CHAPTER 44 PART 1

8.2K 163 2
                                    

"Zhane!" Nasa kusina ako at pinagluluto ko si Travis ng carbonara ng tawagin ako ni Kenshin.

Napalingon ako. Bihis na bihis ito at mukhang may pupuntahan.

"What is it Kenshin?" Takang tanong ko. Mukha kasing mahalaga ang sasabihin nito.

"Hindi ako papasok ng one week ikaw muna ang bahala sa japanese investors natin." Mukhang may pinagkakaabalahan siya ah.

"Bakit san ka ba pupunta?" Tanong ko.

"May importanteng bagay lang akong gagawin." Simpleng sagot nito.

"Nung nakaraan ganyan din ang sinabi mo. Meron ka bang hindi sinasabi sa akin Kenshin?" Para kasing may itinatago ito sa akin.

Napatingin ito sa akin ng diretso at nag-iwas ng tingin.

"No, wala akong tinatago, sometimes I need to focus on my personal life too." Nakatitig lang ako sa kanya. Anong klaseng personal ang sinasabi nito?

"Personal like Mercielien?"

"Yes, bat ang dami mong tanong magluto ka na nga lang dyan!" Inis na sabi nito sa akin napasimangot ako.

"Ang sungit ha! Sige na gawin mo na yang mga 'personal matters' mo" bigay diin ko sa salitang personal.

"Okay alis na ako thank you sis" nakangiti ng paalam sa akin nito.

"Your welcome kuya sungit!" Tumawa lang ito pagkatapos nitong magpaalam ay umalis na ito.

Pagkatapos kong magluto ay saka pa lang ako pumasok sa trabaho. Tanghali na akong pumasok dahil gusto kong ipagluto ang baby ko ng carbonara. Bigla kasi itong naglambing sa akin na gusto niyang ipagluto ko siya nyon, kaya pinagbigyan ko.

Habang kumakain ang anak ko ay paalis na ako papuntang office.

"Mommy! Alis ka na?" Tanong sa akin ng anak ko.

"Yes baby, kailangan na magtrabaho ni mommy, maraming paperworks at pipirmahan ako ngayon" paliwanag ko.

Iniwan nito ang pagkain at lumapit sa akin. Hahalikan ako nito sa pisngi kaya yumuko ako.

"Bye mommy, pasalubong ko ha?" Sabi nito. Napangiti ako.

"What pasalubong you want?" Tanong ko.

"I want ice cream sundae and macdo burger!" Nakangiting sagot nito.

"Okay baby, I will go home early para maibigay ko agad sayo ang pasalubong" kinindatan ko siya at umalis na ako.
______________________

Busy ako sa pagpirma sa mga papeles ng tumunog ang phone ko. Unknown number? Atubili ko itong sinagot.

"Hello my beautiful Zhane" I raised my brow.

"Whos this?" I asked. I heard his chuckles on the other line.

"Its me Brian" Pakilala nito. Napangiti ako ng malamang ang bagong kaibigan ang tumawag, ngunit paano niya nalaman ang cellphone number ko? Alam ko hindi ko pa naibibigay ang number ko sa kanya.

"Hi! Brian how did you get my number?" Takang tanong ko.

"Dont stress your pretty head thinking because of this, I got it in a legal way." Sagot nito. Napakunot ang noo ko. Legal?

Hindi ako sumagot.

"I got it from your friend Reese" ha!? Si Reese talaga kung kanikanino binibigay number ko. Sabagay dito lang naman niya naibigay kay Brian ang number ko.

"Paano mo napapayag si Reese na ibigay sayo ang number ko?"

"I told her that I am your friend at nakita niya tayo na magkausap nung nakaraan at sabi niya mukhang close tayo kaya hayun binigay niya number mo, sabi ko kasi nadelete ko lahat ng contacts ko sayo kaya hinihingi ko ulit kaya lang nung nakaraan busy ka, may kasama ka kasi nun." Paliwanag nito.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon