CHAPTER 18 PART 2

7.6K 151 0
                                    

Ngayong sabado pumasok ako sa trabaho ko sa isang mall, bagger ako sa isang supermarket, 8:00am nandito na ako, kanina ko pa gustong kumain uli ng santol, kanina kasing umaga may dalang santol yung nasa kabilang unit namin at dahil kasundo naman namin lahat ng nangungupahan sa apartment, binigyan kami ni nanay ng santol ng makita ko yun, bigla akong naglaway at inubos ko lahat, nasita pa ako ni nanay baka daw sumakit ang tiyan ko at masyadong maaga para kumain daw ako nun.

Pero nabitin pa ako nun. Tapos ngayong nasa trabaho ako, gusto ko munang umalis at bumili ng santol pero 10:20am pa lang, hindi pa namin break kaya hindi pa ako pwedeng makaalis.

Nang inaayos ko yung cart, napahawak ako ng mahigpit dahil pakiramdam ko, lumilindol ang paligid, nahihilo na naman ako. Ano bang nangyayari sa akin?

Bumalik uli ako sa counter para mag bag ng mga pinamili. Nang utusan ako ng kasama kong cashier na magbalik ng items dahil binawasan nung customer yung pinamili niya. Kinuha ko kaagad yung mga items at naglakad para ibalik yon.

Pero napapatigil uli ako dahil nakakaramdam na naman ako ng hilo. Hinahawakan ko ang sintido ko at minamasahe at nang medyo okay na ang paningin ko , naglakad uli ako at nang ibabalik ko na yung mga items. Tumingkayad ako para mailagay ang dala ko medyo mataas kasi ang pinagkuhanan nito. At bigla na lang akong nanghina at nagdilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.....

______________________________________

Nagising ako pero di pa rin ako nagmumulat ng mata ko dahil sumasakit pa rin ang ulo ko. Tumagilid ako.

Teka lang....parang ang lambot ng higaan ko tapos ang lamig pa....at....at....pamilyar yung amoy....

Napamulat ako bigla. Tumingin ako sa paligid at napabangon

Nasa Condo ako ni Trace!! Anong nangyari? Bakit ako nandito? Nagulat ako sa nalaman ko, panay parin ang tingin ko sa paligid, hindi nga ako nagkakamali , Condo nga ito ni Trace! Pero paano.

Muntik na akong mapalundag sa kinahihigaan ko ng may magsalita.

"What happened to you? Bigla kang nawalan ng malay." Tanong ni Trace sa akin habang nakasandal ang likod nito sa hamba ng pinto. Kanina pa ba ito duon? Hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya..

Nakatopless ito. Napa-iwas naman ako ng tingin, yumuko ako dahil baka makita nito na namumula ang pisngi ko. Bakit ba kasi wala siyang shirt?

Sumulyap uli ako sa kanya, pakiramdam ko nanunuot ang bawat tingin niya sa akin. Nakakailang masyado!

"A-ahm" lumunok ako at nagsalita uli. "Na-nahilo kasi ako kanina kaya nawalan ako ng malay..." Sabi ko.

Pero nagtataka talaga ako kung paano ako napunta rito?

"Pa-paano nga pala a-ako nakapunta dito?" Tanong ko. Nakatingin parin ito sa akin ng malalim.

Please!!!! Huwag mo akong tingnan ng ganyan mas lalo akong naiilang!

"Actually Im looking for you at nung nakita na kita lumapit ako pero bigla kang nawalan ng malay at nasalo kita" sabi nito sa akin.

"Ba-bakit may problema ba?" Tanong ko. Bakit kaya niya ako hinahanap? Baka naman....namiss ako!

"Because dad forcing me to bring you again sa bahay namin pero tingin ko hindi ka makakapunta" sabi nito sa akin. Napayuko ako. Akala ko pa naman namiss niya ako...

"Ka-kamusta naman ang daddy mo?" Tanong ko.

"He's fined" maikling sagot nito. Tapos wala na kaming pinag-usapan. Pero nakatayo lang siya duon at naiilang ako sa katahimikan.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon