CHAPTER 19 PART 2

7.6K 142 0
                                    

Habang ginagawa niya iyon sa daliri ko nakatitig lang ako sa kanya, ang lapit niya sa akin.

Tumatama sa mukha ko ang hininga niya...ang bango...amoy menthol...

Alam ko sa posisyon namin ngayon pulang pula ang mukha ko at tingin ko napansin na kanina pa iyon ni Trace pero parang wala lang dito.

Pinagmamasdan ko lang siya ng bigla siyang tumingin sa akin, nagtama ang mga mata namin, nag-iwas ako ng tingin. Maya-maya inalis na nito ang daliri ko sa bibig niya at tiningnan.

"Hindi na dumudugo yan, kunin ko lang yung first aid kit" sabi nito. Tumayo ito at may kinuha sa cabinet.

Naglakad ito papunta sa sofa at naupo. Ako naman sa dating pwesto ko pa rin. Tumingin siya sa akin. Nakakunot ang noo nito.

"What are you waiting for? Come here, you look liked a frog there." Sabi nito sa akin. Tumayo ako. Pero hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko.

Naiinis na ito sa akin. Hindi kasi ako maka get over kanina kasi kahit sinabihan pa niya ako ng masakit, tinulungan din naman niya ako, nakakagulat lang talaga.

Dahil masasabi kong mabait siya ngayon.

"Tsk! Damn! What now? Tatayo ka na lang dyan? Gusto mo ako pa lumapit!" Sigaw nito sa akin. Lumapit ako agad, kahit medyo nag-atubili akong maupo sa tabi niya, pero naupo pa rin ako.

Kinuha niya ang kamay kong may sugat tapos ipinatong muna sa hita niya at binuksan ang first aid kit, kinuha niya ulit ang kamay ko at nilagyan ng gamot.

Nakatingin naman ako sa kamay niya. Grabe! Ang lambot parang kamay ng babae! Tapos ang laki ng palad niya sakop na niya yung kamay ko.

Para lang kamay ng bata ang kamay ko.

Ano kaya kung sakaling kami talaga...gusto ko, kasing tangkad niya magiging anak namin... Tapos sana kamukha niya. Habang naiisip ko yon nakikita ko ang sarili ko kasama siya habang nagpipiknik kami tapos yung mga anak namin, nilalambing kami.

Tapos naglalakad kami sa isang garden tapos nakayakap yung braso niya sa akin at.....

"Hey! Wake up!" Ang sigaw nito ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Nakatingin ako sa kanya, nakasimangot na ito.

Ano ba yan!? Ang layo ng narating ng kaisipan ko, samantalang ginamot lang niya ang sugat ko!

"What are you thinking? Kanina ka pa nakangiti dyan! Mukha kang baliw!" Sita nito sa akin. Nakakahiya nahuli pala niya akong nagde-daydreaming.

"S-sorry" sabi ko.

"Can you let go of my hands now?" Sabi nito sa akin. Aba siya ang may hawak ng kamay ko ah!

"Diba ikaw ang may hawak ng kamay ko..." Sabi ko. Ngumisi ito tapos ikiniling ang ulo sa ibang direksyon tapos tumingin uli sa akin ng nakasimangot. Hindi ito sumagot. Bagkus ay itinaas nito ang kamay naming magkahugpong.

Binuksan nito ang palad. Tapos ang kamay ko na lang ang nakakapit sa kamay niya.

"Ngayon sino ang nakahawak sa ating dalawa?"

Napabitaw ako bigla, ako pala talaga ang nakahawak sa kanya hindi ko na siguro namalayan kakaisip ng ibang bagay.

"Pasensya na." Nakayuko kong sabi.

"Maglinis ka na baka mabubog pa ako." Sabi lang nito at tumayo na ako. Tumingin ako sa kanya. Kinuha nito ang remote ng t.v at nanuod habang nakapatong ang paa sa center table.

Dinampot ko uli yung mga basag na bagay ng biglang may nag-doorbel lalapit na sana ako para buksan pero inunahan ako ni Trace at siya ang nagbukas.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon