Chapter 54 Save me

8K 140 2
                                    

"Kumain ka na!" Sigaw ng isang babae at inilagay sa sahig ang pagkain ko hindi masabi kung pagkain ba ito talaga? Aalis na ito ng tawagin ko ulit ito.

"Tulungan mo ko makaalis dito pakiusap at pangako hindi kita kakasuhan." Pakiusap ko sa kanya, wala ang ibang kasama nito at nagbabakasakali ako na maawa ito at tulungan ako.

Kumirot ang tyan ko at napangiwi ako. Hindi maganda sa kondisyon ko na nandito ako manganganib ang batang dinadala ko.

"Bu- buntis ako.. pakiusap tulungan mo ko ayokong mamatay kami ng anak ko dito, kung magkano man ang binayad sayo ni Mildred do-doblehin ko o kahit triple... Pakiusap..."

"Alam mo maganda sana ang offer mo kaso mas takot ako kay Mam Mildred kesa sayo, baka pag tinulungan kita hindi ka pa nakakalabas dito pati ako patayin nya pag nakatunog sya. Kilala ko si Mam Mildred" Ismid na sabi nito at ngumisi habang bumaba ang tingin sa tyan ko

"Lahat naman ng tao namamatay mauuna lang kayo ng anak mo maging masaya ka na lang at hanggang huli magkasama kayo!" tumawa ito ng malakas at lumabas ng kwarto. Tumulo ulit ang luha ko.

Kailangan kong makaalis dito, kailangan ko makaisip ng paraan. Bigla muling bumukas ang pinto at iniluwa si Mildred at naglakad sakin habang mala demonyo na nakangiti, sa kabila ng maganda nitong mukha isa itong halimaw. Kasunod nito ang dalawang tauhan na lalaki.

"Sige na kalagan nyo na sya." utos ni Mildred sa dalawa at lumapit sakin at tinanggal ang pagkakagapos ko.

"Anong ga-gagawin nyo?" sabi ko sa nanginginig kong tinig. Tumawa si Mildred ng mahina at nagsalita.

"Ano pa? we're going to play? you'll love this." binitbit ako ng dalawa pero nagpumiglas ako. Nauna ng maglakad si Mildred

"Pa-pakawalan nyo ko! Bitawan nyo ko!" sigaw ko.Nagpumiglas ako ginamit ko ang buo kong lakas.

Nabitawan ako nung isa then I kicked the thing between his thigh as hard as I could. Napasigaw ito sa sakit at napaluhod, tinawanan lang ito ng kasama at tiningnan ako nito ng mapanganib at pinilit tumayo.

"Nadurog ba pre!?" asar ng kasama nito.

"P*t*ng ina kang babae ka!" Nagulat ako sa sunod nitong ginawa.

Sinikmuraan ako nito napaluhod ako at halos mawalan ng malay sa sobrang sakit ng pagsuntok sa sikmura ko nag alala ako sa anak ko. Napaubo ako. Pinatayo ako nito at akmang susuntukin ulit ako

"Mapapatay kitang babae ka!"

"Pre tama na pag napatay mo yan, tayo ang papatayin ni Mam kabilin bilinan nya sya ang papatay sa babaeng ito kundi tayo ang papatayin nya." Pigil dito ng kasama. Nakapikit parin ako dahil sa impact ng suntok nito para akong kinapos ng hininga. Hinila nila ako palakad ulit at dinala sa isang kwarto.

Napatingin ako sa kanan at nakita ko si Mildred. Pinahiga nila ako sa kahoy na lamesa at naalarma ako itinali nila ang kamay at paa ko.

"Mga walanghiya kayo! Pakawalan nyo ko!." "Gawin nyo na." sabi ni Mildred habang pinagmamasdan ako.

Tinakpan nila ng tela ang mukha ko at naramdaman ko na lang ang pagbuhos ng tubig dito. Hindi ako makahinga sa nabasang tela na nasa mukha ko. Napapaubo ako. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa. Lalo akong kinakapos sa hangin dahil sa ginagawa nila. Naririnig ko lang na nagtatawanan sila habang nalulunod sa ginagawa nila sakin.

Titigil sila saglit at saka ulit ako lulunurin sa tubig. Hindi ako masamang tao, wala akong inagrabyadong tao pero bakit may gustong manakit sakin? Isa na si Mildred na balak akong pahirapan at patayin naging masama ba ko sa nakalipas kong buhay? Tapos ngayon ako magbabayad utang? At isa pa si Trace... na puro pangako na pinaniwalaan ko pero binigo lang ako... Kailangan ko bang mamatay sa gantong paraan? Mamatay ako sa brutal na paraan? na hindi ko man lang makikita ang mahal ko sa buhay? ang anak ko? Bawal ba talagang maging masaya ako...?

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon