CHAPTER 28 PART 2

6.9K 134 3
                                    

"NAY pasok na po ako" paalam ko sa nanay ko.

"Anak matamlay ka yata? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"Wala po, ayos lang po ako, huwag po kayong mag-alala" sabi ko sa pinasiglang tinig, hindi ko kinuwento sa kanya ang nangyari kagabi sa bar ayokong mag-alala pa siya. Kahit nasa bahay na ako natatakot parin ako kaya nakatulog akong yakap ang unang may damit ni Trace dahil nawawala ang takot ko sa tuwing ginagawa ko iyon.

"Sige anak, mag-ingat ka" sabi nito sa akin. Humalik lang ako sa noo niya at umalis na ako. Nang nasa school na ako. Naglinis muna ako bago pumasok sa klase.

Naglalakad ako sa hallway ng makasalubobg ko si Kenshin.

"Hi! Carlyn!" Bati nito sa akin. Nginitian ko siya pero hindi man lang umabot sa mga mata.

"May problema ba parang iba ka ngayon.." Sabi nito sa nag-aalalang tinig.

"Wala naman.. Pagod lang talaga ako.. Huwag ka ng mag-alala" sabi ko sa kanya.

Hindi yata ito naniniwala kaya sinalat nito ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat. Hindi lang ako sanay na ganyan ka, because sometimes even you have a problems your always cheerful but now something is different from you" pansin nito sa akin.

"Hindi ayos lang ako" sabi ko sa kanya, tinitigan ako nito ng matagal tapos ay bumuntong hininga.

"Okay.. Im think your not ready to tell me your problem but if you need someone to lean on, Im here to listen for you" sincere na sabi nito. Nakaramdam naman ako ng saya dahil sa sinabi niya. Gumaan naman ang loob ko.

"Salamat Kenshin.." Sabi ko sa malungkot na tinig. Niyakap ako nito at tinap ang likod ko.

"Basta don't forget Im just here for you, okay!" Nakangiting sabi nito. Tumango ako at nginitian ko siya.

"Salamat uli"

"Okay, I have to go" paalam nito sa akin. Hindi na naman ito papasok? Madalas itong hindi pumasok ah!

"Hindi ka na naman papasok?"

"Oo may mga inaasikaso kasi ako, sige bye!" Tapos ay umalis na ito. Tinanaw ko na lang siya ng tingin bago umalis.

Tapos na ang klase at palabas na ako ng kwarto si Ramiasen nagpaalam din sa akin kanina na aalis din halos magkasunod lang sila ni Kenshin. Pinaalala pa sa akin nito na umamin na daw ako kay Trace na buntis ako dahil patapos na rin daw siya sa problema niya, kaya kailangan parehas na daw kaming happy.

Ewan ko ba kung ano na nangyayari sa buhay niya, hindi kasi siya madalas magkwento ngayon dahil busy siya sa ibang bagay kaya hinayaan ko na lang.

"Ms. Buenido can you help me? Pakidala naman yang mga test papers at isunod mo sa akin sa faculty" nakangiting sabi nito agad akong lumapit at kinuha ang test papers, katatapos lang kasi namin mag-exam.

Tapos si Ramiasen hindi nakakuha ng exam pati si Kenshin.

Ewan ko ba sa kanila, lagi silang busy..

Naglalakad ako nasa likod lang ako ng professor ko papunta kaming faculty, naiisip ko si Trace kanina pa. Tinawagan ko kasi siya nung lunch break hindi siya sumasagot kaya tingin ko busy parin siya ngayon.

Nang mailagay ko na ang mga test papers, nagsalita ulit ang professor ko.

"Carlyn can you check the papers? Kailangan ko na kasi masubmit ang grades niyo sa registrar office and I didn't finish it yet, because ilang araw akong wala" tanong nito sa akin. Nung kasing nakaraang araw wala ito dahil sa personal problems sa pamilya.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon