CHAPTER 37 PART 1

8.1K 178 0
                                    

Nang makalabas si Trace sa store saka lang ako nakahinga ng maluwag ng masiguro kong wala na siya saka ko nilapitan si Travis at inaya ko na siyang lumabas.

"Mommy Im hungry na.." Sabi ni Travis habang naglalakad.

"Okay baby where do you want to eat?" Tanong ko sa anak ko.

"Hmm.. Anywhere mom basta may spaghetti at burger!" Masiglang sagot nito. Tapos ay dinala ko siya sa jollibee.

Pumila na ako at bumili na ng pag-kain namin. Pagkatapos ay bumalik na ako sa table ko. Nakita ko si Travis na hawak ang action figure na binigay sa kanya ni Trace dahil sa pagkatalo sa pustahan.

"Mom nakita mo ba ako kanina when I talk to someone?" Tanong sa akin ng anak ko. Namutla ako ng maalala ko si Trace.

"N-no b-busy ako sa pagtingin ng ibang items sa store." Kinakabahan kong sagot. Biglang ngumiti ang anak ko.

"Ma I get this action figure because of bet sa isang lalaki and Im really having fun while talking to him and mom naglaro kami ng jack n poy para dito dahil nasa kanya na itong action figure na ito, and because I really like this sabi ko kung sino manalo sa amin sa kanya mapupunta ito and then I won this!" Proud na kwento ng anak ko. Ako naman ay kinakabahan...

"Ganun ba anak, s-sige kain ka na" pag-iiba ko ng usapan ayokong mapag-usapan si Trace. Naiisip ko..ano kaya magiging reaction ni Travis sa oras na malaman niya na si Trace ang kanyang ama at ganun din ang huli...

"Tita!" Narinig kong sabi ni Travis habang nakatingin sa likuran ko, napalingon ako at nakita ko si Ramiasen at ang anak nitong si Lance. Nagulat din si Ramiasen ng makita ako tapos ay ngumiti at lumapit sa pwesto namin.

"Oh, hi! Car! Nandito ka pala!" Masiglang sabi ni Ramiasen.

"Hello tita!" Bati sa akin ni Lance.

"Lance come here! I'll show you my latest action figure of spiderman" tawag dito ni Travis agad namang lumapit si Lance at naupo sa tabi nito. Naupo naman si Ramiasen sa tabi ko.

"Ang gwapo naman ng inaanak ko!" Sabi ni Ram at pinisil ang pisngi ng anak ko. Napangiti si Travis.

"Tita your beautiful like mom" sabi ni Travis ganun din ang sinabi ni Lance noon sa akin.

"Aww... Hindi talaga nagsisinungaling ang bata.." Sabi ni Ram. Napangiti na lang ako. Tapos ilang sandali pa ay kumain na kami. Pagkatapos ay napagdesisyunan namin ni Ram na sa condo muna niya kami, dahil gusto pang maglaro ng mga bata.

Habang nasa condo kami nasa sala ang mga bata at niyaya ako ni Ram na pumunta ng kusina. Tingin ko may sasabihin ito sa akin. Kaya sumunod ako ng nandun na kami ay humarap si Ramiasen sa akin.

Mukha itong nababagabag.

"Best muntikan na niya kaming makita ni Lance at tingin ko malapit na niya kaming matagpuan... Please tulungan mo ko makahanap ng bagong condo o kahit saan pwede basta yung hindi niya kami makikita.." Halata sa itsura nito ang pag-aalala at naiintindihan ko siya dahil nasa parehas kaming sitwasyon...

"Maganda siguro kung sasabihin mo na sa magulang mo na nandito ka na sa bansa... They were looking for you." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko kaya Car... Nahihiya ako sa kanila at ayokong idamay sila sa problema ko..." Sabi ni Ramiasen.

"Pero Ram naisip mo ba sa pagtatago mo hindi sila nag-aalala sayo? Ram nasasaktan sila at nahihirapan.. At mas lalo mo lang sila pahihirapan kung hindi ka pa magpapakita.. Bukod sa kaibigan, ang magulang ang unang nakakaunawa at unang tutulong sa atin.. Kapag nahihirapan ang anak nila mas doble ang nararamdaman nila, Im think its about time para magpakita ka sa kanila limang taon ka rin nagtago..." Sabi ko. Natahimik si Ram at nag-isip tapos ay tumingin sa akin..

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon