CHAPTER 29 PART 1

6.8K 142 1
                                    

"Bitawan mo ko sabi! Maam! Maam!" Sigaw ko, umaasa akong papasok ang manager ko at tutulungan ako. Narinig kong tumawa ito habang ako patuloy lang ako sa pagpupumiglas.

"Hindi ka pupuntahan ng manager mo dito..." Sabi nito sa akin habang nakangiti ng nakakatakot.

"Sinungaling ka! Bitiwan mo ako! Tulong!" Patuloy parin ako sa pagpupumiglas

"Manager mo nga ang may dahilan kaya ka nandito eh" sabi nito. Napatigil ako at tiningnan siya. Nanginginig ako. Parang gusto kong sumuka.

"A-ano?" Kahit nakukuha ko na ang ibig sabihin ng sinabi nito gusto ko pa rin marinig.

"Binayaran ko ang manager mo para maikama ka, siya din ang nag-isip ng paraan na ito para mapunta ka dito! Kaya huwag mo nang tawagin ang mukhang pera mong manager dahil hindi ka niya tutulungan, pinagbili ka nga niya sa akin" tapos ay tumawa uli ito ng malakas "tatanga-tanga ka kasi eh! Masyado kang tiwala sa tao! Sa bagay ayos din yon, kasi hindi ka mapupunta dito, hindi ka mapupunta sa mga kamay ko.. Kaya ngayon akin ka!" Sabi nito sa akin. Takot na takot ako daig ko pa ang may sakit sa puso dahil sa pagpintig nito ng mabilis.

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko, hindi ko akalain na aabot sa puntong ibebenta ako ng manager ko, akala ko hanggang table lang..yun pala pati puri ko binenta niya. Sumisidhi ang takot ko, nandito kami sa apartment at walang taong tutulong sa akin pero patuloy parin akong sumigaw baka sakaling may tumulong sa akin.

Hinila ako nito, papasok sa isang kwarto, nabitawan ko yung susing hawak ko. Kumapit ako sa pader para hindi ako maipasok ng tuluyan.

"Halika na dito! Huwag ka ng magmatigas! Maliligayahan ka rin!" Sigaw nito sa akin ako naman nagsimula ng umiyak.

"Ayoko! Bitawan mo ko! Tulong! Tulungan niyo ko! Para niyo ng awa!" Buong lakas na sigaw ko. Sana may makarinig sana may tumulong sa akin.

"Wala ngang tutulong sayo! Ikaw lang at ako ang nandito! Kaya halika!" Sigaw parin nito sa akin, halatang nawawalan na ito ng pasensya.

"Ayoko!" Nakakapit pa rin ako sa pader habang hila hila pa rin niya ang kaliwa kong braso.

"P*t*ngina! Gusto pahirapan pa!" Lalo akong napasigaw ng buhatin niya ako at hinila. Napabitaw ako at ipinasok ako nito sa loob at ibinagsak niya ako sa kama. Naghalo na ang sipon at luha ko dahil sa kakaiyak.

"Ma-maawa ka... Hu-huwag mong ga-gawin ito!" Humahagulgol ako habang nakikiusap sa kanya. Napaatras ako sa headboard ng kama at napasiksik dun.

"Huwag kang matakot akong bahala sayo" nakangising sabi nito sa akin. Malakas na akong umiiyak.

"Tulong! Tulong!"

"Ang tigas talaga ng ulo mo, walang kahit isa na tutulong sayo"

Pumasok sa isip ko si Trace, kailangan kong makaalis dito! Para lang ako sa kanya at wala na akong ibang pagkakalooban ng sarili ko kundi siya lang!

Sumampa ito sa kama. Tumayo agad ako at tumakbo sa may pinto pero nahabol kaagad ako nito, hinila niya ang braso ko at marahas na ibinato sa kama.

"Langhiya! Ang kulit! Huwag na kasing pumalag! Pagkatapos nito babayaran pa kita!" Sigaw nito sa akin. He starting unbucle his belt. Im praying silently na makaalis ako dito. Hindi ako sumuko tumayo ulit ako.

Pero napasigaw ako ng bigla niya akong hilahin sa buhok pabalik and he was on top of me. He started kissing me I felt his hand roaming my body.

Humahagulgol ako at sinigaw ko ang pangalan ng isang taong nasa isipan ko. Sana dumating siya.. Sana iligtas niya ako..

"Trace!!!" Sigaw ko halos mapaos na ako kakasigaw pero wala akong pakialam ang gusto ko ay sumigaw ng sumigaw baka sakaling dumating siya kahit imposible...

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon