CHAPTER 40 PART 2

8.4K 157 3
                                    

Nandito ako sa mini bar sa kusina at umiinom mag-isa. Bakit kailangang maging ganto kahirap ang lahat?

Two weeks na ang nakakalipas ng pinahanap ko si Carlyn nalaman ko naman kung saang bansa siya pumunta. Sa Canada pero nahihirapan naman ang mga hinire kong tao para hanapin siya kung saang sulok ng canada ba siya pumunta.

Binato ko ang boteng hawak ko at napahilamos ako sa mukha ko. Nang marinig ko ang boses ni dad.

"Trace what happen? Hating gabi na umiinom ka pa rin? Aba! ilang linggo ka ng ganyan ah!" Sabi nito sa akin Hindi ko siya nilingon at tinuloy ko ang pagtungga ko sa bote. "What's your problem?" Yun lang ang hinihintay kong tanong. Nilingon ko siya at alam kong kita sa mukha ko ang pagiging miserable ko.

"Why you didn't tell me?" Tanong ko napakunot noo ito. Hindi nito alam na nalaman ko na ang katotohanan.

"Ang alin?" Nasa mukha nito ang pagtataka.

"Why you didn't tell me that you already know the truth that Carlyn is innocent sa lahat ng paratang ko sa kanya.." Sabi ko. Nagulat ito pero sumeryoso rin ang itsura.

"Hindi ba ilang beses kong sina--"

"Hindi iyon, sana sinabi niyo sa akin na pinaimbestigahan niyo pala ang nangyari, sana sinabi niyo sa akin!" Sagot ko. Nakatingin ito sa mga mata ko at nagsalita.

"Kahit hindi ko sabihin sayo kung mahalaga talaga siya pagkakatiwalaan mo siya dahil ikaw ang higit na nakakakilala sa kanya pero mas pinili mong kamuhian siya kaysa alamin ang katotohanan. Tingin mo? Bakit ko sasabihin sayo? Kung ikaw mismo hindi mo man lang inalam ang totoo." Natahimik ako tama si Dad bakit nga niya sasabihin sa akin kung sa umpisa pa lang nagalit na ako at hindi ako gumawa ng paraan para malaman kung ano ang totoong nangyari, nahiya ako bigla naging duwag at gago ako tapos ako pa ang nanunumbat kay dad.

"Nakiusap din siya sa akin." Napalingon ako sa kanya at alam ko kung sino ang sinasabi niya. "Nakiusap siya na huwag ko ng sabihin sayo dahil kung talagang mahalaga siya sayo gagawa ka ng paraan pero wala.. Hinayaan mo lang siyang mawala at ang pinakamatindi don, ikaw ang nagtulak sa kanya palayo... At napakasakit non sa kanya, ang hindi pagkatiwalaan ng taong pinagkatiwalaan niya ng lubos at minahal.. Tinanggap niya ang nakaraan mo ng walang pagdadalawang isip pero ikaw? Kailan ka nagtiwala sa kanya? Ilang beses lima? Tatlo? Isa? O kahit kailan hindi ka nagtiwala sa kanya..."

Ano bang masasabi ko? Lahat yon ay totoo, kailan nga ba ako nagtiwala sa kanya?

Ilang sandali ang lumipas. Nagsalita ako.

"Alam ko... Nagkamali ako sa ginawa ko..at..at sorry dad kung nasagot kita.. Tama ka sa lahat ng sinabi mo... Pero gusto kong magbago...at ayusin ang sinira ko... Alam ko.. Gago ako.. Dahil pinakawalan ko siya.. Pero nagsisisi na ako... Ang gusto ko lang naman ay makausap siyang muli...gusto kong humingi ng tawad sa kanya at sana mahalin niya ako..."

"Alam mong hindi ganon kadali iyon, magiging mahirap ang lahat sayo. Matapos ng nangyari hindi natin alam kung mapapatawad ka niya o hindi na.."

"D-dad a-ayokong isipin yan... Yan ang huling bagay na papasok sa isipan ko."

"Alam ko anak.. Pero gaya ng sinabi ko, kung ano man ang kahinatnan nito. Kailangan mong tanggapin.." Lumapit ito sa akin at tinapik ang balikat ko at umalis ng wala na ito. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin mahal na mahal ko siya... Nagsisisi na ako sa mga kasalanan ko... Nagsisisi akong pinaalis ko siya.. Nagsisisi ako sa mga akusasyon ko sa kanya at nagsisisi ako na ilang beses lang siya ngumiti sa akin,mas madalas ko siyang paiyakin...

Sana bumalik sa dati ang lahat.. Kung saan naging masaya kami...
Sana maging akin siya muli...

_______________________

CARLYN POV:

Pinanunuod ko ang anak ko habang nakikipaglaro sa kapwa niya bata sa playground, napapangiti ako habang nakikita ko ang mga batang babaeng nagpapacute sa kanya pero wala naman siyang pakielam.

Tuwing umaga lagi kaming namamasyal sa magagandang lugar dito sa canada tapos ay magshoshoping kami, nag-eenjoy ako at narerelax lalo na at kasama ko ang anak ko. Nang may biglang umupo sa tabi ko.

Hindi ko ito pinansin nakatingin lang ako sa anak ko ng bigla itong magsalita.

"Hello miss, are you a filipino?" Tanong nito sa akin. Napalingon ako at napangiti. Dahil pilipino rin ang nasa harapan ko.

"Yes I am" ngumiti siya at inabot sa akin ang kamay niya.

"Hi! Im Brian, pilipino rin ako" friendly na sabi nito. Inabot ko ang kamay ko at nakipagkilala din.

"Im Zhane" sabi ko. Nang magkahugpong na ang mga kamay namin ay hinalikan niya ito. Namula naman ako sa ginawa nito. Pero habang tinititigan ko siya parang nakita ko na siya dati...

"Whats your full name?" Tanong nito sa akin.

"Bakit ko sasabihin sayo kung ikaw nga di mo sinabi, tsaka mamaya kung sino ka" sabi ko sa kanya. Ngumiti ito, at tumingin sa ibang direksyon inilagay nito ang kamay sa chin nito tapos ay lumingon uli sa akin.

"Do I look like a bad person to you?" Tanong nito. Sa bagay gwapo ito. Pero sabi nga nila looks can be deceiving.

Nanatili lang akong tahimik.

"Okay fine! If you dont want to tell me its okay, pero hayaan mo akong sabihin ang buong pangalan ko. Im Brian Cruz and I want to be your friend kung okay lang sayo..." Sabi nito. Inilabas pa nito ang identification id at pinakita sa akin. Napangiti na lang ako sa bagay mukha naman siyang mapagkakatiwalaan.

"Im Zhane Carlyn Dexcilier." Sabi ko. Ngumiti ito ng malapad.

"Sa wakas sinabi mo rin, so friends na tayo?" Tanong nito at tumango ako.

"Yes!" Bulalas nito kung makareact naman ito akala mo sinagot ko sa panliligaw.

Nang biglang lumapit ang anak ko.

"Mommy who is he?" Nakatingin ito ng masama kay Brian.

"You have a husband?" Gulat na tanong nito sa akin. Ayokong sagutin ang tanong niya pero gusto kong maging totoo sa bagong kaibigan.

"No, I am a single mom." Sagot ko. Nagliwanag ang mukha nito.

"If I am the father of your son, I will never let you go. Pakakasalan kita sa kahit anong simbahan." Napangiti na lang ako, habang ito nakatingin sa akin.

"Binola mo pa talaga ako ha." Sabi ko.

"No Im dead serious. Pakakasalan talaga kita." Seryosong sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Nakatitig lang ako dito, loko lokong lalaki ito ah! Ngayon ko nga lang nakilala kasal agad!

"I dont want you to be my daddy!" Sigaw ni Travis tapos ay inalis ang kamay ni Brian sa akin. Natawa si Brian.

"He is overprotective to you."

"Yah, your right", natawa na lang ako.

Hinila ni Travis ang kamay ko.

"Mom let's go home, im tired" sabi nito habang nakatingin ng masama kay Brian.

"Okay baby let's go." Tumayo na ako ng biglang magsalita si Brian.

"I didn't get your number" sabi nito.

"Mommy will not give her number to a stranger." Sagot ni Travis, napangiti na lang ako.

"My son is right I don't give my no." Nanghihinayang ang itsura nito na nakatingin sa akin.

"Okay I guest hayaan ko na ang destiny ang bahala sa atin." Natawa ako sa sinabi nito. Ang corny. Naramdaman kong hinila na ako ni Travis at umalis na kami.


UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon