CHAPTER 20 PART 1

7.6K 153 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bintana 11:30 na ng gabi pero hindi pa rin ako tulog. Nakatingin lang ako sa langit at pinanunuod ang mga bituin nakakagaan kasi ng pakiramdam ang pagmasdan ito.

"Carlyn...bakit gising ka pa matulog ka na..." Naalimpungatan mula sa pagkakatulog na sabi ng nanay ko.

"Sige po nay. Matutulog na po ako, saglit na lang po.." Sabi ko.

"Sige" nasabi na lang nito tapos natulog na. Naiyak na naman ako. Dahil naalala ko si Trace may gamot kaya ng pampalimot? Kung meron man gusto ko yun, ng maalis siya sa isipan ko.

Ano kaya ginagawa niya sa mga oras na ito? Siguro may kasama na siyang ibat-ibang babae ng nagpapakasaya...

Kasalanan ko rin naman kasi sa dami-dami ng magugustuhan ko siya pa, ang hirap naman kasi pigilan ng puso ko, pag nandyan siya pakiramdam ko magkakasakit ako sa puso dahil sa sobrang bilis ng pagtibok.

Kapag tinitingnan niya ako pakiramdam ko tumitigil ang ikot ng mundo kahit walang espesyal sa mga titig niya.

Kapag nagiging mabait siya sa akin, umaasa naman ako...

Habang nakatingin ako sa bituin, tahimik akong humiling na sana makaya ko pa, hanggang sa makagraduate ako o kaya sana mawala na lang ang nararamdaman ko... Para magawa ko na ring...kalimutan siya...

---------------------------------

Pagkagising ko 5:00am na, bumangon na ako para maghanda sa pagpunta ng school, pagkatayong-pagkatayo ko. Biglang umikot ang paligid ko napaupo uli ako at napahawak sa bibig ko dahil masusuka na naman ako.

Tumayo ako agad at pumunta ng banyo. Suka ako ng suka puro tubig lang ang inilalabas ko, parang hinahalungkay ang tiyan ko. Halos maiyak ako sa ganung pakiramdam.

Tapos ay napaupo ako. Dalawang beses na nangyayari sa akin ito.. Ano kayang problema... Baka naman may nakain akong masama?...

Habang nag-iisip ako ng dahilan kung bakit, bigla sumagi si Trace sa isip ko at naalala ko ang nangyari, sa isiping iyon nanginig ang buong kalamnan ko para na naman akong masusuka at iyon nga ang ginawa ko.

Hi-hindi ka-kaya... May pumapasok sa isip ko kung ano ang dahilan ng nangyayari sa akin... Bigla akong natakot, anong gagawin ko kung ganun nga? Sa isiping iyon napaiyak ako.

Ano na ang mangyayari sa akin sa amin ng nanay ko kung tama ang nasa isip ko?

Paano na?...

Nakaupo lang ako sa tiles at nakasandal sa pader habang umiiyak. Tumayo ako at inayos ang sarili ng hindi na umiikot ang paningin ko, sa ngayon kailangan ko makasiguro...

Wednesday pero ang isip ko ginugulo parin ng mga alalahanin ilang araw na rin akong pumapasok na wala sa sarili. Nagsuka na naman ako nung umaga.

NANDITO na ako sa classroom pero nasa isip ko parin ang hinala ko kanina. Nang may naamoy na naman akong nakapagbaliktad ng sikmura ko, hindi na ako nakapagpaalam sa professor namin at tumakbo na ako papuntang cr.

"Carlyn!" Tawag sa akin ni Ramiasen pero hindi ko siya nilingon.

Buti na lang malapit lang ito sa room namin.

Pumasok ako sa loob ng cubicle at duon sumuka ng sumuka ilang minuto rin akong ganun, nahihirapan ako sa sitwasyon ko, halo-halo na ang nararamdaman ko, takot,pagkalito, at kawalang pag-asa dahil kung tamang buntis ako.

Hindi ko na matatapos ang pag-aaral ko, dahil mahigit isang taon pa ang gugulin ko. Kung buntis nga ako sa oras na iyon nakapanganak na ako.

Ilang minuto pa ako sa ganung sitwasyon, hirap na hirap ako, gusto ko may kasama man lang ako sa nararamdaman ko ng biglang may naramdaman akong may humahagod sa likod ko.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon