CHAPTER 28 PART 1

6.9K 123 4
                                    

Nakaharap ako sa salamin at nilagyan ako ng make- up ni Mitchie habang nanonood naman yung manager ko.

"Oh! Ayan! Nagmukhang tao ka!" Sabi ni Mitchie. Hindi ko gusto ang make up niya ang kapal at nangangati rin ang mukha ko sa mga nilagay niya.

"Ayan ready ka na!" Sabi ng manager ko habang hinahagod ako ng tingin. Tumayo ako at muli nakita ko ang kabuuan ko sa salamin. Halos parang nakahubad na ako sa damit ko. Kita halos ang dibdib ko kaya panay ang pagtaas ko sa damit ko pero nakikita naman yung legs ko. Na pag umupo ako kita na rin ang panloob ko.

Pinalabas na ako ng manager nakatakip pa yung isa kong kamay sa dibdib ko tapos hinahatak ng isa ko pang kamay ang damit pababa para hindi masyado makita ang hita ko.

Biglang hinawakan ng manager ang kamay ko at inalis iyon.

"Huwag mo ngang gawin yan! Ipakita mo yan! Sayang ang binayad para sayo!" Sita sa akin nung manager tapos hinatid nila ako sa sinasabi nilang cap. Nakalikod ito sa amin pagharap nito nangilabot ako.

Dahil siya yung matandang lalaki na katable ni Mitchie nung nakaraan na hinawakan ako sa kamay at sa likuran. Nakatitig ito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa habang nakangisi, ako naman ay natatakot at nagdadasal na wala sanang gawin ito na masama.

Tinutulak ako ni Mitchie para maupo sa tabi nito. Nilingon ko yung manager at tiningnan ko siya.

"Ma'am..." Nagmamakaawa ang titig ko na sana huwag na niyang ituloy. Na maawa ito sa akin. Pero tiningnan lang ako nito ng masama at binulungan.

"Umayos ka! Bayad yan! Huwag kang mag-inarte!" Galit na bulong nito sa akin.

"Hon! Nandito na siya! Ako ang nag-ayos dyan!" Pagmamalaki ni Mitchie pakiramdam ko isa akong karne na ibinebenta nito.

Nginitian ito ng matanda.

"Sige hon... Ako ng bahala sa kanya, may tip ka sa akin mamaya" sabi nung matanda tapos ay itinulak uli ako nito paupo. Nakatingin parin ako sa kanila pero iniwan na nila ako.

Nakaupo ako sa tabi ng tinatawag nilang cap.

"Kamusta ka na?" sabi nito sa nakakakilabot na tono na pakiramdam ko may gagawin siyang masama sa akin.

"A-ayos na-naman p-po" sabi ko sa nanginginig na boses. Tiningnan ko siya panay ang paghagod ng paningin nito sa kabuuan ko at parang hinahalungkay ang bituka ko sa ginagawa niya.

Yumuko ako, nakapatong ang dalawa kong kamay sa hita ko.

"Huwag mo na akong gamitan ng 'po' tutal hindi naman ako ganun katanda" sabi nito sa boses na parang nang-aakit pero sa halip na maakit ako mas gusto kong tumakbo! Tapos anong sabi niya? Kasing edad ko lang? Kahit saang sulok tingnan parang tatay ko na siya! Baka nga lolo pa nga eh.

Hindi ako umimik at nanatiling nakayuko. I felt his hand on my thighs and squeezing it gently. Nangingilabot ako sa ginagawa nito.

"Bagay sayo ang suot mo..." He said and then he sniff my neck.

Napapalayo ako sa ginagawa niya. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig.

Diyos ko! Pakiusap iligtas niyo po ako! Huwag niyo pong hayaan na may mangyari sa aking masama! And he started to give a small kisses on my neck.

Naitulak ko siya hindi ko kasi matagalan.

"Mahiyain ka pala.." Sabi nito sa akin. Tumaas ang kamay nito sa hita ko at pinigilan ko ang kamay niya. Napatingin ako sa boteng nasa lamesa naisipan kong basagin yon sa ulo niya pero natigilan ako pag ginawa ko iyon patay ako sa manager ko.

"Oh, pahard to get ka pala.. Gusto ko yan.." Nakangising sabi nito sa akin. "Ano nga palang pangalan mo?" Tanong nito sa akin.

"C-carlyn.." Kahit anong pilit ko na pigilan ang panginginig ko hindi ko magawa. Para akong hihimatayin sa nerbyos.

"Carlyn... Gusto ko ang pangalan mo, ako nga pala si Roger..." Sabi nito. Tapos ay inakbayan ako. Naramdaman kong gumagapang ang magaspang nitong kamay sa braso ko. Gusto kong maiyak ngayon. Bigla kong na isip si Trace sana nandito siya.. sana iligtas niya ako... sana ilayo niya ako sa taong kasama ko ngayon...

Sa isip ko panay ang tawag ko kay Trace pero wala. Walang Trace na sasaklolo sa akin..

Nanatili lang siyang nakaakbay sa akin habang ang isang kamay nakahawak sa hita ko. Pakiramdam ko wala na akong dugo sa sobrang pamumutla dahil sa nangyayari. Tapos nararamdaman ko pa na panay ang halik nito sa ulo ko. Naramdaman siguro nito ang panginginig ko kaya binulungan ako nito.

"Relax lang huwag kang masyadong tense... Akong bahala sayo... Malaki ang tip mo sa akin mamaya.." He whispered into my ears. Ang gusto ko lang lumayo siya sa akin at huwag akong lapitan dahil natatakot ako sa kanya.

Minsan hinahalik halikan nito ang leeg ko pero lumalayo ako. Patuloy parin ako sa pagdarasal ng hahalikan ako nito sa labi, tinulak ko siya, para lang kay Trace ang mga labi ko.

"Abat! Ano ba! Huwag kang maarte!" Tapos ay muli na naman niya akong sinubukan na halikan ako

"Hu-huwag please po!" Pigil ko sa kanya tapos nasampal ko siya. Nakita ko ang galit nito sa ginawa ko.

"Putsa! Lintik kang babae ka!" Tapos ay hinawakan ako sa braso pilit akong nagpupumiglas, tumitingin na rin ang ibang customers pero wala silang pakialam para ngang natutuwa pa sila sa nakikita nila.

Napaiyak na ako. Maya-maya may nag-ring tapos tumigil ito, kinuha nito ang cellphone sa bulsa at may kinausap ito na kung sino. Parang galit nga ito sa tono ng pananalita nito. Tapos ibinalik ang cellphone sa bulsa at tumingin sa akin.

"Nakaligtas ka ngayon!" Sabi nito bago nagmamadaling umalis. Nag-iwan lang ito ng pera ako naman umiiyak parin. Lumapit ang manager at pinagalitan pa ako sa ginawa ko.

Dahil daw dun,wala akong porsyento. Wala akong pakialam! Tutal kaya lang naman ako napapayag dahil sa tinakot niya ako.

"Walanghiya ka talaga! Wala kang pakinabang! Sinampal mo pa ang customer natin!" Sabi ng manager sa akin.

"Nag-inarte ka pa kasi! Madatung yun tapos sinampal mo lang! Dapat ginawa mo ng mabuti ang trabaho mo!" Dadag ni Mitchie, ako umiiyak parin ako sa harap nila.

"Hindi ko naman ginusto yon eh, ka-kayo ang may gusto" sabi ko sa kanila. Tiningnan lang nila ako ng masama.

"Gaga! Dapat sa panahon ngayon hindi ka na namimili ng trabaho! Malaki na nga kikitain mo dito pumalpak ka pa!" Sabi ni Manager

"Ma-marami naman p-pong ibang trabaho na hi-hindi kailangang pumasok sa ganto" sabi ko sa kanila pero pinagtawanan ako ni manager.

"Alam mo sa buhay ngayon, lahat ng bilihin tumataas pero ang pamumuhay ng tao salat parin, hindi namin kayang magtiis sa hirap at mababang sahod tapos halos mamatay kakatrabaho! Eh dito? Isang gabi lang may pera ka na!" Sabi nito sa akin pero hindi ko talaga masikmura. Patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Ang arte! Magbihis ka na nga! At magtrabaho! Ng may pakinabang ka naman tapos ay tumayo na ako at pumunta sa kwarto para mag-ayos.

Umiyak muna ako ng ilang sandali at huminga ng malalim. Tapos ay lumabas na ako para gawin ang trabaho ko.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon