CHAPTER 30 PART 1

7.2K 145 5
                                    

Nanatili lang akong nakatayo, namamanhid ang katawan ko...
Ano bang nangyari? Alam ko ayos naman kami ah... Mabait si Trace nung huli naming pagkikita, sweet at malambing pati sa mga tawag niya pero bakit ngayon hindi ko nakikita ang Trace na yon... Ang nandito sa harapan ko ay isang arogante at walang pakialam sa ibang tao na Trace..

Ilang beses ko mang pilitin ang sarili ko na panaginip lang ito, na magigising din ako pero hindi dahil unti-unti ko ng nararamdaman ang sakit sa dibdib... Pakiramdam ko binaril ako ng maraming beses sa puso. Nanlalamig ako sa nakikita ko...
Sobrang sakit!

"A-ano to?..." Halos bulong ko na lang na nasabi.

"Do you like it? this is my surprise for you" tumayo ito at kumuha ng towel at ibinalot na sa bewang nito.

"T-Trace a-anong ibig sa-sabihin nito?..." Pumiyok na ako habang tinatanong ko siya. Nagsisimula na rin uminit ang sulok ng aking mga mata. Nagkibit-balikat lang ito at tumingala na parang nag-isip pa.

"We're having sex" sagot nito na para bang ang tanong ko lang ay kung anong oras na, simpleng sagot lang. Nakatitig ako sa mga mata niya. Hindi man lang ba niya naiisip ang nararamdaman ko.

Ewan ko pero ngumiti ako at tumawa nagsimula ng tumulo ang luha ko.

"Bini-biro mo b-ba ako?" Tanong ko. Para akong tanga natanong ko pa, halata naman na may ginawa sila pero hindi talaga matanggap ng isipan ko. Para bang pag tinanggap ko, pakiramdam ko mababaliw ako!

"Nope, this is not a joke this is real!" Sabi nito sa akin na tumawa pa ng mahina "ganun ka ba katanga para isiping biro ito? Nakikita mo na nga diba?" Sabi nito sa bawat binibitawan nitong salita unti unting namamatay ang puso ko. Nakatitig lang ako sa kanya at patuloy lang ang pag-agos ng luha ko.

"Hi-hindi totoo ito... Panaginip lang ito.." Pilit kong ipinapasok sa isip ko kahit mukha na akong tanga. Napatingin ako kay Mildred na nakangisi sa akin. Patuloy lang ako sa pag-iling.

"Do you think this is a dream?" He raised his brow "okay, ill proof you its not" at bago ko pa malaman ang gagawin niya hinila niya ako at inihagis sa kama. Ang bilis ng kilos nito I didn't realize that he is already on top of me. Im shock when he kiss me torridly. Im hurt not only physical but also emotional... Specially my heart....

Tinulak ko siya ng malakas at nakawala ako, tumayo ako at lumayo sa kama.

"Im think thats enough, ngayon alam mo ng hindi ito panaginip totoo ito" nakangising sabi nito habang pinupunasan ang gilid ng labi.

"Trace... Anong nangyari? A-akala ko ba... Maayos na tayo... Kahit hindi ko alam kung ano bang relasyon meron tayo... Nasaan na ang Trace na nakita ko? Na nakasama ko? At naramdaman kong importante ako sa kanya..." Sabi ko. Umiiyak ako ang sakit, sakit talaga, kahit anong hinga ko ng malalim ayaw lumuwag ng paghinga ko. Para bang may kung anong nakadagan sa puso ko.

"Ano bang sinasabi mo? Pampalipas oras lang kita. Pinaglaruan lang kita, masaya kasing paglaruan ang katulad mo. At talagang bumigay ka talaga sa akin huh! At nag-I love you pa" tapos tumawa ito na para bang isang biro ang sinasabi nito.

"T-trace bakit mo sinasabi yan?.."
"Dahil iyon ang totoo. Stop crying! Its so annoying! Hindi mo ba nagustuhan ang sorpresa ko?" Tanong pa nito sa akin. Hindi si Trace ito! Hindi si Trace to! Paulit-paulit kong sinasabi sa sarili ko.

"Trace ma-may gi-ginawa ba akong masama? May hi-hindi ka ba nagustuhan sa a-akin? Please T-trace... Please! Huwag kang magsalita ng ganyan." Napalakas na ang boses ko, basang basa narin ang pisngi ko ng mga luha. Nakakamatay ng puso ang bawat salitang naririnig ko...

"What? Totoo naman ah!? Im just playing with you, okay do you want to join us? Mas okay tatlo tayo come on!" Tapos tinap pa nito ang bed. Napayuko na ako dahil sa mga naririnig ko. Nakakabastos na ayain ka, tapos gusto niya kaming dalawa? Hindi ako baboy o aso para gawin yon.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon