CHAPTER 26 PART 1

7.5K 168 2
                                    

Patuloy lang ako sa pagkain, habang si Trace nakatitig lang sa akin . Napapasulyap ako sa kanya, nakoconcious tuloy ako sa pagkain ko.

"T-Trace bakit ka nakatingin sa akin?" Tanong ko sa kanya Baka mamaya nyan mukha na pala akong ewan kung kumain kaya siya nakatingin ng ganyan.

"Ha? Nakatingin ba ako?" Painosenteng tanong nito.

"O-oo yan nga oh, nakatingin ka nga..." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ako nakatingin, akala mo lang yun" sagot lang nito. Hindi daw? Eh, kitang kita ko nga na nakatitig siya sa akin eh! Ano ako duling!?

Hindi ko na lang siya pinansin at nagconcentrate sa pagkain, sumulyap uli ako sa kanya. Napakunot ang noo ko, may tinitingnan siya sa bandang likod ko at nakakitaan ko ang mata niya ng galit. Tapos ay nag-iwas ito ng tingin at sa ibang direksyon ibinaling ang ulo. Hanggang sa marinig ko na lang na may nagsalita sa likod ko.

"Oh! Hi! Look who's here! The son of Nathan Winchester!" Narinig kong sabi ng kung sino man ang nakatayo sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko ang isang magandang babae kahit mukhang may edad na pero maganda parin. May kasama itong babae sa tabi nito.

"How are you Trace?" Tanong nung babae kay Trace.

"Much better Amanda" malamig na sabi ni Trace.

Parang may tension sa dalawa... At Amanda parang narinig ko na yun eh... Saan nga ba... Patuloy ako sa pag-iisip kung saan ko ba narinig ang pangalan nito.

"Oh, Trace... Dont call me Amanda just call me tita besides naging anak naman kita kahit hindi kami kasal ng daddy mo" himig nagtatampo na sabi nito. Nagulat ako. Amanda siya yung naging stepmom ni Trace na isa sa nananakit sa kanya.

Tumingin ako kay Trace blangko ang mukha nito pero sa mata kita ang galit.

"Thats the best decision he made on his life ang hindi ka pakasalan." Malamig na sabi nito, napasinghap si Amanda tapos tumingin sa kasama, nakikita ko na ang inis sa mukha nito dahil siguro sa pagkapahiya.

"How dare you to said that Trace?, wala kang galang kahit hindi kami kasal ng dad mo naging mommy mo pa rin ako." Sabi nito ramdam na ang inis sa boses nito. Mahina lang ang boses nila sapat lang para magkarinigan kami.

"Why should I have to respect you?" Sarkastikong sagot nito.

"A-abat sumusobra ka na!" Matigas na sabi nito. Nagpipigil na ito ng galit.

"I dont think so"

"Wala kang galang! Alam mong minahal ko ang daddy mo sayang nga lang at hindi kami na ikasal dahil narin sa kagagawan niyo!" Sagot nito. Tumingin si Trace dito at tiningnan ng nang-uuyam na tingin.

"I know wala akong galang and I am proud of it!" Pagmamayabang na sabi nito. Tumaas baba ang dibdib ni Amanda dahil sa paghinga ng malalim dahil sa mga naririnig nito kay Trace.

"Pasalamat ka hindi kami kinasal ng dad mo kung hindi napatino na kita, walang modo!" Napapalakas nasabi nito kaya yung ilang kumakain na malapit sa amin at napapatingin na.

"Well Im think Im so blessed na hindi kayo kinasal ni daddy kaya thank you" nakangiti ito halatang inaasar nito ang kaharap pero kahit nakangiti ito kabaligtaran naman ang sinasabi ng mga mata nito.

"Ganun ha... Samantalang noon masyado kang pababy sa akin nung naging mommy mo ako."

"Oh, that's my mistake, but Im glad that the gold digger like you ay nawala na sa buhay namin" sarcastic na sabi nito. Namumula na si Amanda sa galit.

"Hindi na ako magtataka kung dahil sayo kaya namatay ang kapatid mong si Shana" sukat sa sinabi nito nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Trace at nakikita ko ang galit. Nanlilisik ang matang tumingin ito kay Amanda.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon