CHAPTER 31 PART 2

7.2K 160 8
                                    

Habang inaabot ko dun sa ale ang binili niyang 1kilong pork chop nasa isip ko pa rin ang nanay ko. Ewan ko ba kung anong meron...

Nagpatuloy lang ako sa trabaho ko ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko yun pa rin ang cellphone na binigay sa akin ni Trace. Balak ko iyon ibalik sa kanya, sa pamamagitan ni Liro bago ako umalis ng mall, minsan kasi ay nanduon si Liro at may kasamang ibat-ibang babae.

Hindi ko pala siya nai silence. Nang lalapit na ako para sagutin dahil ayaw talaga tumigil sa pag ring ng biglang tawagin uli ako ng may ari.

"Iha pakiasikaso muna itong suki natin" napatingin ako dun sa babaeng bibili.

"Sige po" sagot ko na lang tapos ay lumapit ako at inasikaso ang bumibili. Nang tapos na ako saka naman natapos ang tawag, lumapit ako at kinuha ang cellphone at chineck ang call log, puro tawag ng anak ni Aling Siony.

Bakit siya tumawag? Anong meron? Hindi ito tatawag na halos maka sampung miss calls kung hindi importante yon..

Maya-maya biglang tumunog ito at may nagtext. Binuksan ko ito.
Biglang nanginig ang kamay ko at namutla, napakapit ako sa pader dahil para akong matutumba sa panghihina ng tuhod ko. Bigla akong kumilos at kinuha ang bag ko at nagpaalam sa amo ko

"Ate Beng aalis po muna ako may nangyari po kasi sa bahay emergency!!" Pagpapaalam ko dito.

"Ay! Ganun ba!? Sige umalis ka na, umuwi ka ." Agad na pagpayag nito.

"Salamat po" at nagmamadali na akong umalis. Kailangan ko ng umuwi, nasa ospital si Nanay!

Agad ako sumakay ng jeep abot-abot ang kaba ko. Nang tumawag uli ang anak ni ate Siony, agad ko itong sinagot.

"Ate Shirley! Kamusta si nanay hah?!" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Sana naman ayos na siya.

"Nandito parin siya sa e.r hindi ko alam kung anong balita nasa loob pa rin siya at hindi pa sinasabi ng doctor kung ano na ang kalagayan niya." Halata sa boses nito ang nerbyos dahil sa nangyayari. Hindi ko na mapigilan umiyak sa jeep.

"Ate Shirley sabihin mo sa kanila gawin nila ang lahat! Huwag nila pababayaan ang nanay ko!" Halos pasigaw ko ng sabi sa kanya hindi ko na mapigilan ang takot sa dibdib ko. Ayoko ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano tatanggapin kung may mangyaring masama sa nanay ko. Wala na nga sa akin si Trace, mawawala pa pati nanay ko? Hindi ko matatanggap!

"Manong wala na po bang ibibilis ito?" Sabi ko sa driver ng jeep dahil pakiramdam ko ang bagal ng usad namin.

"Ineng ito ang tamang speed limit namin, ito na ang pinakamabilis saka hindi ito taxi" sabi sa akin ng matandang driver, pero ang nasa isip ko lang ang makarating sa hospital ng mabilis, wala akong pakialam sa sinabi ng driver basta makarating ako agad yun lang ang nasa isip ko..

Hanggang sa maipit kami sa isang trapik halos hindi umuusad, napagdesisyunan ko na lang na bumaba at takbuhin na lang ang hospital dahil malapit na din ako.

Bumaba ako sa jeep at tinakbo ang daan papuntang hospital, wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao, habang tumatakbo, ano bang pakialam ko sa kanila? Hindi naman sila ang kailangan ko.

At sa wakas nakarating din ako, nagtanong ako sa information desk kung nasan ang kwarto niya at agad ko ng pinuntahan iyon.

Nakita ko si Shirley na umiiyak pati si Aling Siony, mga nakayuko naman ang dalawang anak nito na lalaki.

Dahil sa nakikita kong tanawin, unti-unti akong nanghihina habang nakikita ko ang pagluha nila, hindi ko gustong tanggapin ang rason na binibigay ng utak ko kung bakit sila umiiyak dahil hindi kaya ng puso ko.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon