CHAPTER 49 PART 2

8.4K 207 2
                                    

__________________

Pasulyap sulyap ako kay Trace habang kumakain ito. Nang mahuli ako nito agad akong nag-iwas ng tingin.

"I'm handsome right? Don't worry your also beautiful we're perfect match.." He said huskily. Nag-iwas ako ng tingin sa mga titig niya parang gusto kong matunaw, pagkaraan ng ilang saglit ay nag-paalam na ako dito.

"Tapos ka na agad? Your not already finish" he said.

"No, I'm full" simpleng sagot ko. Pumunta ako sa sala at naupo. Naalala ko yung pouch ko at yung cellphone ko sa kotse niya. Nakita ko yung susi ng kotse ni Trace na inilapag niya kalapit nung vase agad ko iyon kinuha hindi na ako nagpaalam sa kanya. Babalik naman ako agad.

Lumabas ako at naglakad na papunta sa elevator. Nang nasa ground floor na ako ay lumabas na ako at pumunta ng parking lot. Pumunta kaagad ako sa kotse ni Trace at kinuha ang pouch ko. Nang mapatingin ako sa kaliwang side ko ay nakita ko si Mang Nando na may buhat na tatlong kahon, mukhang nahihirapan ito, hindi rin nito masyadong makita ang daan dahil sa mga kahon na iyon.

Lumapit ako at kinuha ang isang kahon. Mukhang nagulat naman si Mang Nando.

"Iha! Ako na baka magusot yang maganda mong damit!" Sabi nito. Habang hawak ko ang isang kahon at nasa kamay ko ang pouch ko.

"Naku! Si Mang Nando naman!,parang hindi ako kilala okay lang po." Nakangiti kong sabi.

"Tss, Carlyn hindi na bagay sayo ang magbuhat ng mga supplies panglinis." Sabi pa nito.

"Nakakatampo naman kayo porke't ganto na suot ko ayaw niyo ng tulungan ko kayo. Ako parin naman ito wala namang nagbago." Sabi ko. Habang nakangiti sa kanya. Napangiti na rin ito.

"Tama ka, walang nagbago. Mabait ka paring bata." Sagot nito. Habang naglalakad kami papunta sa gym. Magkapanabay na kami ng maisipan kong itanong ito sa kanya.

"Mang Nando sabi niyo po tinulungan kayo ni Trace sa hospital bills?" Napalingon sa akin si Mang Nando.

"Oo, iha ang bait ni sir." Komento nito. Napatingin ako ng diretso sa daan. Alam ko hindi ganuon si Trace kilala ko siya at sabihin na natin na hindi siya ang klase ng tao na mapagkawanggawa.

"Bakit po?" Napatingin ako kay mang nando, kumunot ang noo nito sa tanong ko.

"Anong bakit?" Takang tanong niya.

"Bakit po niya kayo tinulungan?" Tanong ko. Tumawa ito.

"Iha, ano bang klaseng tanong yan! Malamang mabait si sir Trace at maawain." Sabi nito.

"Pero..." Hindi ko alam kung itutuloy ko ang sasabihin ko o ano, pero sa huli ay tinanong ko na rin. "Hindi po ba masama ang ugali niya, pasensya na ganon po talaga siya pero bakit ngayon...ang bait niya." Nakangiti lang si Mang Nando tapos ay bumuntong hininga.

"Iha, sabihin natin na oo istrikto si sir at masungit pero may tinatago siyang kabutihan. Dati tinulungan na rin niya ako nung wala ka pa sa school na ito." Napakunot ang noo ko. "Na-ospital ang asawa ko noon at nagkataon naman na si Sir Trace ay nanduon din sa hospital dahil nandun pala ang ama niya, dati akala ko rin masama ang ugali niya pero napatunayan ko na mabait pala siya." Sabi nito. Natigilan ako. Akala ko kilalang kilala ko na si Trace hindi pa pala. Alam kong may kabutihan siyang tinatago pero ngayon ko lang nalaman ang bagay na ito.

"Tanong ko lang po, diba dati hindi siya nakikipag-usap sa katulad natin pero nung nakita ko kayo kanina parang iba siya."

"Anong iba iha?"

"Ang bait niya po at palangiti." Sabi ko.

"Alam mo hindi nga siya ganyan dati pero simula ng mawala ka, hindi na siya yung laging nakasigaw o nakasimangot. Yun nga lang makikita minsan ang lungkot sa mata niya" Sabi nito at ngumiti sa akin ng makahulugan namula ako. Parang sinasabi niya na ako ang dahilan ng pagbabago ni Trace. Sabihin natin na ako nga, pero bakit niya naisip na ako agad diba? pwedeng ibang tao.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon