CHAPTER 46 PART 1

8.1K 165 0
                                    

Nanatili lang ako sa upuan ko at nag-iwas ng tingin pero ramdam kong nanunuot ang mga titig ni Trace sa akin.

"Wooo... That was hot! Bagay pala kayo ni sir. Winchester ma'am Zhane" puna nito sa amin. Nakita kong nakangiti si Trace. Napalingon ito sa akin ng magsalita ako.

"Thats not true... Mr. Trace was only a business associate and nothing more special... " Sagot ko. Tumango-tango naman si Kim. Si Trace naman parang nadismaya sa sagot ko.

"Pero ma'am my spark talaga kayong dalawa" sabi ni Kim. Nginitian ko na lang siya at hindi na nagkomento.

"Okay let's continue the game next is ms. Ram and her partner is...."

"Wait! Im her partner!" Napalingon ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Kenshin!

Anong ginagawa niya dito?! Sinabi niya ayaw niyang sumama tapos pupunta pala!
Anong nangyayari! Ang mga lalaking minahal namin ay nandito!

"Sir Kenshin kayo pala, so lahat pala kayo nina ma'am may partner" sabi ni Kim. Si Renz naman na partner dapat ni Ram ay bakas ang panghihinayang.

Tiningnan ko si Ram halatang natense ito sa pagdating ni Kenshin.

"Ahm ako, I will choose my partner!" Biglang sabi ni Liro habang nakatitig kay Kim.

"Naku, Sir may partner na po kayo." Sagot ni Kim kumunot ang noo nito. Nakarehistro sa mukha nito ang pagtataka.

"Who?"

Nagsalita si Reese. Habang nakayuko na parang nahihiya.

"Ako ang partner mo Liro..." Sabi ni Reese tapos tumingin sa kanan niya para tingnan si Liro pero wala na ito sa tabi niya. Hinanap niya ito at nakita naming nagmamadaling lumabas si Liro sa bar may nabangga pa itong babae. Hindi ito tuluyang nakalabas dahil hinabol ito ni Trace ng mahuli ay hinila niya ito pabalik.

Nang malapit na sila sa amin ay halata sa itsura nito na gusto na niyang umalis.

"Dude I know that sometimes your so annoyed to me pero huwag mo namang gawin sa akin ito. Ayokong sumali sa game!" Sabi ni Liro kay Trace.

"Bakla ka talaga ang daldal mo! Kanina you looked excited" nakangising sabi ni Trace.

"Nagkamali ka lang ng tingin because Im not! Bitawan mo na nga ako ng makaalis na"

"Hindi! Sasali ka sa game!" Wala ng nagawa si Liro ng tuluyan na silang nakalapit sa amin. Hindi rin ito makakaalis dahil nakabantay si Trace.

"Pwede bang mamili ng body parts?" Tanong Liro.

"No sir lahat po tayo ay pa draw lots " sabi ni Kim.

"Bakit mo natanong pipiliin mo sigurong parts yung lips ko no! Ikaw ha!" Sabi ni Reese habang kinikilig at hinampas pa sa braso si Liro.

"Hindi pipiliin ko yung madali! Yung sa kamay mo lang lahat ang shots na gagawin at wala ng iba!" Inis na sabi ni Liro.

"Gusto mo ako na lang gumawa ng shots sayo?" Tanong nito. Nanlaki ang mata ni Liro. Alam kong inaasar lang din ni Reese si Liro.

"You can never taste my body!" Sabi ni Liro. Baligtad yata dapat babae ang nagsasalita ng ganuon.

"Okay let's start!" Sabi ni Kim.

Ramdam ang tensyon sa pagitan ni Kenshin at Ram. Pinagmamasdan ko lang sila ng maramdaman kong lumapit si Trace sa akin, magkadikit ang mga braso namin, ramdam ko rin ang mga titig niya kahit hindi ako nakatingin at sobrang nakakailang...

Buti na lang hinila ito ni Liro at sinulyapan ko sila. Nag-uusap ang dalawa at hindi nakatingin sa akin si Trace. Pasimple akong lumabas ng bar.

Hindi naman ako hahanapin ni Ram alam naman niya na umaalis na lang ako basta pag nandyan si Trace siya ng bahalang magpaliwanag kay Reese...

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon