CHAPTER 38 PART 1

7.8K 162 0
                                    

Bumalik na ako sa office habang ginagawa ko ang mga paperworks ay hindi matanggal sa isip ko ang nangyari sa pag-uusap namin ng papa ni Trace.

Sino kaya ang may matinding galit na gagawa sa akin ng ganung bagay at siraan ako kay Trace... Tingin ko si Mildred.. Pero ganun ba talaga niya kagusto si Trace para sirain ako ng ganoon? Kahit gaano pa niya kagusto si Trace wala siyang karapatan para gawin ang bagay na iyon.

Kahit nung meeting wala parin ako sa sarili ko.

"What do you think about his presentation miss Dexcilier?"
Narinig kong sabi ni Mr.Gomez sa tabi ko, saka lang ako naging aware sa paligid ko. Lahat sila nakatingin sa akin.

"I-I like the concept he made, and his presentation is very impressive!" Sabi ko. Kahit ang totoo wala naman akong naintindihan dahil wala duon ang isip ko. Ngumiti sa akin si Mr. Gomez. Siguro na halata nito na may iba akong iniisip.

Nang matapos ang meeting ay dumiretso agad ako sa office at inabala na lang ang sarili ko sa trabaho. Hindi ko namalayan na 8:00pm na pala ng gabi at kanina pa nakaalis ang secretary ko at ang iba pang mga employee.

Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Pagkatapos ay umalis na. Nakasakay na ako sa kotse ng makaramdam ako ng gutom, bigla kong naalala na hindi pa nga pala ako kumakain ng tanghalian, dahil nung magkasama kami ni Tito Nathan ay hindi naman ako kumain.

Biglang sumagi sa isip ko ang Italian restaurant na pinuntahan namin ni Trace nuon...

Kinabig ko ang manibela, gusto ko pumunta sa restaurant na iyon.

Iyon ang unang beses na lumabas kami ni Trace...

Pagkadating ko duon agad akong in-assist ng waiter duon at kinuha ang order ko.

Yung mga dating pagkain na hindi ko mabigkas nuon dahil mahirap bigkasin ang pangalan. Ngayon may accent pa ako.

Nagsisimula na akong kumain habang nandito ako. Parang yung nangyari sa amin ni Trace dito ay kahapon lang nangyari...

Unti unting bumabalik sa akin ang nakaraan namin. Yung mga inorder ko ay yung mga pagkain na inorder niya para sa akin noon...

Kahit marami ang inorder ko kaya ko itong ubusin. Marami akong kumain pero hindi ako tumataba dahil mabilis ang metabolism ko.

Nang matapos ako ay tumayo na ako para umalis naglakad ako palabas ng nasa kotse na ako bubuksan ko na ang pinto ng mamalayan kong may humatak sa akin at isinandal ako sa kotse ko.

Napamulat ako ng mata at nakita ko si Trace.

"Tr----" di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan ng mariin. Yun tipong gusto akong parusahan at pahirapan. Sinuntok ko siya sa dibdib at tinulak pero wala man lang nangyari. Nang mauubusan na ako ng hininga dahil sa halik nito. Saka ako nito pinakawalan. Parehas kaming humihingal pagkatapos. Itinulak ko siya at aktong bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko ng hilahin uli ako nito pasandal ulit sa kotse.

"Ano ba!? Bitawan mo ko Trace! Ano bang problema mo?!" Bulyaw ko sa kanya. Bigla bigla na lang itong susulpot at manghahalik ng hindi ko namamalayan.

"You are my problem!? Kailan pa kayo may affair ni dad ha!?" Nagulat ako. Ano bang pinagsasasabi nito.

"What are you saying? I dont understand you.." Naguguluhan kong tanong. Nakangisi ito at nag-aapoy ang galit sa mata nito.

"Playing dumb ha? Hindi ba.. May matanda ka ng kinakalantari tapos pati ba naman papa ko inaakit mo rin, wala kang patawad. Walang ligtas sa iyo lahat ng la-----" bago pa niya matapos ang sasabihin sinampal ko na siya. Ito ang pangalawang beses na nasampal ko siya.

Napabiling ang mukha nito tapos ay unti-unting humarap sa akin. Lalo itong nagalit kaya hinalikan uli ako nito ng marubdob. Nalalasahan ko na rin ang sarili kong dugo. Nanlalaban ako pakiramdam ko nabura na ang labi ko dahil sa pamamanhid.

Kaya kinagat ko ito sa labi ng madiin. Napaungol ito at agad napahiwalay sa akin.

"Outch!" Tumingin ito sa akin., "you little wild cat! Hindi ba iyan naman ang gusto mo? Ang atensyon ng mga lalaki, ngayon pinag-aaksayan kita ng oras iyan pa ang gagawin mo ha! Bakit? Mas gusto mo ba talaga si papa dahil matanda na at may sakit at mabilis ng mamatay ha?" Sarkastikong sabi nito. "Nakita ko kayo ni Dad sa restaurant at talagang magkaholding hands pa kayo at talagang umiyak ka pa sa harapan niya , bakit ka nagdadrama masyado? Para mas lalo siyang makulong sa iyo, sa paglalandi mo!" Bulyaw nito sa akin.

Kaya pala ito nagkaganito dahil sa nakita niya kami kanina. Yan... Yan... Ang ugaling ayaw ko sa kanya mapanghusga...

"Walang kwenta ang usapang ito. Aalis na ako" sabi ko. Tumalikod ako at bubuksan ko sana uli ang pinto ng kotse ng hawakan na naman ako nito sa braso parang bakal na hindi matinag ang pagkakahawak nito sa akin.

"Trace! Nasasaktan ako bitawan mo ko!" Sabi ko. Pero nakatingin lang ito sa akin ng puno ng galit ng may marinig akong boses ng babae.

"Trace baby" sabi nung babae. Binitawan ako nito at tumingin sa babaeng nasa likuran na nito.

"Hinahanap kita pero hindi kita makita, nandito ka pala" sabi nito tapos ay napatingin sa akin. Mukhang suplada yung babae pero wala akong pakialam sa kanya."who is she?" Tanong nito.

"Oh don't mind her, shes just nobody" sabi ni Trace tapos hinalikan niya ito sa harapan ko. Napaiwas ako ng tingin.

Nang matapos sila ay humarap sila sa akin.

"I thought shes your fling, then baby, lets leave her" sabi nung babae.

"Yes, compare to you, you are more worthy than her. And fling? Nah, I cant say she's my fling more appropriate word to her is slut." Sabi ni Trace. Nag-iinit na naman ang ilalim ng mata ko.

Sige! Ipangalandakan lang niya sa lahat na isa akong slut, prostitute, whore, pok pok, p*ta! Lahat na! Tutal nasabi na niya sa akin lahat ang words na yan.

Biglang tumawa yung babae, tiningnan ko siya at nginitian ng nakakaloko.

"If Im a slut... Im more prettier than you and..." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "I am proud of myself dahil ang kabuuan ko hindi salamat doc, eh yung sayo? Alin dyan ang totoo?" Sabi ko halata naman kasi puro retoke ang katawan nito.

"How dare you!?" Sigaw nito sa akin pero hindi ko na ito pinansin at sumakay na sa kotse, sinulyapan ko si Trace ng may hinanakit alam kong bumakas iyon sa mga mata ko pero wala na akong pakialam.. Kahit makita niya ang emosyon ko...

Pinaharurot ko na ang kotse palayo sa lugar na iyon..

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon