CHAPTER 20 PART 2

7.6K 163 1
                                    

Kahapon ng nagpacheck up kami ni Ramiasen napagdesisyunan namin na wala munang pagsasabihan ng sitwasyon ko.

Kinabukasan pagpasok ko, lagi ako tinatanong ni Ramiasen kung okay lang ang pakiramdam ko kung may gusto daw akong kainin bibilin daw niya para siyang ate na alalang alala sa kapatid.

Katulad ngayon nasa cafeteria kami kung ano- ano ang tinatanong niya.

"Ramiasen, wala na akong ibang pinaglilihian kungdi santol at yun ngang damit ni Trace." Mahina kong sabi. Napapangiti na lang ako sa mga tanong niya, nasa isang table kami sa medyo malayo sa mga kumakain.

"Eh, what do you want to eat? Hindi pwedeng wala naku ginugutom mo pamangkin ko, sasabunutan kita pag di ka kumain!" Natawa na lang ako sa sinabi nito.

"Hmm... Sige na nga adobo lang saka rice" sabi ko.

"Yun lang, wala ng iba?"

"Yun lang!" Sagot ko sa kanya.

"Okay wait me here huh. Bibili lang ako." Tapos ay tumayo na ito.

Tinitingnan ko lang siya. Nang may maupo sa tapat ko. Pagtingin ko si Kenshin pala, ilang araw din kasi hindi ito pumasok. Namimiss na nga ito ni Ramiasen eh.

"Hi! Kenshin ilang araw kang hindi pumasok ah." Tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito.

"Medyo busy may inasikaso kasi ako." Sabi nito. Tapos may naglapag ng tray sa table namin. Pagtingin ko si Ramiasen pala tapos biglang lumapit kay Kenshin at yumakap.

Nagulat naman si Kenshin at kinakalas ang braso nito.

"What the?! Hey! Let go of me! Nasasakal na ako." Reklamo ni Kenshin. Humiwalay naman si Ramiasen at ngumiti dito, tapos naupo sa tabi ko.

"Kenshin ilang araw kang di pumasok ah! I miss you so much! Namiss mo rin ba ako? " Sabi nito. Seryoso lang si Kenshin.

"Ni hindi ka nga sumagi sa isip ko eh" sabi lang nito.

"Ay! Ikaw talaga ayaw pang umamin. Tsk! Tsk!" Sabi nito. Mukhang naiinis na si Kenshin, may tiningnan ito sa cellphone at tumayo.

"I have to go, paalam Carlyn" nakangiting sabi nito. Tapos ay naglakad na paalis. Nang bigla itong tawagin ni Ramiasen.

"Wala ba akong good bye kiss!?" Pahabol nito. Pero sinimangutan lang ito ni Kenshin at umalis na.

"Ramiasen tanong ko lang, gaano mo ba kagusto si Kenshin?"

"Mahal ko yang mahiyaing lalaking yan!" Sabi nito. Habang nakangiti.

"Eh paano kung...tanong ko lang ha, kunwari may gusto siyang iba?.. Paano yon?" Gusto ko malaman ang kasagutan niya. Kasi parang malabong maging sila.

"Maniwala ka sa akin magiging kami!? I feel it!" Masiglang sabi nito. Napangiti na lang ako at hindi na nagkomento pa. Sana....

_________________________________

Nandito ako ngayon sa corridor sa 2nd floor at nagmamap ng makita ko ang isang pares ng mga paa na nakatayo sa harapan ko. Pag-angat ko ng tingin nakita ko si Trace na nakatingin lang sa akin ng malamig.

May inabot sa akin ito na isang cellphone.

"Para saan yan?" Tanong ko. Bakit naman niya ako bibigyan ng phone?.

"Kunin mo para madali kitang macontact pag may ipagagawa ako sayo" sabi nito sa akin.

"Pero hindi ko matatanggap yan masyado yang mahal" sabi ko. Ngumisi ito tapos tumingin sa akin uli ng seryoso.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon