CHAPTER 39 PART 2

8.2K 168 1
                                    

TRACE POV:

Nandito ako ngayon sa Dexcilier inc. Agad akong bumaba sa kotse 6:00pm na pero nagbakasakali parin ako na baka nandito pa si Carlyn. Lumapit ako sa security guard at nagtanong.

"Nandito pa ba si Miss Zhane Dexcilier?" Tanong ko sa guard.

"Sino po kayo sir?" Tanong nito nainis ako, ako yung nagtatanong tapos sasagutin din ako ng tanong nakakaloko lang!

"Im Trace Winchester from techno company." Maawtoridad kong sabi halata dito ang pagkagulat. Kilala ang pamilya namin kaya pag narinig nila ang apelyido namin, ay tumatatak sa isip nila na hindi kami basta basta. Mayaman at maimpluwensya kami kaya kinatatakutan din kami.

"Sorry po sir pero wala na po dito si maam Zhane, nung bumalik po siya kanina, umalis din agad." Nanlumo ako sa narinig.

"Saan siya nakatira?"

"Sir hindi ko po alam pasensya na po"

Hindi ko man lang siya nakausap. Naglakad ako pabalik sa kotse ko at pabalibag ko itong isinara. This is so frustrating! Ang laki ng kasalanan ko sa kanya! Anong gagawin ko kung hindi na niya ako mapatawad?

No! Hindi pwede! Ayokong isipin iyon, kailangan ko siyang makausap.

Kailangan kong itama ang lahat. Nahampas ko ang manibela gusto kong saktan ang sarili ko. Maraming beses ko siyang sinaktan at pinagbintangan sa bagay na hindi naman pala niya ginawa! Nagagalit ako sa sarili ko! Hinayaan kong kainin ako ng galit at panibugho kay daddy, nung makita ko silang magkasama akala ko may relasyon sila at nagalit ako agad, kahit anong paliwanag nila hindi ko pinakinggan. Dahil mas pinili kong paniwalaan na katulad siya ng iba dahil natakot na akong magtiwala sa ibang tao.. At iyon ang pinakamalaki kong pagkakamali ang hindi siya pagkatiwalaan sa kabila ng pagiging mabait niya sa akin... Sa lahat ng pagkakataon na pinararamdam niya kung gaano ako kahalaga sa kanya.. Lagi niyang pinagpapasensyahan, hindi siya nagtanim ng galit kahit ang dami kong kasalanan sa kanya nung nasa university pa kami.... At ngayon.. Ganun parin kaya ang mangyari?

Bakit ba kasi laging nasa huli ang pagsisisi?

Pinaharurot ko ang sasakyan sa lugar na iyon at pumunta sa bar kung saan pwede akong magpakalasing at ibuhos ang lahat ng kagaguhan at katangahan ko...

At tapos ay ibabalik ko si Carlyn sa lugar kung saan siya nararapat.. Dito... Sa tabi ko... At hindi ko na hahayaang magkasira kami... Aalagaan ko na siya at pagkakatiwalaan... Na dapat noon ko pa ginawa.. At higit sa lahat... Ipaparamdam ko kung gaano ko siya kamahal... Na dapat dati ko pa ginawa...

_______________________

CARLYN POV:

Umiiyak parin ako sa kwarto ko pagkatapos kong patulugin ang anak ko ay dumiretso na ako sa kwarto at umiyak...

Naramdaman kong biglang bumukas ang pinto, nalimutan ko pa lang i-lock nakatalukbong lang ako ng kumot. Naramdaman kong may humaplos sa ulo ko.

"I know you have a problem.. Napansin ko kanina na wala ka sa sarili." Narinig kong sabi ni Kenshin. Dahan dahan kong ibinaba ang kumot ko at tiningnan siya. Nakangiti ito sa akin at nasa mata nito ang simpatya.

"Pwede mo naman sabihin sa akin kung anong problema.. There's no reason para itago mo. Im your brother you can trust me.." Sabi nito sa akin. Mas makakatulong nga kung may pagsasabihan ako ng problema. Si Ram kasi hindi ko macontact. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama.

"I saw him.." Simula ko. Tumaas ang kilay nito.

"Who?" Nagtatakang tanong nito.

"The father of Travis I saw him at... Nagkausap din kami.." Malungkot kong sabi sa kanya. Tumiim baga ito at napatingin ako sa kamay niya. Nakakuyom ito at halatang nagpipigil ng galit.

"Who's that bastard?" Seryosong tanong nito. Hindi nila kilala si Trace matagal na nilang gustong malaman kung sino ang ama ni Travis pero pilit kong itinago iyon sa kanila.

"I- I cant tell you... Im sorry.." Sabi ko at yumuko. Narinig ko ang buntong hininga nito at nagsalita uli.

"Its okay kung hindi mo kayang sabihin.. Ngayon anong napag-usapan niyo ng gagong iyon?" Mahihimigan mo parin ang galit sa boses nito.

"He accused me the things na hindi ko ginawa and he also say some words that I dont want to hear." Tapos ay tumulo ulit ang luha ko. Napatingin ako sa kapatid ko nakikinig lang ito sa akin. "You know what, tinanong ko yung mga gusto kong malaman sa kanya sa nakalipas na taon.. Ewan ko ba? Kung bakit ko pa tinanong iyon kahit alam ko na kung ano ang isasagot niya sa akin.." Tapos tumawa ako ng mapait at nagpatuloy. "Siguro deep inside Im still hoping na baka may nararamdaman siya sa akin kahit konti.. Nagbakasali ako kahit maliit na porsyento lang ang pinanghahawakan ko. Alam mo ang sakit! Para kang sinaksak ng paulit- ulit para akong mamatay ng mga oras na iyon..." Sabi ko tapos ay inilagay ko ang palad ko sa mukha ko at umiyak. Kahit ilang taon na ang nakalipas mahal na mahal ko parin siya. Para siyang tattoo na kahit kailan nakamarka na sa akin..

Naramdaman kong niyakap ako ni Kenshin at hinagod ang likod ko.

"He didnt deserve you, your so precious para lang masaktan. Your lovable Zhane.. Eh di kung hindi ka niya mahal, who cares? Atleast may anak ka at nandito kaming pamilya mo mga kaibigan mo na nandito lang sa tabi mo. Kalimutan mo na ang taong iyon na hindi ka binigyan ng halaga kahit minahal mo siya ng sobra. Kung makikita ko lang yang gagong iyan sasapakin ko siya, at sisiguruhin kong lulumpuhin ko siya dahil sa pananakit niya sayo" Sabi nito sa mahinahong tinig pero nandun ang panganib. Lumayo ako sa kanya at tiningnan siya.

"Kuya please lang huwag mong gagawin yan..."

"Why? Inagrabyado ka niya, matapos ka niyang saktan ganun na lang? Hahayaan na lang natin siya?" Sabi niya sa akin.

"Kuya ayoko na ng gulo please lang hayaan mo na siya please... Gusto ko na lang kalimutan ang lahat...ang...kalimutan siya... Kaya please lang kuya, pabayaan mo na siya.. Gusto ko na lumagay sa tahimik.." Pakiusap ko sa kanya. Tumingin ito sa ibang direksyon at bumuntong hininga.

"Fine! If its that what you want then I will do it" sabi nito na halatang napipilitan.

"Thanks kuya for understanding."

"Alam mo kung ako ang masusunod at nakilala ko yang lalaking yan, Im sure I will make his face a punching bag! Hanggang sa magsawa ako!" Seryosong sabi nito tiningnan ko siya at sinimangutan.

"Nag-usap na tayo tungkol dyan hindi ba?" Naiinis ko nang sabi sa kanya.

"Okay fine! Dont worry, tutuparin ko ang sinabi ko, basta ba... Huwag ka niyang sasaktan kung hindi ako makakalaban niya." Napangiti ako. Ang swerte ko dahil may kapatid ako simula ng makilala ko sila, naramdaman ko na masaya ang magkaroon ng kuya. Mamaya nagsalita ito.

"Im think you need a vacation, magbakasyon muna kayo ni Travis" sabi niya sa akin.

"But... What about the company may trabaho akong kailangang tapusin." Ngumiti ito.

"Kaya na ng secretary mo yan and besides ako ng bahala sa mga appointments mo kaya ang kailangan mo ngayon ay pahinga."

Napaisip ako. Oo nga matapos ng nangyari kailangan ko munang lumayo sa lugar kung saan ako nasaktan kailangan kong ipahinga ang sarili ko..

"Your right kuya I need to unwind to forget everything what happen to me. Ngayon kay Travis ko ibubuhos ang lahat ng panahon ko..."

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon