sa kagaguhan ko! Alam ko naging masama ako kay Ram hindi ko siya pinahalagahan pero pinagsisihan ko yon. Halos gusto kong patayin ang sarili ko sa lahat ng ginawa ko sa kanila lalo na buong akala ko namatay ang anak namin ngunit hindi pala..." I saw a teardrop on my table. Tumingala ulit ako para tingnan siya. Umiiyak na ito. Nakonsensya ako pero may kasalanan din ito kaya itinago dito ni Ram ang totoo.

"I'm sorry Ken... I don't know what should I need to say... Pero pinangako ko kay Ram na hindi ko sasabihin sayo. May kasalanan man ako but you can't blame me after all you refused the responsibility to be a father for her child when she told you that she's carrying your son.

"But I also have the rights to know the truth because I'm still his father!" He said furiously.

"Yeah your right pero tingin mo aaminin sayo ni Ram ang totoo matapos mo sabihin ang mga salitang binitawan mo bago siya umalis at nagpakalayo-layo sayo? Tingin mo maglalakas siya ng loob na sabihin sayo?" Sabi ko dito nag-iwas ito ng tingin dahil sa malaking kasalanan nito kay Ram. "Kung galit ka kay Ram, Kenshin dahil sa ginawa niya sayo para makuha ka kay Mercilien wala ka parin sa lugar para sabihin yon sa kanya!" Nanatili itong tahimik. Nahalinhinan ng lungkot, pagkabigo at pagsisisi ang mga mata nito. Kahit gusto ko nang aminin sa kanya dati na buhay ang anak niya kay Ram. Ang kaibigan ko parin ang may karapatan na sabihin iyon sa kapatid ko. Nagtiwala sa akin si Ram na itago ang sikreto niya habang magkatulong kaming pinalalaki ang anak niya sa ibang bansa kaya madalas akong pumunta sa amerika noon dahil sa kaibigan ko. "Ngayon Kenshin.. Masisisi mo ba kami?" Tanong ko pero nanatili itong tahimik habang lumuluha. Ilang sandali pa'y nagsalita ito.

"Ayoko siyang magpakasal sa iba.." He said. "Ramiasen is mine only mine and no one can have her except me and also Lance I'm his father and not Gelal" he said with finality. Napangiti ako. Mukhang magkakaroon ng gulo sa gagawin ng kapatid ko pero anong magagawa ko? Kapatid ko siya at alam ko mahal parin siya ni Ram and I will support him whatever happens.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon