CHAPTER 5

9.5K 180 0
                                    

Kinabukasan. Nagulat ang lahat ng makita ako.

Parang nadismaya pa silang bumalik ako maliban kay Ramiasen sobrang saya nito, panay pati ang yakap niya sa akin..kahit na isa lang ang kaibigan ko. Okay lang atleast andyan si Ramiasen at alam kong tunay ko siyang kaibigan.

"Girl! I miss you a lot! Magkwento ka naman!" sabi ni Ramiasen

At kinuwento ko lahat sa kanya wala akong inilihim. Pero ng matapos akong magkwento nakatitig lang ito sa akin.

"Hmm..ganun pala..but I feel something strange about Trace proposal to you..hindi naman sa ayokong bumalik ka pero sa lahat yata ng commoner ikaw lang ang tanging nabigyan niya ng chance" sabi nito

"Ha? bakit? halos lahat ba ng katulad ko siya ang may gawa kung bakit sila nawala sa school na ito? kung ganun man...baka nagiging gentleman siya kasi babae ako?"

"Tsk..tsk..tsk..wala sa vocabulary nya ang salitang "GENTLEMAN" at bakit ikaw lang? may mga babaeng commoner din dito pero ikaw lang talaga ang nakabalik dito at dahil pa mismo sa kanya" sabi nito na nagtataka.

"Baka naawa lang sa akin...basta! yun na yun basta nakabalik ako masaya na ako!" nakangiti kong sabi pero wala pa ring emosyon ang kaibigan ko.

"Im worried about you...only words I can say is take care of yourself lalo na kay Trace.." sabi nito na seryoso tumango na lang ako sa sinabi niya... ____________________________________________________________

TRACE POV:

"What now dude? Did she agree to you?" tanong sa akin ng pinsan kong si Liro

"Are you underestimating me, no one can refuse my charm!" sabi ko sa tinatamad na tono. Ngumisi ito.

"It will be interesting and exciting, I cant wait to see your next move on how you will make that girl follow you like a dog" Sabi pa nito.

Napangiti ako sa sinabi niya pati ako excited na rin...wala na akong balak na makita pa siya matapos niya akong ipahiya! walang lugar sa school na ito ang mga pulubi! hindi ko gustong maging mabait sa kanya, wala akong pakialam sa kanya! kahit na umiyak siya at nagmakaawang hayaan ko siyang mag-aral sa school na ito hindi ko siya pinakinggan wala akong puso,oo, pero wala akong pakialam, sabihin na nilang masama ako.

Bakit? totoo naman. I have my reasons kung bakit ko pinabalik sa school ang janitress na yon that very cheap, beggar girl.

Bigla ko tuloy naalala yung napag-usapan namin ng pinsan ko kaya naisipan ko siyang pabalikin...

FLASHBACK:

"Its so boring..." komento ko habang nakasandal sa sofa at nakatingala.

"Why dont you go out? and meet some hot chicks out there" sabi ng pinsan kong si Liro.

"Tsk! still boring" nababagot kong sabi.

"What! dont tell me wala ka ng interes sa babae at lalaki na?" binato ko ito ng phone ko. Sira ulo eh! sabihan ba akong bakla. Tumawa ito na lalo kong kinainis.

"Dude! you must see yourself when I asked you if you are a gay! Epic!" tumatawa pa ring sabi nito. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Oh, by the way, anong nangyari dun sa janitress na nakatapon sayo ng timbang may tubig? I want to thank her for doing that! It so fun! kahit tulog na ako tumatawa pa rin ako!" sabi nito habang tumatawa ng malakas. Tiningnan ko siya ng masama pero hindi man lang natinag.

"Tsk! I hate that girl! because of her nagbreak kami ni Casey! Hindi sa nagagalit ako dahil mahal ko si Casey, because Casey is sexy, beautiful,wild, seductive and a famous model in France! Hindi pa ako sawa sa kanya! But that little stupid girl! Ruin everything I gave her chance na makaalis pa, kahit na nakita niya kami ni Mildred and I also warned her not to tell it to everybody! But F*ck! hindi mapagkakatiwalaan ang mahihirap na tulad niya!" sabi ko nanggagalaiti ako sa galit.

"But on the second thought... its all your fault" sabi nito. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What! my fault!? How can you say that it is my fault? my grandfather own this University as a matter of fact pagmamay-ari ko na rin ito!" sigaw ko sa pinsan ko. Pero binatukan niya ako. Tiningnan ko siya ng masama.

"My grandfather? grandfather ko rin yon! saka anong pagmamay-ari mo na rin ito? pagmamay-ari ko rin ito huwag mong solohin! wala pang final testament si lolo na nagsasabi kung sino ang magiging tagapagmana nito, pero kung sayo ipamana ito, okay lang, marami pa naman dyang ari-arian si lolo all over the world basta may mamanahin ako okay na sa akin yon" sabi nito. Syempre ako rin! Kailangan may manahin din ako.

"Okay fine" tinatamad kong sagot.

"Back to the topic tayo, kasalanan mo kaya ka nahuli kasi nagtatrabaho siya dun! malamang puntahan niya yung mga lugar na wala ng tao diba at maglinis! Bat ka kasi duon? di mo dinala sa mansyon?" sabi nito.

"Its her fault I dont care kung nagtatrabaho lang siya? Pulubi lang siya sa University na ito at ayokong dalin sa mansyon si Mildred mga girlfriend ko lang dinadala ko don she's only just a fling!, and besides pinaalis ko pa ang janitress na iyon matapos ng makita niya, sobrang consideration na yung ginawa ko sa kanya tapos pinagkalat pa, that ugly girl!" tuwing naiisip ko yun gusto kong sakalin ang babaeng iyon. "at may malaki pa siyang kasalanan dahil tinapunan niya ako ng timba!
Lakas ng loob niya ha! Siguro akala niya kaya na niya ako, pwes napatunayan ko sa kanya na langgam lang siya na inaapak-apakan" dagdag ko pa sa pinsan ko.

"That was the best!" tumatawa nitong sabi. Pag-hindi pa tumigil ito, ipasasapak ko ito sa butler ko!

"Buti na lang na expelled na siya, wala ng langgam na pagala-gala dito. Tsk! ayaw ko na siya pag-usapan!ang boring talaga!" sabi ko. Napansin kong nakatingin sa akin ang pinsan ko at nakangiti ito ng nakakaloko.

"Whats your problem? you look liked a dumb" sabi ko.

"Sawa ka na ba sa mga babae?" tanong nito.

"Hindi syempre! kaya lang naman medyo nakakasawa because pare-parehas lang sila. Agressive, wild, have professional experience, beautiful, sexy and bla bla bla. Umalis ka na nga nonsense kang kausap!" sigaw ko sa pinsan ko.

"Dude, why dont you try something new?"sabi nito. Napakunot ang noo ko.

"Something what?" tanong ko.

"I mean look for exact opposite ng mga babae na nagiging fling mo?" sabi nito lalo ako naguluhan.

"Hindi mo pa rin gets? Maghanap ka ng babaeng inosente na walang kaalam-alam sa mundo na susunod sa lahat ng gagawin mo!" sigaw nito mas excited pa yata ito kaysa sa akin.

Its sounds interesting... but...no. Hindi ako sumagot sumandal lang ako sa headrest ng sofa at pumikit.

"At ang magiging subject mo ay yung janitress!" napamulat ako ng mata at napatingin sa kanya. Hinayaan ko lang siyang magsalita.

" She's perfect! an exact subject to a plan she's very innocent at opposite sa lahat ng babaeng nakasama mo! Its a new experience! nakaka-thrill diba?!" sabi pa nito. Unti-unti akong napangiti. Yeah his right, What a exotic experience hah... an ugly innocent girl will praise me and do everything I want...hmm interesting... paano kaya siya mag-rereact? ano ang magiging itsura niya pag pinahirapan ko pa siya lalo?...

Am I a sadist? YES I AM!

END OF FLASHBACK

At yun yung araw na pinuntahan ko siya sa cheap na bar na kung saan siya nagtatrabaho.

"Hmm.. I have a lots of idea of what I am going to do to her.." sabi ko naeexcite ako new experience first time kong gagawin ito sa isang commoner.

"Your rude dude" natatawa niyang sabi.

"Both of us are rude"sabi ko.

"Mas matindi ka nga lang" sabi nito.

"Yeah I know..." nakangisi kong sabi.

"She will curse the day na napasok pa siya sa school na ito" sabi ko. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang pasensya niya...

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon