CHAPTER 35 PART 1

8.3K 170 3
                                    

Araw ng graduation ko, alam kong hindi makakapunta si Ramiasen naiintindihan ko naman dahil pumunta ito sa ibang bansa at matatagalan ito doon kaya hindi ako humingi sa kanya noon ng tulong ng magkasakit si Travis dahil ayoko ng dumagdag sa problema nito. Si Kenshin ang pupunta at si Aling Siony kasama si Travis pero nagulat ako ng makita ko rin ang mama at papa ni Kenshin, nakilala ko sila nung minsang isinama ako ni Kenshin sa bahay nila dito sa Davao dito talaga sila nakatira, sobrang nahihiya ako ng pumunta ako sa kanila at sa bawat sulok ng bahay makikita mo kung gaano sila kayaman. Mula sa mamahaling painting, base, at mga gamit na galing pa sa ibang bansa at malaking bahay at napakagandang chandelier nakikita sa bawat sulok ang marangya nilang pamumuhay.

Nagulat ako ng makita ko ang mama niya, siya yung nakabangga ko dati sa ground floor ng condo ni Trace.

Nang makita niya ako at ipinakilala ni Kenshin, niyakap niya ako ng mahigpit parang ayaw niya akong pakawalan hanggang sa makilala ko rin ang papa ni Kenshin. Si Flora Dexcilier at si Eduardo Dexcilier ang mga magulang ni Kenshin. Sobrang asikaso at mabait sila sa akin kaya minsan nadadalas ang punta ko sa kanila dahil lagi akong hinahanap ng mag-asawa.

"Im so proud of you iha, graduate ka na." Sabi ni Eduardo.

"Congratulations Carlyn" sabi naman ni Flora at niyakap ako. Binati nila akong lahat, namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako.

Sa wakas nakapagtapos na ako ito yung matagal ko nang pangarap... Pangarap namin ng nanay ko... Akala ko.. Hindi na mangyayari ito dahil sa dami ng naging problema at pagsubok na pinagdaanan ko... Sa lahat ng sakit na nangyari sa akin... sa lahat ng tao na pilit akong ibinagsak... Sa lahat ng tao na humusga sa akin at sinaktan ako... Lalong lalo na si Trace... Sa kanya ako pinakanasaktan ng labis...

Ito ako ngayon may Diploma may titulo ng ipagmamalaki lahat ng sinabi nila sa akin.. Lahat iyon pinatunayan kong hindi totoo...

Napapikit ako.

Nay ito na yung pangarap natin... Ngayon nasa kamay ko na...

Napatingala ako sa langit at ngumiti...

Mahal kita nay...

_________________

Nagsimula akong magtrabaho sa isang kompanya. Pero naisipan ko rin magtayo ng business. Gusto kong magtayo ng restaurant sa Davao. Ngunit kailangan ko ng sapat na halaga para magawa iyon kaya naghanap ako ng mag-iinvest at magiging partner ko.

Hanggang sa sinabi ni Kenshin na interesado siya kaya naging partner ko siya. Hindi ko akalain na magiging successful ang business ko na Italian restaurant, kaya yung dating isa naging dalawa, hanggang sa maging tatlo, apat, lima, hanggang sa magkaroon kami ng 7 branches sa ibat ibang lugar sa loob ng 2 taon. Hanggang sa isang araw inanyayahan ako ni Kenshin sa bahay nila dahil may salo-salo raw. Nandito ako sa kotse niya. Sinundo niya ako sa restaurant. Nung una nagulat ako pero sinabi niya mayroon daw okasyon kaya sumama ako.

"Kenshin anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"Its my sister birthday.." Sagot nito sa akin habang nakatingin sa kalsada, sinulyapan ako nito at nginitian parang may kung anong kislap sa mata nito. Napakunot ang noo ko at tumingin na lang sa kalsada. Hindi ko yata alam na may kapatid siya?

Nang makarating kami sa bahay. Bumaba kami sa kotse at inalalayan ako nito pababa. Pagpasok namin ang daming tao 6:00pm na ng mga oras na iyon at halatang nangaling sila sa mayamang pamilya.

"Carlyn Im so happy na nakarating ka" sabi sa akin ni Flora at niyakap ako.

"Opo... Sinundo po ako ni Kenshin" sabi ko tumingin ako sa paligid bago magsalita uli. "Where is the birthday celebrant po tita I want to greet her and sorry po I didn't know na birthday po pala ng anak niyong babae hindi man lang ako nakabili ng gift, ahm, hindi ko po alam na may anak kayong babae.." Sabi ko. Ngumiti ito sa akin ng matamis.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon