CHAPTER 8

8.4K 164 0
                                    

CARLYN POV:

Uwian na namin pero kailangan ko pang maglinis nagpaalam na ako kay Ramiasen at kay Kenshin, sa amin siya sumasama tuwing break time.

Mabait si Kenshin sa akin pero kay Ramiasen medyo suplado, siguro naasar sa kaibigan ko kasi madaldal talaga kasi iyon eh.

Naalala ko tuloy yung usapan nila kanina sa parking lot habang nagpapaalam kami sa isat-isa.

"Kenshin pwede mo ba ako ihatid?"tanong ni Ramiasen

"I dont want. Diba may sundo ka?" nakasimangot na sagot ni Kenshin

"Hindi daw ako masusundo eh...nasiraan daw..." nakapout na sabi ni Ramiasen.

"Then use a cab a taxi, jeep, truck anything wag lang sa akin"

"Hindi pwede kasi baka ma-rape ako kawawa naman ako...ang ganda ko pa naman tapos ang bata ko pa...isama mo na ako sa inyo..." sabi nito na nagpapaawa pinanonood ko lang silang dalawa. Maluha-luha pa si Ramiasen.

"WHAT! SA AMIN!?" napasigaw na tanong nito

"A-eh I mean isama mo na ako sa kotse mo at ihatid mo na ako sa amin please..." hinila hila ni Ramiasen ang manggas ng damit nito ng medyo malakas.

"Sh*t! FINE!!! Huwag mo hilahin ang damit ko mapupunit!" sigaw nito kay Ramiasen.

Pero parang wala lang kay Ramiasen nakangiti pa nga ito at halatang masaya.

"Talaga ang sweet mo naman sa akin nag-abala ka pa..."

"What! pinilit mo kaya akong ihatid ka!" nabubugnot na sagot nito lumapit sa akin si Ramiasen

"Oo na.. oo na.. sige na nga...wait lang ha..Girl alis na kami ha ingat ka" sabi niya sa akin sabay yakap.

"Ramiasen anong sinasabi mong hindi ka masusundo? andyan si Mang Jerry eh" bulong ko. Si Mang Jerry ang driver nito.

"Im just kidding, gusto ko kasi sumabay kay Kenshin para malaman niya kung saan ang bahay namin para alam niya kung saan siya aakyat ng ligaw.. tingin ko nahihiya siya sa akin kaya ako na ang nag-initiate.." bulong nito sa akin. Parang hindi naman nahihiya si Kenshin para pa ngang naiinis kay Ramiasen pero parang hindi iyon napapansin ng kaibigan ko. Nagpaalam na sila ng tuluyan at umalis at ako naman sinimulan ko na ang trabaho ko.


Natapos ako ng paglilinis ng 8:00pm hinahanda ko na ang mga gamit kong panglinis para itabi naglalakad na ako sa hallway at liliko na ng may narinig akong nag-uusap.

"Damn! I never thought na makakabalik pa ang pangit na yon! tsk!" narinig kong sabi ng isang babae sumilip ako.

Nakita ko si Mildred na nakatayo at kasama yung isa naming kaklase. Late na rin pala ito hanggang ngayon nasa school pa.

"Hindi ba ang plano mo ay ipagkalat lang na may nangyari sa inyo ni Trace para maghiwalay sila ni Casey?" tanong ni Kaila.

"Yeah..thats one of the reason but plano ko rin talaga iyon para maalis din yung janitress na yan! Gosh ayoko sa kanya umpisa pa lang, she's poor at sa maduming lugar nakatira, mamaya nyan may dalang sakit yan diba!? Duh! eeeww kinikilabutan ako tuwing nakikita ko siya" sagot nito na nakasimangot, siya pala ang nagkalat ng lahat kaya nangyari sa akin ang lahat ng iyon.

"Whats her name?" si Kaila

"Who?"

"The janitress classmate natin siya but I dont know her name, sabagay wala kasi akong interes sa kanya kaya hindi ko matandaan ang pangalan niya" sabi ni Kaila

"Me too.. I dont have interest sa janitress na yun kaya hindi ko rin alam ang name niya, siguro cheap din tulad niya" sabi ni Mildred at nagtawanan ang dalawa.

Nakadama ako ng galit huminga ako ng ilang beses para kalmahin ang sarili ko. Narinig ko ang mga yabag nila na papalapit na sa akin.

Nagtago ako sa isang room at hinintay silang makalagpas ng marinig kong tahimik na lumabas na ako.

Galit ako oo kanina pero ngayon medyo nabawasan ang galit ko kung iisipin napaalis nga ako pero nakabalik naman kaya hindi ko na kailangang kasuklaman pa siya hindi naman siya nagtagumpay, kung sa ibang tao malamang sinaktan na si Mildred pero iba ako mahirap man ako alam ko ang ibig sabihin ng pagpapakumbaba at kagandahang asal iyon ang maipagmamalaki ko kahit isa akong mahirap. Marunong akong magpahalaga at magpatawad.

Pero naisip ko sasabihin ko ba kay Trace? pag sinabi ko malamang pahirapan niya si Mildred lalaki lang ang gulo... nakasira pa ako ng buhay ng tao...oo sabihin nating masama siya pero may tinatawag na karma naniniwala ako doon kahit karamihan ng tao hindi.

Naniniwala akong diyos na ang bahala sa lahat. Katulad ngayon akala ko hindi na ako makakabalik pero nakapag-aral uli ako.

May plano talaga ang diyos. Sa lahat ng pangyayari may dahilan kailangan mo lang magtiwala.

Umalis na ako at nagdesisyong huwag ng sabihin kay Trace ang nalaman. Nang maitabi ko na ang mga panglinis umalis na ako at handa ng pumasok sa bar na pinapasukan ko. ________________________________________________________________

Naglalakad na ako ng may may biglang tumawag sa akin. "Janitress!!!" sigaw sa akin. Boses pa lang kilala ko na.


Si Trace talaga janitress ang tawag sa akin...sabagay janitress naman talaga ako pero may pangalan ako hindi man lang ito nag-abalang alamin ang pangalan ko. Sabagay ano bang inaasahan ko? Sino ba ako?

Isa lang naman akong commoner sa school na ito hindi rin nga alam ng mga classmate ko ang pangalan ko eh!

Tapos si Trace pa kaya? kilala nila ako bilang commoner,janitress,beggar,stupid,ugly yan...yan yung pet name nila sa akin pag pinag-uusapan ako minsan at binanggit na ang isa sa tawag na yan. Duon lang nila ako nakikilala.

Lumapit ako sa kanya nakasimangot lang ito sa akin. Pumasok ito sa kotse nito.

"Sakay.." sabi nito sa akin.

Magpro-protesta sana ako dahil may pasok pa ako baka malate na naman ako talagang tatanggalin na ako sa trabaho.

"Pero may....." di ko na natapos sasabihin ko.

"F*ck! I said sumakay ka bingi ka ba?!" sigaw nito sa akin.

Kita ko sa mata nito ang galit. Natakot ako kaya sumakay agad ako mamaya iexpelled na naman ako sa school dahil sa pagrereklamo ko pero paano ang trabaho ko?

Tumingin ako sa kanya nakatingin lang ito sa kalsada ang bilis nito magpatakbo kung ibang tao siguro kasama ko matatakot ako sa pagiging kaskasero niya.

Pero dahil ito ang kasama ko...hindi ko alam pero panatag ang loob ko.. kahit parang siya ang magiging dahilan ng maaga kong kamatayan dahil sa pinag-gagagawa nito...

Kahit kinakabahan ako dahil baka sigawan na naman niya ako sinubukan kong magsalita.

Kailangan kong makapasok sa trabaho ayokong matanggal ako kung hindi malaking problema yon. Lumunok muna ako at huminga ng malalim bago magsalita.

"T-Trace pwede ba i-ibaba mo na ako kasi may pasok pa ako...b-baka matanggal ako sa trabaho..." Mahina kong sabi pero sapat para marinig niya.

"Dont think of that binayaran ko na ang manager mo I told her na i-ta-take-out kita, kaya bayad ka na... kaya ngayon sa akin ka sasama" sabi ni Trace habang nakatingin sa daan.

Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat naka take-out ako! Ano yon parang pagkain! Dine-in at Take-out!

Ano ba yang manager ko lagi na lang akong binebenta!At naka take out pa! Ayoko! oo nga binigyan niya ako ng porsyento nung pumunta si Trace sa bar.

Pero hindi ibig sabihin nun lagi niya akong ibebenta!.

Nung gabi nga na pumunta sa bar si Trace maraming nainggit sa aking G.R.O yung iba tinukso ako, yung iba nainis sa akin at sinabihan ako ng mga bagay na hindi maganda sa pandinig pero ngayon malamang pagpasok ko sa bar ibat-ibang komento na naman maririnig ko...

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon