CHAPTER 19 PART 1

7.7K 146 0
                                    

Nag jeep na ako papunta uli sa mall, whole day ako dun pag sabado at linggo 8:00pm ang out ko, nakakahiya naman sa supervisor namin nagpaalam na ako sa kanya nung nakaraan nung pumunta ako sa bahay ng pamilya ni Trace.

Tapos ngayon hinimatay pa ako kaya di ko natapos ang trabaho ko, kaya ngayon babalik ako hihingi ako ng dispensa, mabait nga ang supervisor namin pero ayokong abusuhin yon.

Nang malapit na ako sa mall bumaba na ako sa jeep at naglakad papasok, pumunta ako sa supermarket, nakita ko yung supervisor na may kausap na tauhan din sa supermarket, napalingon siya sa akin at napangiti. Lumapit ako sa kanya.

"Sir pasensya na po sa nangyari po kanina, pero papasok po ako ngayon" sabi ko.

"Huwag na magpahinga ka na lang, kamusta na kalagayan mo?" sabi nito.

"A-ayos naman po, pero sir gusto ko pong pumasok nakakahiya na po sa inyo dalawang araw po akong hindi pumasok nung isang linggo." Sabi ko.

"No need at may order na sa amin na pag bumalik ka dito, huwag ka munang papasukin at pagpahingahin ka na lang.." Sabi nito habang nakangiti. Nagtaka naman ako, may utos sa kanila na papauwiin na lang ako? Sinong nagsabi?

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Nagugulumihanan kong tanong.

"Si sir Trace ang nagsabi sa amin na pagpahingahin ka na lang, magkakilala pala kayo." Sabi nito sa akin.

"A-ano po s-si Trace po!" Tumaas tuloy ang boses ko sa pagkagulat. Si Trace ang nag-utos sa kanila? Pero bakit?

"Yes, buti na lang at nanduon sa likod mo si sir nung nawalan ka ng malay, siya din ang nagbuhat sayo papunta sa kotse niya, he said that may utang na loob siya sayo." Kwento niya sa akin, pero sa kaalamang iyon natuwa ako.

"Siya po ba ang may-ari nang mall na to?" Tanong ko sa supervisor dahil kilala pala nito si Trace at sumusunod pa sa utos nito, kaya nacurious ako kung ano ba ang posisyon ni Trace sa mall na ito.

"No, pagmamay-ari ito ng mga magulang ni sir Liro , pinsan siya ni sir Trace." Sabi nito sa akin. Kaya pala madali lang kay Trace na utusan ang mga tao dito.

"Kaya umuwi ka na magpahinga ka na lang ha. Get well soon." Nakangiting sabi nito. At nagpasalamat na lang ako at lumabas na.

Napangiti ako habang naglalakad dahil sa ginawa ni Trace kahit ginawa lang niya yon dahil sa utang na loob, sobrang saya ko parin...

_______________________________________

Nandito na lang ako sa bahay namin at nagpapahinga, kasi nahihilo na naman ako kaya humiga muna ako, yakap yakap ko yung unan na may damit ni Trace, hanggang ngayon naiisip ko pa siya, para akong teenager na kinikilig sa crush.

Pero nawala ang ngiti ko ng maalala kong nagalit nga pala sa akin si Trace kanina, ako naman kasi napaka pakielamera ko yan tuloy nagalit siya sa akin, sayang....kahit di siya ngumiti sa akin kanina masaya parin ako dahil maganda ang trato niya sa akin yun nga lang nagsungit uli siya sa akin.

"Anak ano nahihilo ka pa ba?" Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita ang nanay ko. Tumingin ako sa kanya at bumangon.

"Hindi po nay, ayos na po ang pakiramdam ko, anemic po kasi ako kaya ganun." Sabi ko sa kanya, nakikita ko kasing nag-aalala ito sa akin.

"Gusto mo bang kumain? Ipaghahain kita...? " tanong uli sa akin.

"Huwag na po nay, kayo po gusto niyo po bang kumain?" Tanong ko.

"Huwag na anak, tanong ko lang saan mo nakuha yang polo na yan, napansin ko lang kasi..at bakit mo ginawang punda " Tanong nito sa akin ni nanay. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko, bakit nga ba?

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon