CHAPTER 26 PART 2

7.4K 167 2
                                    

Nakahiga ako sa dibdib ni Trace, nakapikit lang ito sa tabi ko. Tapos ay tumingin ako sa kanang kamay nito na may sugat dahil sa pagsuntok sa salamin. Nakayakap ito sa akin inalis ko iyon at hinawakan.

Tiningala ko si Trace nagmulat ito ng mata at tumingin sa akin.

"Masakit parin ba?" Masuyo kong sabi sa kanya. Umiling ito at nginitian ako.

"No" maikling sagot nito. Tapos ay umangat ang kamay ko sa pisngi niya malapit dun sa galos niya sa pisngi.

"Ito masakit parin?" Tanong ko. He lowered down his head and kiss me on the forehead.

"No, its because of you kaya nawala ang sakit" masuyong sabi nito. Namula ako at napayuko. Ngayon pa ako nahiya!

Niyakap ako nito ng mahigpit para akong bata habang yakap ako nito dahil sa malaking tao ito. I felt that he kiss my forehead.

"Your so cute when you are shy, you know what? it makes me to want---" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil hinampas ko ito sa dibdib.

"Trace!" Saway ko sa kanya. I heard him chuckled at isinubsob ang mukha sa leeg ko.

Niyakap ko siya.

"I love you Trace..." Bulong ko sa kanya pero tahimik lang ito at hindi sumasagot alam kong narinig niya ang sinabi ko... Hinayaan ko na lang siya at pinikit ang mata ko para matulog...

Nagising na ako pero hindi parin ako nagmumulat, kinapa ko ang kama para yakapin si Trace pero wala akong naramdaman napamulat ako wala siya dito. Bumangon ako at nag-ayos ng sarili at saka ako lumabas nakita ko si Micah na nasa sala habang si Trace nakaupo sa single sofa nakatalikod ito sa akin.

Napatingin sa akin si Micah at ngumiti tapos ay biglang lumingon si Trace.

"Oh, your awake, halika dito maupo ka" yaya sa akin ni Trace. Nahihiya akong salubungin ang mga mata niya. Atubili akong lumapit at naupo sa tabi ni Micah.

Mas naging awkward ang feeling ko dahil nakatapat ako kay Trace. Sinulyapan ko siya, maaliwalas ang aura nito na para bang hindi ito halos nagwala sa galit kay Amanda kanina.

Nakoconcious ako sa mga titig niya kaya yumuko na lang ako. Narinig kong nagsalita si Micah.

"So Carlyn! How are you?" tanong nito sa akin. Nagulat ako tinawag niya ako sa tunay kong pangalan, hindi na niya ako tinatawag na Carla!

"I-Im fine.. Ikaw kamusta ka na?" Balik tanong ko sa kanya.

"Im good! Medyo busy lang sa studies" nakangiting sagot nito. " kanina pa nga ako dito eh, binubuksan ko yung pinto dahil may susi naman ako kaya lang parang may nakaharang kaya hinintay ko kayong magising natulog na nga ako sa sofa eh" dagdag pa nito. Wait! Kanina pa! Ibig sabihin...

"Buti na lang lumabas na ng kwarto si Trace ginising niya ako" namula ako.

"So don't forget to come to the party huh" sabi pa nito. Sumeryoso ako. Nakakunot ang noo ko.

"Its dad's birthday at magkakaroon ng party sa bahay namin." Sagot ni Trace siguro napansin nito ang pagtatanong sa mata ko.

"Ganun ba sige! Walang problema!" Masigla kong sabi kay Micah.

"Kinakamusta din kayo ni daddy, hindi ka na kasi nakadalaw sa amin Carlyn." Sabi nito na parang nagtatampo.

"Sorry ha medyo busy lang kasi ako eh, gusto ko rin dumalaw sa inyo. Huwag kang mag-alala pupunta ako sa party." Nakangiti kong sabi.

"You look pale Carlyn" pansin ni Micah sa akin tapos ay tumingin kay Trace.

"Hindi mo inaalagaan si Carlyn noh" akusa nito kay Trace pero sa himig nagbibiro.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon