CHAPTER 21 PART 2

7.3K 166 3
                                    

TRACE POV:

Nandito ako ngayon sa sofa hindi man lang ako makatulog ng maayos.

Hindi ako sanay, hindi ko malaman kung anong pwesto ang gagawin ko.

Nakatulog naman ako kaya lang wala pang isang oras. Nagising ako ng maaga 6:00am pa lang ng umaga.

Bumangon ako at naupo na lang nakatingin ako sa pinto ng kwarto ko.

Kagabi lumabas ako ng kwarto ko dahil hindi ako makatulog dahil sa kanya at nung nakita ko siya na yakap ang mga binti habang tulog.

Hindi na ako nagdalawang isip at binuhat siya at inilipat sa kama ko, ako naman ay dun na lang sa sofa na tinulugan niya.

Kamusta na kaya siya? Kagabi nung makita kong sinampal siya ng isa sa mga nakasuntukan ko nakaramdam ako ng galit.

Lalo na ng makita kong dumugo ang sulok ng labi niya. Bigla na lang nagdilim ang paningin ko. Hindi ko na lang namalayan na halos patayin ko na ang lalaking yun.

Hanggang sa maramdaman kong pinigilan niya ako.

Pero binigyan ko pa ulit ng isang tadyak yung lalaki sa sobrang galit ko. I don't know why? Pero nakakaramdam ako ng pag-aalala sa kanya.

Pero dati naman wala akong pakialam sa kanya kahit anong gawin niya kahit umiyak pa siya pero ngayon hindi ko na rin alam kung anong nangyayari sa akin.

Hanggang sa mamalayan ko na lang na nagsisimula na akong mag-alala sa kanya...

Katulad kagabi ng ginagamot niya ang sugat ko at nakatingin ako sa kanya, hindi ko napigilan ang sarili ko na hawakan ang labi niya at gamutin.

Natulala ako ng magkatitigan kami, habang tinitingnan ko ang mga mata niya na napakainosente na madaling hulaan ang bawat emotion parang may kung anong damdamin ang nabubuhay sa akin..

Umiwas na lang ako ng tingin dahil ayoko ng nararamdaman ko. Ano bang nangyayari sa akin?

Ni wala nga siya sa kalingkingan ng mga babaeng nakakarelasyon ko. Pero nakukuha niya ang atensyon ko... Napag-iisip niya ako sa bawat bagay na ginagawa niya...

Hindi nga kaya siya katulad ng ibang babae?

Tumayo ako at lumapit sa may pinto ng kwarto ko.
Gising na kaya siya? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Gusto kong matawa sa itsura niya, pagulong gulong ito sa kama, napapangiti na lang ako sa nakikita ko lalo na ng kunin niya ang unan ko at singhutin.

Ang weird? Alam kong may gusto siya sa akin, madali lang naman siya mabasa eh, masyado kasing expressive ang mukha niya kahit minsan parang pilit niyang itinatago yon.

Pinagmamasdan ko lang siya nakangiti parin ako, inayos ko ang sarili ko at pinaseryoso ang mukha ko at tumikhim ako.

Nagulat pa siya ng makita ako. Tinanong ko na siya kung anong ginagawa niya.

Sa bawat sagot niya halatang nagsisinungaling eh, tapos ang pula ng mukha siguro sa kahihiyan.

Tinigilan ko na siya dahil alam kong natetense ito sa bawat tanong ko. Paalis na ako ng maalala ko yung kama.

Ang gulo kasi, kaya humarap ulit ako nakita ko pa siyang nagbuntong hininga.

"And one more thing, pagkatapos mong magpagulong gulong sa kama ko, ayusin mo yan. Bibisita si Micah baka akalain niya kung anong ginawa natin dahil magulo ang kama." Sabi ko at tumalikod na, napangiti ako dahil sa itsura niya para siyang bata na nahuli ng magulang na gumagawa ng kalokohan.

Paglabas ko umiling iling ako. Isa pa ito sa pinagtataka ko sa sarili ko. Nagiging masaya ako pag nandyan siya kahit hindi ko ipahalata, napapangiti na lang ako.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon