CHAPTER 10

8.6K 172 1
                                    


Naglalakad na ako sa may kanto ng mapansin kong nagtatakbuhan yung mga tao. Pagtingin ko kung saan sila nanggaling, nakita ko na sobrang daming usok kahit malayo pa ako.

Parang may.... Bigla akong kinabahan ng mapagtanto ko kung saang lugar iyon para akong binuhusan ng malamig na tubig agad akong tumakbo papunta sa lugar na iyon.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko ng malapit na ako. May sunog! sa baranggay namin!

Tumakbo uli ako papunta sa bahay namin at nakita kong tinutupok na ng apoy ang bahay namin. Lalapit sana ako pero pinigilan ako ng mga bumbero.

"Huwag na po kayong pumasok delikado po" sabi nung pumipigil sa aking bumbero.

"Pakiusap paraanin niyo ko! nasa loob ang nanay ko! Nay! Nay!" pagmamakaawa ko.

Tinutulak ko siya pero nakaharang pa rin siya sa daan ko. Umiiyak na ako nasa loob ang nanay ko kailangan kong pumasok, kailangan kong mailabas si nanay!

"Sinabi ng papasukin niyo ako!! Umalis kayo!! Nay!!" patuloy pa rin ako sa pagsigaw.

Nilalamon na nang apoy ang bahay namin. Humahagulgol na ako dahil sa nakikita ko...ang sakit...parang winawasak ang puso ko habang iniisip na nandun ang nanay ko sa apoy...at natatakot... Patuloy pa rin ako sa pag-iyak ng may humawak sa balikat ko.

Paglingon ko natulala ako ng makita ang nanay ko agad ko siyang niyakap ng napakahigpit. Nakita ko si Aling Siony na nasa likod ni nanay.

"Salamat! nay ligtas ka!" sabi ko habang umiiyak pa rin.

"Anak huwag ka ng umiyak...tahan na...nandito na ako kaya huwag ka ng matakot.." sabi niya habang masuyong hinahaplos ang aking likod.

"Paano po kayo nakalabas?" tanong ko sa nanay ko medyo nahimasmasan na ako at humiwalay na sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan niya ang luha ko.

"Natutulog ako non anak at pumasok si Siony sa bahay natin at ginising ako at sinabing may sunog at inilabas niya ako sa bahay" sabi ng nanay ko.

Tumingin ako kay Aling Siony naiiyak na naman ako. Salamat sa kanya at ligtas ang nanay ko.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya unang beses na napunta kami dito sa Maynila ito kaagad ang naging kaibigan namin at napakabait sa amin. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Marami pong salamat Aling Siony..." naiiyak kong sabi at humiwalay na ako sa kanya.

"Walang anuman iyon ineng...sino pa ba ang magtutulungan? eh di tayong magkakapit bahay lang.." sagot nito "buti na lang at nakalabas lahat ang mga kapitbahay natin at wala ng nasaktan...pero yung mga bahay natin wala na...pati mga gamit natin wala na rin naabo na..." naiiyak na sabi ni Aling Siony niyakap ko siya para gumaan ang pakiramdam niya.

Mga apat na oras din bago naapula ang apoy mga 10:00pm ng magsimula ang sunog at natapos ng mga 2:00am ng madaling araw. Maraming nag-iiyakan dahil sa nangyari.

Marami din galit dahil ang nagpasimula daw ng sunog ay yung nakatira sa isang apartment na hindi naman nalalayo sa bahay namin ang may kasalanan. Naiwan daw bukas yung kalan at iyon daw ang pinagmulan ng sunog.

Dahil dikit-dikit ang mga tirahan dito mabilis kumalat ang apoy mga 40 kabahayan ang nasunog buti na lang naapula ng mga bumbero kung hindi marami pang madadamay na bahay. Kahit ganun ang nangyari masaya pa rin ako at walang nasaktan na tao at ayos lang ang nanay ko. Ang problema lang saan kami matutulog?.

Dumating ang kawani ng baranggay at inanunsyo na pwedeng duon muna kami matulog sa Basketball gym.

Pumunta kami duon ng mga nasunugan. At ng makarating kami kanya-kanya na kaming hanap ng pwesto kung saan matutulog.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon