CHAPTER 24 PART 1

7.6K 174 3
                                    

CARLYN POV:

"Tapos ka na ba?" Tanong sa akin ni Trace. Kanina pa ito tanong ng tanong kung tapos na ako magluto. Eh wala naman halos nakalagay sa ref niya kundi puro pang breakfast tapos inumin yun lang.

Menudo pa naman ang balak kong lutuin kaya may inutusan ito para bumili ng mga kailangan ko, see? Nakapag-utos nga siya sa tauhan niya tapos sasabihin niya tinatamad siya!

Nang dumating na yung mga kailangan ko at nagsisimula na akong magluto panay naman ang tanong sa akin nito kung tapos na ako kaya namamadali ako sa pagluluto gawa niya.

Ilang sandali pa natapos na rin ako at tinawag ko na siya. Lumapit ito at tiningnan ang niluto ko tapos at naupo. Nakatingin lang ito sa pagkain.

Bakit ayaw pang kumain? Tinitingnan lang niya!

Tumingin ito sa akin tapos ay napabuga ng hangin.

"What are you waiting for? Join me!" Masungit na sabi nito. Hinihintay lang pala niya ako maupo at sabayan siya. Eh bakit siya galit? Pwede naman sabihin sa tamang paraan eh!

Naupo ako pero nakasimangot ako. Nagsimula na itong kumain pero ako nanatili lang nakatingin sa kanya. Napatigil ito sa pagsubo tapos nayayamot na tumingin sa akin.

"Kumain ka na rin at saka huwag kang sumimangot baka malasin ako!" Naiinis na sabi nito sa akin. Kumuha na lang ako ng pagkain at sumabay na rin ako sa kanya.

Napapitlag ako ng dumampi ang kamay nito sa mukha ko at naramdaman ko yung thumb finger niya na humaplos sa gilid ng labi ko. Napatulala lang ako sa kanya tapos ay lumayo siya.

"May dumi ka sa mukha para kang bata kung kumain, umayos ka nga" malamig na sabi nito ako naman, namadali na akong kumain nakakailang naman kasi eh! Pakiramdam ko rin namumula ang mukha ko.

Tapos ay nagligpit na ako nilagay ko na sa sink yung pinagkainan namin ng maramdaman ko siya sa likod ko.

"Can I help you?" Nagulat ako kaya nabitawan ko yung plato at panay ang salo ko kaya lang pati ito nakisalo rin kaya yung kamay niya nakapatong sa kamay ko.

Nakakahiya naman! Ang lambot ng kamay niya! Tapos yung kamay ko ang gaspang!

Pero ang mas nakakapagpagulo sa akin eh nakadikit na yung dibdib niya sa likod ko nakakailang lang sobra! Buti na lang umalis na ito sa likod ko at lumipat sa tabi ko kaya dahan dahan akong nakahinga.

"T-Trace a-ako ng bahala mas ma-maganda kung manuod ka na lang ng t.v o-okay" sabi ko sa kaya pinipilit kong huwag mautal pero hindi ko mapigilan! Dahil na rin kasi sa nangyari, napakaintimate na sa akin ang ganung simpleng pangyayari.

"No, I want to learn how to wash the plates" pilit nito pero hindi ko pa rin siya tinitingnan. Baka matulala na naman ako eh.

"Hu-huwag na ka-kaya ko naman ito eh" sabi ko gusto kong lumunok pero hindi ko magawa.

"No whether you like it or not I want to wash the plates" pangungulit nito kaya. Napabuga na lang ako ng hangin.

"S-sige ganto lang naman ang gagawin mo eh" tapos sinimulan ko ng mag demo sa kanya. Nakikinig itong maigi na akala mo mahirap ang gagawin niya.

Tapos ay pinigilan ako nito.

"Ako na kaya ko na" sabi nito tapos ay kinuha sa akin ang plato at sinimulan ng lagyan ng dishwashing liquid.

"Tutulungan na kita" sabi ko.

"Huwag na, magpahinga ka na lang kanina ka pa ngtatrabaho, manuod ka na lang ng t.v dun" tapos ay lumingon ito sa akin at binigyan ako ng isang ngiti. Napatulala ako bumilis ang tibok ng puso ko. Nginitian niya ako at nag-aalala siya sa akin kaya gusto niya magpahinga na lang ako. Habang tinitingnan ko siya pakiramdam ko para kaming mag-asawa.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon