CHAPTER 36 PART 2

8.1K 167 3
                                    

Nanatili lang ako sa table at umiinom ng wine. Napaparami na ang naiinom ko pero wala akong pakialam kahit na malasing ako. Gusto ko mamanhid ang pakiramdam ko ngayon dahil sa nangyaring pag-uusap namin ni Trace.

Tumingin ako sa paligid para tingnan kung nandito pa si Trace pero hindi ko siya nakita. Napabuntong hininga ako. Pumunta ako sa restroom para magretouch ng make up. Pagkatapos kong mag-ayos parang may naririnig ako sa isang cubicle ewan ko pero parang hinihila ako palapit duon.

Binuksan ko ang pinto yung sapat lang para makita ang nasa loob. Nanlaki ang mata ko ng may nakita akong babae at lalaki na naghahalikan.

Likod pa lang nung lalaki ay kilala ko na kung sino. Agad kong binitawan ang pinto at naglakad palayo. Nang makalabas ako ng restroom ay napagdesisyunan ko nang umuwi, wala na akong gana. Namalayan ko na lang na tumulo na yung luha ko. Napangiti ako ng mapait.

'Siguro kahit kailan...hindi ako masasanay na may kasama kang iba...kahit kailan hindi na talaga kita maaalis sa sistema ko..lalo na sa puso ko..'

Sumakay na ako ng kotse at umalis na sa lugar na iyon...
____________________

Naramdaman kong may sumusundot sa pisngi ko kaya minulat ko ang isa kong mata. Nakita ko ang anak ko na nakatitig sa akin at hinaplos ng maliit niyang kamay ang buhok ko. Napapikit ako at napangiti.

Nakakagaan talaga ng pakiramdam kapag kasama mo ang anak mo...

"Mommy bat di ka gumigising? Tagal mong magsleep... May sakit ka ba?" Binuksan ko ulit ang mata ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Travis hindi ako nagsalita hinila ko siya at kiniliti tawa ito ng tawa.

"Mommy!!! Nakikiliti ako!!" Tinigilan ko na siya at niyakap ng mahigpit. Kamukhang kamukha talaga ito ng kanyang ama...

Nung nakita ko si Trace kahapon na may kasamang babae umuwi na lang ako. Pagkatapos kong silipin ang anak ko sa kwarto niya ay pumunta na ako sa sarili kong silid at nag-shower habang nasa shower ako at nakapikit sumasagi sa isipan ko si Trace kaya nahirapan akong matulog, madaling araw na siguro ng tuluyan akong dalawin ng antok kaya tinanghali ako ng gising.

Niyakap din ako nito.

"I love you anak..." Sabi ko. Lahat ng mga agam agam ko ay nawawala kapag kasama ko ang anak ko...

"I love you too mommy" napangiti ako at pinupog ko siya ng halik sa mukha.

"Mommy tama na! Di ka pa nagtutoothbrush puro panis na laway na pisngi ko.." Sabi nito.

"Eh Mabango naman hininga ni mommy eh.." Sabi ko sa kanya tapos ay pinisil ko ang pisngi niya.

"Mommy bangon ka na, kailangan mo na magbreakfast" umalis ito sa tabi ko at hinila ang kamay ko.

Sumunod naman ako hanggang sa makarating kami sa kusina, pinaupo ako nito at pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa.

Nakahain na sa mesa ang pagkain. 10:00am na ng umaga ang usual na gising ko ay 6:00am or 5:00am pati ang anak ko maaga rin gumising sa umaga.

Sumampa si Travis sa upuan tapos ay kinuha yung rice at nilagyan ako sa plato tapos kinuha niya yung bacon at egg at nilagyan din ang plato ko.

Ang sweet talaga ng anak ko. Kahit nakuha niya ang pagiging suplado ni Trace, mabait naman ito at maasikaso pag gantong linggo at wala ako sa office o sa restaurant lagi niya akong inaalagaan, minsan naiisip ko parang matanda na ang taong kaharap ko. Kahit na bata pa ito parang matanda na itong kumilos.

"Yan mommy eat ka na kahit wala akong daddy ako na lang mag-aalaga sayo." Sabi nito at naupo na ng maayos at kumain na rin. Nakatitig lang ako sa kanya. Nag-iinit ang ilalim ng mata ko dahil sa sinabi ng anak ko.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon