CHAPTER 29 PART 2

7.3K 158 2
                                    

"Hey Car!" Nakita ko si Ramiasen na papalapit sa akin. Nandito ako sa cr at kinukuha ang mga trash can at inilalagay sa drum ang kalat.

Nakangiti ako dito habang papalapit ito sa akin. Matapos nung araw na maikwento ko sa kanya ang muntikan ng pag-rape sa akin. Gumawa agad ito ng paraan para makulong si Robert pati narin ang manager ko.

Humingi ito ng tulong sa daddy nito at dahil maimpluwensya ang pamilya ni Ramiasen agad nilang nasampahan ng kaso ang dalawa.

Si Roger pala ay isang kapitan sa baranggay. Natanggal ito sa serbisyo at ngayon ay may kinakaharap na kaso, ganun din ang manager ko, naipasara din ni Ramiasen ang club nito. Mas tumibay ang kaso dito dahil may permit nga ito pero hindi para magbenta ng laman, ang nakasaad sa permit nito, dapat hanggang inuman lang ang bar na iyon at natuklasan din na gumagawa ito ng iligal na transaksyon sa mga sindikato.

Kaya malaki ang utang na loob ko kay Ramiasen dahil kung hindi sa kanya, hindi makukulong ang mga taong iyon.
Baka mas maraming buhay pa ang masira nila.

"Ano yon Ramiasen?" sabi ko habang binababa ko ang trash can na hawak ko.

"Iwanan mo muna yan! Halika kumain muna tayo!" Aya nito sa akin.

"Pero Ramiasen hindi pwede marami pa akong gagawin.." Sabi ko sa kanya.

"Tsk! Sige na! Ito naman! Minsan lang maglambing eh! Samahan mo na ako please..." At nagpout ito. Natawa na lang ako para siyang bata.

"Sige na nga! Pero saglit lang tayo ha!?"

"Aye, aye, captain!"saludo nito sa akin, natawa na lang ako at naglakad na kami papuntang cafeteria.

Tapos ay bumili na ito ng kung ano-ano, nagulat ako sa dami.

"Ang dami yata masyado niyan Ramiasen hindi kaya sumakit tiyan natin dyan saka dalawa lang tayo?" Sabi ko sa kanya. Pwede kasing panglimang tao yung pagkain na in-order niya.

"Atin yan ano ka ba! At saka anong dalawa? remember Tatlo na kaya tayo!" Sabay turo sa tiyan ko. Napangiti ako. Tama tatlo nga kami..

"Kaya kumain na lang tayo! Im starving" sabi nito sa akin at nagsimula na kaming kumain.

"So, what's the news about you and Trace, did you already tell him that he's going to be a father soon?." Tanong ni Ramiasen habang kumakain. Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya.

"Hindi pa eh.."

"What? Why? You tell me that your going to confess kahit sa phone." Nagtataka na sabi nito

"Naisip ko kasi kausapin na lang siya ng personal, mas maganda yon para makapag-usap kami na maayos." Paliwanag ko sa kanya. Bigla ko kasing nasabi dito ng isang araw na kahit sa phone sasabihin ko na kay Trace ang totoo pero napag-isip isip ko na sa personal na lang para mas maliwanag ang usapan at para makita ko rin ang reaksyon niya.

"Okay, your right Car, you need to talk to him personally, so kailan siya babalik." Tanong nito sa akin. Binaba nito ang kutsara at tumitig sa akin.

"Hi-hindi ko a-alam eh.." Nautal kong sabi. Kailan ko nga ba sasabihin? Eh hindi masabi ni Trace na kung kailan siya babalik. Kumunot ang noo nito.

"Bakit hindi mo alam?" Tanong nito sa akin.

"Hi-hindi niya kasi sinabi kung kailan siya babalik, dahil sa busy siya sa company nila.." Nakayuko ko nang sabi

"What!? Malapit nang mag-one month ang pamangkin ko tapos hindi parin niya alam? Dapat sinecelebrate niyo na yan!" Sabi nito sa akin, hindi man siya galit. Excited lang talaga siya na malaman na ni Trace, para pwede na raw magparty at magpakasaya.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon