CHAPTER 47 PART 1

8.1K 152 1
                                    

Nang sa wakas narating ko rin ang bahay namin, agad akong pinagbuksan ng gate ng katulong. Pagkababa ko nakita ko si Tiya Linda na pababa ng hagdan at sinalubong ako.

"Tiya let's go to Travis saang hospital niyo siya dinala?" Nag-aalala Kong tanong sa kanya.

"Papunta ako ngayon doon iha, may dala akong gamit niya kailangan pa niya manatili sa hospital hanggang bukas para masuri siya ng maigi... Naiwan si tonyang para bantayan siya."

"Ganoon po ba, tayo na po, tiya." Nagmamadali akong lumabas pero tinawag muli ako nito. Pumanhik ito sa kwarto pagbaba nito may dala na itong card.

"Ano yan tiya?" Tanong ko.

"Ito yung kasama nung box na may manika.." Inabot nito sa akin iyon. Agad ko iyong binuksan at sumulak ang galit ko sa nabasa.

"Your son is too lucky! He's still alive! Don't worry next time you'll see your son inside the coppin!"

A death threat for us! Specially for me! Pati ang mga taong mahalaga sa akin gusto niyang saktan! Sino ba siya? Wala akong natatandaan na inaagrabyadong Tao! Na pati pamilya ko idadamay niya! Lalo na ang anak ko!

Nilamukos ko ang card sa sobrang galit! Malaman ko lang kung sino siya ipakukulong ko siya!

"Iha... Natatakot ako para sa inyong pamilya may gustong pumatay sa anak mo.." Tumingin ako kay Tiya.

"Ako ang pakay niya tiya... Nung isang araw nakatanggap din ako ng ganito.. Kailangan nating mag-ingat tiya malamang may taong sumusubaybay sa atin para saktan tayo." Tumango tango ito.

"Tama ka iha, kailangan niyo ng mag-ingat hindi na biro ito.." Oo, hindi nga ito biro. Akala ko yung nakuha ko nung nakaraan ay baka may tao lang na gusto akong takutin! Pero totoong balak niya kaming saktan. Hindi ako makakapayag! Hindi na bale na ako ang masaktan huwag lamang ang pamilya ko!

Pumunta na kami sa hospital kung nasaan ang anak ko. Pagpasok namin sa kwarto nakita ko itong natutulog habang nasa tabi nito si tonyang.

"Maam upo po kayo" sabi ni tonyang agad itong tumayo at kinuha ang dala naming gamit. Naupo ako sa tabi ni Travis. May malaki itong pasa sa braso may galos din ito. May pasa rin ito sa pisngi at noo. May gasgas pa ito sa may gilid ng baba. Parang pinipiga ang puso ko sa itsura niya ngayon. Kahit na galos lang ang nakuha niya ayokong makikita na ganyan ang anak ko. Kahit kailan ayoko siyang  masaktan... Walang inang gustong masaktan ang anak nila...

Naalimpungatan ito. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata.

"Mommy..." Medyo inaantok pa ang boses nito. Hinaplos ko ang buhok niya at tiningnan siya ng masuyo.

"Hello baby... How are you?" Tanong ko sa kanya.

"Mommy... Why are you here? Diba nasa boracay ka?" Takang tanong nito.

"Yes baby pero nung malaman kong nandito ka. Nag-alala si mommy kaya bigla akong pumunta." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Dapat po nag-enjoy ka na lang, Im fine mom, look" bumangon ito pero napangiwi  ito at napahawak sa pisngi na may pasa.

"Baby you don't need to force yourself" inalalayan ko siyang mahiga muli.

"Mom balik ka na sa boracay" sumimangot ako at nagpanggap na nagtatampo.

"You don't want to see mommy?" Nagtatampo kong tanong.

"No, mom... Im happy that you are with me right now but mom you need to relax from your stressful business. And then your here mom, dahil lang sa akin.." Nakasimangot na sabi nito. Hinaplos ko ang pisngi niya, kahit kailan talaga ayaw ng anak ko na nakikita akong nag-aalala mas iniisip pa niya ako kesa sa sarili niya.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon