Chapter 55 "Promise of Forever" last chapter

15.2K 373 69
                                    

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may mainit na dumampi sa labi ko and there I hear his voice...

"Carlyn..." The voice of a man who stole my heart... My heart starting to change its beats. Pabilis ito ng pabilis but I manage to pretend that I'm still unconcious. Sobra ang pagpipigil ko na huwag imulat ang mata ko.

"How are you? I miss you sweetheart..." He almost whispered while caressing my hair "Travis and I are so excited na kapag nagising ka na. I will marry you sa lalong madaling panahon and we will live on a same house. Mag ta-travel tayo and will make some happy memories as a family." Naramdaman ko ang paghalik nito sa noo ko. "Alam mo ba madami na kong plano para satin, babawi ako sa anak natin at sayo... I will make you the most happiest woman ever I know hindi ko kayang burahin ang nakaraan but I can prove myself to you..." I felt that he kiss my hands at naramdaman kong may tumulo dito.

"Please wake up... Masyado nang mahaba ang tulog mo... masyado na rin akong nahihirapan na makita kang ganyan... I'm sorry.. I'm so sorry for all the pain I cost you... Open your eyes please..." Nahihirapan nitong sabi ramdam ko ang paghihirap nito. Kumikirot ang puso ko sa naririnig ko. Pinipigilan ko ang sarili kong wag maiyak sa mga naririnig ko dito. Mahal na mahal ko ang lalaking ito pero... kailangan kong lumayo... Madumi ako... May ibang lalaki ng nakahawak sakin... May ibang lalaki ng nakaangkin sa katawan ko na tanging si Trace lang ang pinaglalaanan ko... kahit ang puso ko ay sa kanya lang pero hindi parin mababago ang katotohanang may ibang gumamit sakin at buntis ako sa ibang lalaki...

Hindi ko kayang humarap kay Trace at sabihin dito ang nangyari sakin hindi na ko karapat dapat sa kanya... malamang hindi nya rin matatanggap ang batang nasa sinapupunan ko, kahit mahal nya ko hindi ko alam kung kaya nya rin mahalin ang batang galing sa ibang lalaki... Patawad Trace but I have to let go... palalayain na kita.. Hindi talaga tayo para sa isat isa dapat siguro hindi na ko bumalik pa para hindi na lang tayo nagkita at nagkalapit muli...

Dapat pinanghawakan ko ang pangako ko na hindi na ko babalik pa sayo... pero sa tanga ako mas nananaig ang puso ko kesa isip heto ako ngayon... nabuntis ng iba, nanganib ang buhay, patunay na dapat pakawalan na kita kahit sobrang mahal kita...

"I love you..." my heart stop for a moment and then he kiss me lightly on my lips I want to cry I want to hug him I want to answer that I love him too! but... I cant... Humiwalay ito sakin at maya maya narinig ko ang boses ni Ram.

"Trace you can rest now ako muna magbabantay kay Carlyn." Ram said. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Trace at hinigpitan lang ang pagkakahawak sa kamay ko tila ayaw nitong umalis sa tabi ko.

"Trace pwede ka namang bumalik mamaya but for now Travis needs you, umuwi ka muna..." Kumbinsi ni Ram dito.

"Okay.. Babalik ako mamaya ikaw munang bahala sa kanya." Atubiling sagot nito. Naramdaman ko ang pagbitiw nito sa kamay ko at narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Tsaka lang ako nagmulat ng mata at tumulo ang luha ko. Lumingon ako kay Ram na ngayon ay papalapit sakin. Nakatitig ito sa mga mata ko at binabasa ako.

"Its time... gusto mo pa bang ituloy?" tanong sakin ni Ram nakita nito ang paghihirap ng aking kalooban. Bumangon ako at naupo ayaw ni Ram na umalis ako lalo na't sa condition ko pero nagpumilit ako. Tumango ako at tinitigan sya.

"Nasaan sila?" tanong ko.

"Wala sila sa labas ginawan ko na ng paraan ako lang bantay mo ngayon dito." sagot nito. Akmang tatayo na ko at inalalayan ako nito. Inabot nya sakin ang damit na dala nya pamalit ko. Isinuot ko ito agad at iniwan ang hospital gown sa kama. Nilingon ko si Ram na sumilip sa labas ng pinto.

"Ram.." Lumingon ito at lumapit.

"Sumunod kayo samin ng anak ko.. pakiusap ikaw ng bahala..." Hinawakan nito ang kamay ko at nginitian ako.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon