Chapter 48 Part 3

8.8K 164 5
                                    


Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko at tinawagan si Ram. Unang ring pa lang ay sinagot na niya ito.

"Hello girl! Nasaan ka!? Kinabahan ako dun ha!?" Bungad ni Ram sa akin.

"Nasaan si Travis?" Tanong ko.

"Ito nandito kami sa bench!" Sabi nito.

"Salamat Ram hah... Pero pwede ba ialis mo na si Travis dito, magkita na lang tayo sa Tierra restaurant." Sabi ko dahil baka nandito pa si Trace at makitang kasama ko si Travis.

"Sige ako ng bahala" sagot nito. Nagpaalam na ako at umalis sa store. Patingin-tingin ako sa paligid dahil baka nandito pa si Trace. Nang makarating ako sa kotse ko ay in-start ko ito agad at pumunta na sa restaurant kung saan kami magkikita.

Nang makarating ako sa restaurant at makita ako ni Travis agad ako nitong nginitian at nilapitan.

"Mommy, ang tagal mo kanina? I was looking for you?" Sabi nito sa akin pero hindi naman ito mukhang nagtatampo.

"Sorry" maikling sagot ko.

"Its okay mom!" Tapos ay naupo na kami.

Buti na lang may place sa restaurant kung saan pwedeng maglaro ang mga bata kaya pinaglaro muna namin si Lance at Travis doon.

"Car, alam mo ba kung gaano magkasundo ang mag-ama mo kanina." Si Ram.

"Oo..nga eh, kinakabahan tuloy ako.. Buti na lang dumating ka, kung hindi baka nalaman na niya.." Sagot ko pero kinakabahan parin ako. Pero alam ko nagiging selfish ako sa anak ko, kahit hindi niya sabihin alam ko, gusto rin niya magkaroon ng ama, natatakot nga lang siya na baka mapunta ako sa maling lalaki at saktan lang... "Bakit ganon Ram, ayaw ko lang mawala sa akin ang anak ko kaya hindi ko pinapaalam kay Trace pero parang hindi ako masaya..." Nakayuko kong sabi.

"Alam mo kasi Car ang taong may-----" hindi na nito natapos ang sasabihin ng marinig kong tinawag ako ng anak ko. Napalingon ako sa direksyon niya. Tumatakbo ito palapit sa akin.

Bigla akong napatayo ng makita kong nadapa na si Travis dahil may lalaking bumangga rito. Hindi man lang nito nilingon ang anak ko. Lumapit ako agad sa pwesto niya at itinayo siya.

"Anak anong masakit sayo ha? Sabihin mo?" Nag-aalang tanong ko.

"Ma, I'm fine, don't worry" nakangiting sagot nito. Nilingon ko yung bumangga sa anak ko pero nakalabas na ito ng restaurant. Napailing na lang ako. Nagtagal pa kami ng ilang sandali pagkatapos ay napagdesisyunan na naming umalis. Pumunta muna ako sa restroom, si Ram ay hinintay na lang ako kasama ang mga bata.

Palabas na ako ng biglang tumunog ang phone ko agad ko itong kinuha sa pouch ko.

"Oh, Ram bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"He's here!" Impit na sabi nito.

"Who?"

"Trace is here!"

"What!? Nakita ba niya kayo? Nakita ba siya ni Travis?" Natataranta kong tanong.

"Hindi girl hindi niya kami napansin, nilagpasan niya kami ang problema ikaw! Dadaan ka pa sa pwesto niya bago ka pa makapunta sa amin!"

"What!?"bulalas ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita muli, kailangan relax lang ako.

"Okay, ganto na lang, mauna na kayo, ihatid mo na lang si Travis sa amin, huwag kang mag-alala wala doon si Kenshin nasa office. Tutal hindi naman niya kayo nakita, kaya ko na to. Mauna na kayo." Sabi ko.

"Okay, ingat Car." Nagpaalam na ito. Ako naman huminga ng malalim bago lumabas ng restroom.

Nang lumiko ako agad kong nakita si Trace na may kausap na isang matandang lalaki. Ewan, siguro naramdaman nito ang presensya ko agad itong lumingon sa akin. Napaawang ang labi ko at natigilan ako, iba talaga ang epekto ni Trace sa akin, lagi na lang akong nagma-malfunction sa tuwing tinititigan niya ako. Naglakad ako ng nakayuko ng mabangga ako. Napatingala ako sa taong nakaharang sa harapan ko.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon