CHAPTER 43 PART 2

8.3K 168 12
                                    

Nagkatinginan kami ni Ram habang nag-uusap si Liro at Reese. Bagay na bagay silang dalawa kahit sobra makapanglait si Liro. Tingin ko si Reese ang makakapagpatino sa happy go lucky na babaerong ito.

"You're so mean naman mahal..." Nakapout na sabi ni Reese. Nawala ang ngisi ni Liro.

"Don't call me mahal! Pakiramdam ko cradle snatcher ako!" Sagot ni Liro.

"Eh sa mahal talaga kita eh!" Malakas na sabi ni Reese. Matatawa na kami ni Ram sa lambingan ng dalawa. Kung lambingan nga  matatawag yon? Pati yung ibang Tao napatingin na. Napatingin si Liro sa paligid at namula ang cute naman magblush!

"Tumigil ka ngang bungal ka! Nakakahiya ka!" Sita ni Liro dito.

"No! I won't stop! Gusto ko malaman ng ibang tao kung ano ang damdamin ko sayo!" Lalong namula si Liro at napatingin sa paligid nakangiti na yung ibang customer na malapit sa amin. Napa face palm si Liro at naiinis na napatingin kay Reese.

"Ikaw wala ka na ngang ipin ang lakas ng loob mong magsalita" seryosong sabi ni Liro.

"Ganyan talaga kasi----" pinutol na ni Liro ang sasabihin pa nito.

"Don't talk to me! Because your teeth is not complete!" Inis na sabi ni Liro.

"Grabe ka! Kahit hindi kumpleto ipin ko, ako naman ang pakakasalan mo!" Natahimik si Liro at tiningnan si Reese ng masama, sinalubong naman ni Reese ang mga titig nito.

"Um-order ka na nga nagugutom na ako!" Reklamo ni Liro. Habang nakatingin sa ibang direksyon. Nginitian ito ni Reese.

"Wait lang mahal"sabi nito at agad tumayo.

"Abat!" Nasambit na lang ni Liro tapos ay tiningnan kami.

"Seriously paano niyo siya nakilala? Shes crazy! I hate her!" Nanlalaki ang mata na sabi nito.

Nagkatinginan kami ni Ram at ngumiti kami ng nakakaloko.

"Hindi mo ba alam na the more you hate the more you love!" Sabi ni Ram.

"That old saying! Ang dami ng nagsabi nyan di naman totoo, yung iba nga nagpapatayan pa!" Sagot nito habang nakasimangot.

"Eh,paano love mo na pala siya ayaw mo lang tanggapin" sagot ko nanlaki ang mata nito at itinuro si Reese na nasa counter at um-order.

"That girl! Na hindi yata uso ang sepilyo sa kanya kaya nabungal! Yang pangit na yan! Di bale ng tumandang binata ako kaysa pakasalan siya!" Pinal na sagot ni Liro. Natawa kami ni Ram. Mukhang masayang paglapitin ang dalawa.

"Naku Liro maganda yan si Reese konting ayos lang pwede mo nang ibandera!" Sabi ni Ram.

"Tsk! Buti nakita niyo ang kagandahan sa kanya, ako wala akong nakita kundi puro bagang!" Naiinis na sabi nito.

"Alam mo siya naman ang babaeng pakakasalan mo at siguradong di ka magsisisi" sagot ko.

"You know what Carlyn, wala pa man ang wedding day nagsisisi na ako simula ng ipakilala siya sa akin ni dad, hindi pumasok sa isip ko na ipapakasal ako ni dad sa babaeng katulad niya! Lahat ng girlfriend ko, original ang ipin yung kanya artificial!"

"Bakit masyado namang big deal sayo ang teeth niya?" Si Ram.

"Big deal talaga! And I can't imagine myself in the future kissing her! That is so gross!"

"Para ka namang babae kung magreklamo." Ako.

"Alam mo kung isa kang lalaki at cassanova at lahat ng magagandang babae ay nakarelasyon mo na tapos ang isang gwapong katulad ko mapupunta sa katulad lang nya! Maraming babae ang magluluksa dahil sa akin."

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon