CHAPTER 35 PART 2

8.4K 171 1
                                    

Kahit isa na akong Dexcilier hindi ko parin pinatanggal ang Carlyn na pangalan ko dahil bigay ito ng kinilala kong ina kaya ang buo kong pangalan ay Zhane Carlyn Dexcilier.

"So kamusta na pala ang inaanak kong si Travis?" Napabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Ramiasen.

"Ah, he's okay! Kahit bata pa he's so over protective sa akin para ngang matanda na nga kung magsalita, naalala ko nung dumalaw si Richard sa bahay tinadtad niya ng tanong tapos harap harapan niyang sinabi na ayaw niya kay Richard" sabi ko at natawa ako ng maalala iyon. Halata sa mukha ni Richard ang pagkainis nun kay Travis dahil sa sinabi nito. Sabagay hindi ko naman gusto si Richard he is a happy go lucky kind of guy and Im think he is not responsible enough to handle a relationship. Nandito ako ngayon ng Manila dahil sa business kasama ko rin ang anak ko pati si mama at papa. Natawa si Ramiasen.

"I really love Travis! Hindi ka niya hahayaan mapunta sa masamang lalaki!"

"Yeah Ram, mukhang tatanda akong kami lang dalawa dahil walang pumasa sa kanya bilang daddy, sabi niya kesyo sasaktan lang daw ako non o kaya mukhang playboy daw at mas gwapo siya kailangan daw kasing gwapo niya maging daddy niya."
Napapailing ako habang sinasabi iyon. Matapang si Travis at matalinong bata pero kahit parang matanda na siya kung mag-isip napakalambing nito sa amin lalo na sa akin.

"Siguro bukod sa ayaw niya sa mga lalaking nanliligaw sayo, gusto niya nasa kanya ang atensyon mo." Sabi nito.

"Your right... Gusto ko rin naman na nasa kanya ang atensyon ko at kahit tumanda na ako, na kami ang magkasama okay lang hindi ko naman kailangan ng lalaking makakasama ko sa buhay." Sagot ko. Wala akong interes na mag-asawa mas maigi nga na hindi naghahanap ng daddy si Travis eh, dahil si Travis lang sapat na sa akin.

Biglang lumapit ang anak ni Ramiasen na si Lance at nagpakandong kay Ramiasen.

"Tita your so pretty like mom." Sabi ni Lance. Kinurot ko ang pisngi nito. Napakabolero talaga ng batang ito.

"Thats true baby mga pretty kami at ikaw anong tawag mo sa sarili mo?" Tanong naman ni Ramiasen dito. Tumingala si Lance at ngumiti.

"Im handsome mommy!" Masiglang sagot nito. Niyakap ito ng mahigpit ni Ramiasen.

"Tama baby your handsome" nakangiting sagot ni Ramiasen

"Mommy kailan ko po ulit makakalaro si Travis?" Tanong ni Lance. Kilala nito ang anak ko dahil nung bumisita ako sa kanila sa ibang bansa ay isinama ko ito. Tumingin sa akin si Ramiasen.

"I will bring Travis tommorow tapos pwede na kayo mag play gusto mo ba yon?" Lumapit ako sa mukha ng bata. Ang gwapo talaga nito.

"Yes tita!"

"Ahm.. Zhane sana pag pumunta ka dito bukas huwag mong ipapaalam sa iba ha?.." Sabi ni Ramiasen kahit hindi niya sabihin kung bakit alam ko ang dahilan.

"Of course don't worry..." Sabi ko. Hinawakan ako sa kamay nito.

"Salamat sa pang-unawa best.." Nginitian ko siya. Nagtagal pa ako ng ilang sandali at nagpaalam na rin ako na aalis dahil kailangan kong sunduin si Travis sa school. Grade 1 na ito ngayon.

Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta sa school ng anak ko. Nang makarating ako ay tumingin ako sa bench kung saan siya laging naghihintay. Nakita kong pinalilibutan ito ng mga batang babae. Kahit bata pa sikat na ito sa mga babae madalas nakikita ko itong inaabutan ng sulat ng kaschoolmate na babae pero hindi nito tinatanggap. Suplado talaga ang anak ko at iyon ay nakuha niya kay Trace...

Nakasimangot na ito habang kinakausap ng mga babae halatang naiinis na ito pati pagkunot ng noo nito. Kuhang kuha sa ama...

Lumingon ito sa direksyon ko at ng makita ako umaliwalas ang mukha nito. Agad itong tumayo at tumakbo sa direksyon ko at niyakap ako.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon