CHAPTER 17 PART 2

7.6K 171 0
                                    


NASA classroom ako at nakatingin sa unahan, habang nagtuturo ang prof. namin pero parang walang pumapasok sa isip ko.

Antok na antok ako gusto ko lang ay matulog, alam kong puyat ako dahil sa trabaho ko pero sanay naman ako sa puyatan pero ngayon ewan ko pero gustong gusto kong makatulog.

Papikit pikit na yung mata ko, hindi ko na talaga mapigilan kaya yumuko ako at natulog. Naramdaman kong may tumatapik sa braso ko.

Napaangat ako ng tingin nakita ko si Ramiasen na nakatingin sa akin tumingin ako sa unahan ganun din ang prof. namin.

Tumingin ako sa paligid lahat sila nakatingin sa akin. Nagsalita si Ramiasen.

"Girl kanina ka pa tinatawag ni sir pero hindi ka bumabangon." sabi nito sa akin.

"So-sorry na-nakatulog po ako..." hinging paumanhin ko sa prof.

"Next time dont sleep in my class, nakakabastos sa akin ang ganyang bagay." seryosong sabi ng prof namin.

"Opo... hindi na po mauulit..." sabi ko. Nakasimangot ito sa akin.

"Okay, class lets continue" at nagpatuloy na ito uli maglecture pero ako parang lutang ang isip ko tulala lang ako, wala ngang pumapasok sa isip ko kahit isa sa mga sinasabi ng prof. namin. Nang matapos ang klase tinanong ako ni Ramiasen.

"Car what happened to you? you looked tired" sabi nito sa akin.

"Wala ito inaantok lang talaga ako" sabi ko.

"Parang namumutla ka rin ngayon Carlyn are you sick?" tanong naman ni Kenshin.

"Wala ito, ganto talaga ako maputla"

"No mas maputla ka ngayon" sabi pa nito.

"Siguro napagod lang ako kaya ganto huwag na kayong mag-alala..." nakangiti kong sabi pero namumungay yung mata ko sa sobrang antok.

Naglalakad kami ng biglang dumaan sa harapan namin si Mercilien. Nakita ko kung paano sundan ito ng tingin ni Kenshin, maya-maya nagpaalam si Kenshin sa amin.

"Guys may pupuntahan lang ako una na ako sa inyo" sabi nito. Nakita ko papunta ito sa direksyon kung saan pumunta si Mercilien. Nagulat ako ng biglang dumaing si Ramiasen.

"Ah! ang sakit!" hawak nito ang dibdib nito tapos napapayuko. Inalalayan ko siya. Napatingin sa amin si Kenshin at lumapit uli sa amin. Hinawakan nito si Ramiasen sa balikat.

"Anong masakit sayo?" tanong ni Kenshin na may pag-aalala sa tinig. Sumandal ito sa dibdib ni Kenshin at parang nanghihina...

"Di-dito oh" at itinuro nito ang dibdib kung saan nakapwesto ang puso.

"A-ang sa-sakit ng puso ko..." sabi nito.

"Ha? may sakit ka sa puso? wait where's your medicine?" tanong ni Kenshin nakikita kong parang natataranta na rin ito.

Kahit naman ramdam kong inis si Kenshin kay Ramiasen kaibigan pa rin ang turing niya dito.

"H-here in-infront of me?" sabi nito na parang nahihirapan huminga.

"Ha? saan?" halata na sa itsura ni Kenshin at pag-aalala.

"I-ikaw...my heart needs Kenshin's tender loving care...or else I will die... your the only medicine I need to cure my heart..." sabi nito habang nakayakap na kay Kenshin, yun pala iyon! wala naman pa lang sakit gusto lang bumanat.

Hindi ko mapigilan mapangiti aaminin ko nawala antok ko dun! Akala ko naman kasi kung ano na! Nakita kong biglang umasim ang mukha ni Kenshin at kinalas ang pagkakayakap ni Ramiasen.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon