CHAPTER 48 PART 1

8.3K 142 2
                                    

Nakatulala lang ako sa opisina simula ng bumalik ako galing sa condo ni Trace kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring mangyari dahil sa pagpayag ko. Naging pabigla-bigla ako sa desisyon ko. But... If Im choose to refused his offer Brian's company is in danger... Ano ang gagawin ko ngayon... Hirap na nga akong itago sa kanya ang nararamdaman ko tapos, heto! Makakasama ko pa siya sa loob ng tatlong araw! Ang usapan namin ay duon ako uuwi sa kanya, iniisip ko pa lang kinakabahan na ako... Hindi ko rin basta-basta matatawagan ang anak ko duon para kamustahin... At... Baka dalawin ako ni Kenshin sa condo ko at magkataon na wala ako roon.... Magtataka iyon at magtatanong... Anong sasabihin ko?

Nung sinabi ni Trace na pupuntahan niya ako sa office todo tanggi ako, eh, di baka makahalata si Kenshin nyan! Buti na lang pumayag siya tutal magkikita parin naman kami eh! Dahil sa kanya ako uuwi.

Pakiramdam ko napakabilis ng oras ng palabas na ako ng office para umuwi. Nagpaalam si Heizel at ang ilang empleyado sa akin. Pagbukas ng elevator nakita ko si Kenshin, pumasok ako.

"Travis calling you since this afternoon pero hindi mo sinasagot ang tawag niya." He said. Naka-off nga pala ang phone ko dahil tumatawag si Trace kanina sobrang naiinis ako sa kanya kaya pinatayan ko siya. Gusto ko siyang saktan kanina habang nakangiti siya ng nakakaloko... Ngiti ng tagumpay!

"Ganon ba, naka-off kasi ang phone ko I was busy because Im preparing the reports you asked to me yesterday, bukas maipapasa ko na sayo iyon." Nerbyos kong sagot. Im beggining to be nervous just thinking na uuwi ako sa condo ni Trace!

"That's too fast hindi naman kita minamadaling isubmit sa akin iyon, I said I need that next week." He answered to me.

"Mas okay na iyon para ibang trabaho naman ang gagawin ko bukas, at tsaka mag-thank you ka na lang okay! Thank you lang sapat na!" Naiinis kong sabi ngayon dahil sa nararamdaman kong inis at kaba dahil kay Trace mabilis din uminit ang ulo ko.

"It seems someone's woke up on the wrong side of bed" he said while smiling, ignoring my reaction to him. Sinimangutan ko lang siya.

"Tommorow saturday I will bring Travis to your condo, so kahit huwag ka na lang pumasok bukas he wants to see you." He said, naalarma ako pag pumunta sila sa condo ko bukas malalaman nila na hindi ako duon tumutuloy at pag nagkataon tatanungin ako ni Kenshin, may idahilan man ako sa kanya baka hindi ito maniwala at siguradong paiimbestigahan niya iyon.

"A- y-you dont need to bring Travis." I said.

"Why?" Nakakunot ang noo nito. "Bakit? Marami ka bang gagawin? I will help you." He said seriously. Kung alam lang niya kung anong dahilan. Siguradong magwawala ito.

"N-no ka-kasi ako na ang magsusundo kay Travis!" Nauutal kong sagot. Dahan-dahan itong tumango.

"Sinabi mo eh, Im starving nakakasawa narin kumain sa restaurant pwede naman siguro pumunta ako sa condo mo." tumingin ito sa akin. At ginulo ang buhok ko. "My little sister can you cook for me please?" Pakiusap nito.

"What!? Bakit ka pupunta!? Duon ka na kumain sa bahay!" Napataas ang boses ko. Napakunot ang noo nito. Hindi siya pwedeng pumunta.

"What? Why you looked so shocked? Dati pa naman ako nagpapaluto sayo diba?" He said. His just staring at me na para bang nagtataka kung bakit naging ganon ang reaksyon ko. Pag hindi ako nakapunta kay Trace may banta pa naman siya na pupuntahan niya ako sa condo at maaaring magkita sila ni Kenshin at may posibilidad na malalaman din ng kapatid ko na si Trace ang ama ni Travis, nang nasa engagement party kami ni Ram iba ang tingin niya sa amin, para bang sinusuri ang bawat kilos namin... Tingin ko nakakahalata din ito, matalinong tao ang kapatid ko, kaya sa oras na malaman niyang kasama ko si Trace mapapagtagni-tagni niya ang pangyayari at hindi magiging maganda ang reaksyon nito.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon