CHAPTER 15 part 2

7.7K 155 0
                                    

CARLYN POV:

Nakatulala lang ako sa kisame parang hindi ako makapaniwala parang panaginip lang lahat pero totoo. Naibigay ko na sa kanya lahat, pagkatapos nung nangyari may nilagay si Trace sa side table.

"Kunin mo yan..." malamig niyang sabi sa akin at lumabas si Trace ng kwarto na parang normal lang ang lahat.

Bumangon ako at inayos ko ang sarili ko. Pera pala ang iniwan niya sa table mga 50thousand din iyon pero kinuha ko lang ang dalawang libo kung pwede lang kahit hindi ko na galawin ang perang iyon, pero kailangan ko pa rin para sa mga gastusin sa bahay lalo na at hindi ako nakapasok ngayong sabado at linggo sa trabaho. Maganda sanang isipin kung mahal ako ni Trace pero hindi... kita ko naman sa mga mata niya na ginawa niya iyon dahil galit siya.

Tumulo ang luha ko, wala naman akong pagsisisi pero masakit paring isipin na hindi niya ako gusto. Lumabas ako ng kwarto naglalakad ako ng makita ko si Micah.

"Hi! Carla, why you're still here?" tanong sa akin ni Micah. Tinawag na naman akong Carla pero hindi ko na ito itinama dahil mahahalata nilang niloloko lang sila ni Trace. Nagtaka naman ako sa tanong niya.

"Hindi pa kami umaalis ni Trace..." sabi ko sa kanya. Nakita kong nangunot ang noo nito.

"Nakita ko ang sasakyan ni Trace na paalis kanina, tinanung ko yung katulong kung saan pupunta si Trace sabi niya aalis na daw akala ko kasama ka niya?" sabi nito.

Nagulat naman ako iniwan ako ni Trace pagkatapos ng nangyari sa amin.. Napayuko ako at nagbabadya na naman ang mga luha ko.

"Nag-away ba kayo...?" tanong sa akin ni Micah nakahalata naman siya sa reaksyon ko. Napatango na lang ako.

"Ako na ang humihingi ng dispensa kay Trace... he is a hot headed and also stubborn pag may ginawa o may naisip siya para sa kanya tama iyon.." sabi nito sa akin hinagod hagod pa nito ang likod ko. Buti na lang nandito si Micah gumagaan ang pakiramdam ko.

"But dont worry ipapahatid na lang kita sa driver okay" nakangiti nitong sabi sa akin. Napangiti na rin ako at inaya niya akong bumaba.

Pagkatapos kong makapag-paalam sa pamilya ni Trace hinatid na ako ng driver, binigay ko ang direksyon kung saan ang bahay ko. Nang narating na namin bumaba ako at nagpasalamat. Pumasok ako sa loob ng apartment nakita ko si aling Linda kakwentuhan si nanay, nagmano ako sa kanilang dalawa. Biglang nagpaalam si Aling Linda na pupunta na sa kanila at lumabas na ito ng pinto.

"Anak kamusta trabaho mo baka pinapagod mo ang sarili mo..." nakatingin si nanay sa akin. Pagkatapos biglang nanlaki ang mata nito. Tumayo ito, agad akong lumapit at inalalayan siya.

"Nay ano po yon?" tanong ko dahil nagtataka ako kung bakit ganun ang itsura niya. Inangat niya ang manggas ng damit ko.

"Anak saan mo ito nakuha?..." nag-aalalang tanong sa akin ng nanay ko. Napatingin ako sa braso ko. Laking gulat ko ng makita kong nagkapasa pala ito nung hawakan ako ng mahigpit ni Trace. Naumid ang dila ko. Naalala ko na naman ang nagyari, namutla ako hindi pwedeng malaman ni nanay ang bagay na iyon.

"Sumagot ka Carlyn, saan mo ito nakuha?." tanong uli niya sa akin.

"Na-nahulog p-po ka-kasi ako sa hagdan dun sa trabaho ko...kaya ko po nakuha yan..." pagdadahilan ko hindi rin ako makatingin ng diretso. Nakita ko sa mata nito ang pagdududa sa sinabi ko.

"Totoo ba yan anak..?" tanong nito sa akin. Pakiramdam ko habang tinitingnan niya ako binabasa niya ang nasa isip ko.

"O-opo nay, huwag na po kayong mag-alala, halika na po kayo... ipaghahain ko na kayo tanghali na" sabi ko sa kanya. Binago ko na ang usapan dahil ayokong mas lalo siyang makahalata.

Nang matapos akong magluto kumain na kami ng biglang umubo si nanay, tinakpan niya ang bibig niya nakita kong may pumapatak na dugo sa kamay niya. Agad akong lumapit sa kanya.

"Nay! Anong masakit sayo! Te-teka lang tatawag ako ng tulong , dadalin kita sa hospital!" sabi ko natataranta ako tuwing nakikita ko siyang ganyan, akmang lalabas na ako ng hawakan niya ako sa kamay at pigilan.

"A-anak hu-huwag na no-normal lang ito, iku-ha mo ako ng gamot..." sabi niya sa akin habang inuubo. Agad akong naglakad at kinuha sa kahon ang gamot niya at agad ko itong pinainom sa kanya. Hinagod hagod ko ang likod niya, maya-maya nagiging maayos na uli ito.

"Nay dalin na kita sa ospital kailangan matingnan ka ng doctor..." sabi ko sa kanya, ayoko na nakikita siyang ganyan, nakakapanghina lalo na at siya ang nagbibigay sa akin ng lakas pag pakiramdam ko gusto ko ng sumuko.

"Anak huwag na...ayos na naman ako, isa pa gagastos na naman tayo, alam kong hindi biro ang ginagawa mo para matustusan ang pangangailangan natin sa araw-araw, anak huwag ka ng mag-alala ha.."

Hindi ko na napigilan na maluha, kailangan ko talaga ng maiiyakan sa oras na ito, pakiramdam ko pagod na pagod ako at pag hindi ko nailabas ang mga luhang ito sasabog na ako. Umiyak lang ako ng umiyak lahat ng masasakit na bagay na naranasan ko iniyak ko na lang sa kandungan ng nanay ko patuloy pa rin niyang hinahagod ang likod ko habang patuloy sa pag-agos ang luha ko.

"Sige anak umiyak ka lang...alam ko kahit hindi ka magkwento nahihirapan ka, hindi mo lang sinasabi sa akin dahil nag-aalala ka sa kalagayan ko kaya sinasarili mo na lang lahat..pero anak magulang mo ko, nanay mo ako, kilala na kita simula pagkabata, ang bawat pag-iwas mo ng tingin, pagkunot ng noo mo, ang paggalaw ng kamay mo ang lahat ng kilos mo alam ko kapag may itinatago ka, anak pwede mo naman sabihin sa akin ang lahat dahil mas nasasaktan ako pag nasasaktan ka bilang iyong ina mas doble ang sakit na nararamdaman ko...kaya kung hindi mo pa kayang sabihin sa akin handa naman akong maghintay para sabihin mo sa akin ang problema mo pero anak huwag mong kalilimutan nandito lang ako. Para makihati sa sakit na nararamdaman mo..." sabi niya sa akin. Lalo akong napaiyak hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang lahat. Umiyak ako hanggang sa naramdaman kong gumaan na ang pakiramdam ko. Tiningnan ko si nanay at hinawakan niya ako sa pisngi at nginitian, lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanya... ___________________________________________________________________

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon