Chapter 48 Part 2

8.3K 158 4
                                    

Nang makapasok si Trace sa banyo agad kong hinagilap ang mga damit ko sa paligid pero hindi ko makita. Tumingin ako sa walk in closet at sinilip kung naroon at hindi nga ako nagkamali, isinuot ko iyon wala akong balak na manghiram ng damit kay Trace naiilang ako lagi sa tuwing suot ko ang damit niya. Nang matapos ako ay lumabas ako ng kwarto, mahirap na baka kung anong kalokohan ang pumasok sa isip non!

Naisip ko kung magluluto ako ng breakfast namin pero baka asarin na naman ako nito pero gutom na rin ako tsaka kahit paano naging nice naman siya sa akin at hindi naman niya ako ginalaw kahit na medyo manyakis siya.

Pumunta ako sa kitchen at nagsimulang magluto. Inaayos ko na ang lamesa ng lumabas si Trace ng kwarto, nakabihis na ito ng business suit. Amoy na amoy ko rin ang aftershave nito. Ang bango niya at ang gwapo talaga! Tumingin ito sa akin agad akong nag-iwas ng tingin. Baka sabihin pa nito pinagpapantasyahan ko siya!
Pero... Kahit medyo totoo yon, hindi ko aaminin! Lumapit ito sa sa mesa, kunwari busy ako at walang pakielam pero nababagabag na naman ako sa presensya niya.

"Bakit ka nagpalit ng damit? Mas maganda ka kanina." Sabi nito habang nasa tabi ko. Nagsisimula na akong matense dahil nasa tabi ko lang siya at pinamulahan din ako ng mukha sa sinabi niya. Ano siya sinuswerte?! Hahayaan ko lang na ganun ang suot ko tapos wala pa akong short! Tapos kung makatingin siya nakakapanindig balahibo!

Hindi ako nagkomento sa halip na upo na ako at nagsimulang kumain. Naglakad na rin ito sa katapat kong upuan at naupo. Iniiwasan ko na mapatingin sa kanya dahil lalo lang akong kakabahan, simpleng pagtingin lang dito nagkakaroon na nag pagtambol sa dibdib ko.

Ramdam ko yung mga titig niya sa akin habang kumakain kami na mas lalo lang nakadagdag sa discomfort ko.

"Balak kong umuwi magpapalit ako ng damit sa condo ko." Pormal kong sabi kahit gustong mangatal ng boses ko dahil sa presensya niya.

"Sasamahan kita." Napatigil ako sa pagsubo at napatingin ako sa mga mata niyang nakatuon lamang sa akin. Napalunok ako. Bakit ba niya kasi lagi akong tinitingnan ng ganyan! Kaya ayaw kong tumingin sa kanya eh,

"Huwag ka ng sumama saglit lang ako at papasok din ako sa office." Sabi ko. Dahil kung sasama siya malalaman niya na hindi ako papasok sa trabaho dahil balak kong makipagkita kay Travis para mamasyal.

Hindi ito umimik pinagpatuloy ko lang ang pagkain napansin ko hindi nito halos ginagalaw ang pagkain nito. Tiningnan ko siya. Nakatitig lang ito sa akin habang nakapatong ang baba nito sa palad niya.

"Bakit di mo ginagalaw pagkain mo?" Tanong ko.

"Because your more looked appetizing than this foods" he said seriously. What?! I felt my cheecks becoming hot dahil sa mga sinabi niya. Binaba ko ang kutsara ko at napatigil sa pagkain. Di ko na kaya suko na ako. Hindi ko rin naman malunok ng maayos ang pagkain dahil sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin at tumayo.

"I-I need to go, I have a lots of works to do" sabi ko habang hindi tumitingin umalis  na ako sa kusina at mabilis na pumunta sa pinto at lumabas naglakad ako ng mabilis papunta sa elevator.

Bahala na siyang magligpit ng pinagkainan namin!

Nang agad bumukas ang elevator pumasok ako agad, wala akong kasabay, napasandal ako sa wall at napahawak sa dibdib ko at huminga ng malalim. Kaya ayoko mapapalapit kay Trace dahil pag nasa paligid siya, kahit wala naman siyang ginagawa ay pakiramdam ko masyadong masikip ang paligid at lagi na lang tinatambol ang dibdib ko ng kaba.... Unang araw pa lang... Pinagsisisihan ko na ang pagpayag sa deal na to....

TRACE POV:

Nagmamadaling umalis si Carlyn. Tinawag ko siya ngunit hindi niya ako nilingon. Masarap naman ang luto niya pero mas nakakaganang tingnan siya ang sarap sa pakiramdam na nandito siya at kasama ko. Alam ko magiging ilang pa siya sa akin pero hindi ako susuko sa kanya.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon