CHAPTER 43 PART 1

8.5K 168 2
                                    

Bigla akong naalimpungatan sa pagtulog ng marinig kong nag-ring ang cellphone ko. Pilit kong binuksan ang mata ko at hinanap iyon ng makita ko sa ibabaw ng side table ay agad ko itong sinagot.

"Hello" sagot ko sa kabilang linya pero walang sumasagot, tiningnan ko ang caller id kung sino ito pero walang nakaregister na pangalan. Sino ba kasi ito?

"Hello whos this?" Ulit ko pero walang sumasagot nakakarinig lang ako ng mahihinang paghinga. Bigla ko tuloy naalala yung napanood kong movie na suspence, thriller about sa stalker, di kaya stalker ko ito? Dahil sa isiping iyon nawala ang antok ko at nakaramdam ako ng takot.

Nang umuwi ako galing party ay natulog ako agad, kung hindi nga lang nag-ring ang cellphone ko hindi sana mapuputol ang panaginip ko tungkol kay Trace.
Oo napapanaginipan ko si Trace siguro dahil sobrang naguguluhan ako sa kanya at sa sarili ko kaya pati sa panaginip nanduon siya...

"He-hello si-sino ka b-ba?" Sinubukan kong maging matapang ang boses ko pero mas naging mukhang takot ako kaysa matapang. Natigilan ako ng magsalita ito.

"Its me... Im sorry if Im scared you.." Sabi ng isang baritonong boses.... Kilala ko siya...

"T- Trace?" Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

"Yeah its me, you still know my voice.." Namula ako sa sinabi nito. Dahil pinapakita lang nuon na hindi ko nakalimutan kahit ang boses niya sa phone,kahit ilang taon na ang lumipas.

"Bakit ka napatawag?" Tanong ko at napatingin ako sa orasan. Nanlaki ang mata ko sa nakita. "Trace 3am pa lang ng madaling araw nambubulabog ka na!? Ano ba naman!?" Sigaw ko at ang loko tumawa pa sa kabilang linya.

"Huwag kang maingay, halos mabasag ear drum ko sayo, baka magising ang mga kasama mo sa bahay." Napahiya ako sa sinabi niya. Oo nga naman hindi lang ako ang tao dito..

"Bakit ka ba kasi napatawag ha?" Mahina kong sabi.

"Bigla ka kasing umalis kanina hindi mo man lang pinatapos ang gusto kong sabihin..." Nahimigan ko ang lungkot sa boses nito pero isinawalang bahala ko iyon.

"Para ano pa? Hindi na mahalaga ang sasabihin mo.." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Mahalaga yon dahil tungkol iyon sayo... Lahat ng bagay na may kinalaman sayo ay mahalaga..." Naapektuhan ako sa mga sinasabi niya pero kailangan kong maging matatag, ilang beses na akong nagtiwala sa kanya ilang beses ding nasaktan hindi dapat ako bumigay sa mga salita lamang niya...

Tumawa ako ng mahina na para bang isang Biro ang sinabi niya.

"Oh... How sweet..." Sarkastiko kong sabi. "Trace sana sa ibang babae mo na lang iyan sabihin dahil hindi mo ako mauuto sa mga kasinungalingan mo!"

"Trust me please... Magtiwala ka sa akin, huwag kang maging katulad ko noon na walang tiwala sa ibang tao.." Sabi nito na may himig pagmamakaawa. Aba! Ako pa talaga ang walang tiwala!

"Ang lakas naman ng loob mo Trace.. Ako pa talaga ang walang tiwala ha? Alam kong alam mo kung ilang beses ako nagpakatanga sayo! Kahit mukha na akong aso sa pagsunod sayo at sobrang pagtitiwala sayo.. At ngayon ako pa ang sasabihan mo ng ganyan?" Sabi ko ng puno ng hinanakit "dont worry hindi ako magiging katulad mo, may tiwala ako sa ibang tao... Pero... Sayo? Wala, wala na! Simula ng araw na nagkita tayo sa restaurant at umalis ako at pumunta ng Canada, duon ako nagising.." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Masakit para sa akin alalahanin ang lahat na may kinalaman sa lahat ng masasakit na pinagdaanan ko sa kanya "kaya wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan!" Galit kong sabi sa kanya, hindi ito nagsalita nanatili itong tahimik sa kabilang linya.

"I-im sorry... For all the bad things I've done to you..." Hindi ako nagsalita hinyaan ko lang siya. "Kaya ako tumawag para sabihin sayo ang hindi ko nasabi sayo kanina... " narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Gagawin ko ang lahat maging akin ka lang.. Kahit ayawan mo ko at itulak palayo patuloy pa rin akong lalapit sayo at hindi ka pakakawalan.. Hanggang sa maging akin ka muli..." Patuloy lang ako sa pagluha bawat salita niya humahaplos sa puso ko... Natigil ang pagpatak ng luha ko sa huli niyang sinabi..

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon