CHAPTER 40 part 1

8.2K 146 2
                                    

TRACE POV:

Nagmamadali akong nag-ayos ng nectie bago lumabas sa kwarto may appointment ako uli kay Carlyn mamayang hapon.

Habang nasa bar ako nung isang linggo matapos nung insidenteng nalaman ko ang katotohanan. Napag-isip isip ko na pabayaan muna siya ng isang linggo dahil magkikita naman kami pagkatapos, hinayaan ko munang lumipas ang galit niya sa akin. Baka kasi hindi niya ako harapin matapos ng ginawa ko sa kanya.

Pero sa bawat araw na lumipas hirap na hirap ako sa pagtitimpi sa sarili ko na huwag siyang puntahan at kausapin dahil sa bawat minuto na dumadaan siya ang nasa isipan ko at ang mga luha niya nung huli naming pagkikita... Tuwing sumasagi iyon sa isip ko, ngayon ko narealize na naging masama ako sa kanya... Naging masama ako sa babaeng walang ginawa kundi mahalin ako ng sobra ng higit pa sa inaasahan ko... Eh ako anong ginawa ko? Puro pasakit at paghihirap lang ang tanging naibigay ko sa kanya...

Kaya sa oras na maayos ito hinding hindi ko na siya pakakawalan...

Bumaba na ako at dumiretso sa kotse ko. Hindi na ako nagbreakfast ,Im feel nervous just the thought that we will see each other again, Im also planning what I am going to do sa pagkikita namin, I really miss her eventhough one week pa lang nakakalipas, para tuloy akong teenager na bago pa lang aakyat ng ligaw which is I never did in my whole life! Sanay ako na babae ang gumagawa ng move para mapansin ko, but now... I will be the one to do the first move to make Carlyn mine.

Nang makarating ako sa office ginawa ko na ang mga paper works panay ang tingin ko sa orasan, gusto kong hilahin ang oras para makita ko na siya, dumating na rin ang mga inorder kong roses, lagi ko itong sinusulyapan sana tanggapin niya..

Nang dumaan ang ilang oras sa wakas 1:00pm na magkikita na kami uli inayos ko na ang table ko at kinuha agad ang bulaklak at lumabas ng office, nagbilin muna ako sa secretary ko bago umalis ng marating ko ang restaurant kung saan kami muli magkikita pumasok na ako at hinanap. Secretary lang ni Carlyn ang nakausap ko nung nakaraan ng nagpaschedule ako.

Dumaan ang sampung minuto wala pa rin siya.

Siguro natraffic lang. Hanggang maging 20minutes na siyang late. Kinakabahan ako baka kung ano na ang nangyari sa kanya, nagiging paranoid ako sa kakaisip kung bakit wala parin siya.

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa tatawag na sana ako muli ng maramdaman kong may tao sa harapan ko. Umangat ako ng tingin habang may ngiti sa mga labi.

"Hi! Ca---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil hindi si Carlyn ang nasa harapan ko kungdi si ang kapatid niyang si Kenshin. Ewan ko kung naitago ko ang disappointment ko sa mukha ko ng makita kong Hindi siya ang taong inaasahan ko.

"Good afternoon Mr. Winchester sorry Im late there's a bump to bump traffic may nangyari kasing aksidente kaya ang tindi ng traffic" matapos nitong makipagkamay sa akin ay naupo na ito sa harap ko. Pang-asar naman! Bakit siya ang nasa harapan ko! Nasaan si Carlyn!? Siya dapat ang kameeting ko! "So Mr. Winchester can we start? Parang may hinihintay ka yata." Nakangiting sabi nito.

"I thought I'll meet miss Zhane, siya ang kausap ko ng nakaraan" sabi ko.

"Yes my sister pero nasa bakasyon siya ngayon she needs rest she is workaholic ilang buwan na rin siyang walang pahinga kaya I suggest to her have a vacation." Sagot nito sa akin pero nakikita ko na nagtataka ito kung bakit ako nagtatanong parang binabasa nito ang iniisip ko. Sumeryoso ako, i dont care! Ano man ang isipin niya.

"Where is she?" Tanong ko. Kumunot ang noo nito.

"As I know we are here because of business and not my sisters whereabouts and its too personal kung tatanungin mo pa kung nasaan siya." Seryoso na ang mukha nito wala na ang mga ngiti nito. Napangisi ako. Matapang din pala ang kapatid ni Carlyn.

Nakipagsukatan ako ng tingin. Mukhang may ibubuga naman ito sa suntukan kung sakali, dahil sa ngayon gusto kong manapak sa sobrang disappointment.

I heard that Kenshin is a taekwondo blackbelter but its doesnt scare me a bit, Im also a blackbelter too!

"So Mr. Can we start on this important matter?" Tanong nito sa akin, wala akong pakielam sa business mas importante si Carlyn kaysa dyan at Hindi naman ako maghihirap kapag hindi ako nag invest at tingin ko ganun din ang mga Dexcilier. But I decided to talk about business ayokong makaaway ang kapatid ni Carlyn baka lalo lang siyang magalit sa akin. Lumipas ang isang oras na pag-uusap namin. Gusto ko ng matapos ito at hanapin si Carlyn.

"Okay Mr. Winchester so we have a deal" sabi sa akin ni Kenshin tumayo na ito para umalis at nakipagkamay sa akin. Tumalikod na ito akala ko aalis na ito ng bigla itong humarap.

"My sister is out of the country so if you're planning to look for her you can't find her here. I don't know but I feel something na hahanapin mo siya dito. Can I ask you a question?" Tanong nito nito sa akin.

Napatango ako.

"Yes sure" casual kong sagot.

"Anong meron at hinahanap mo si Zhane?"

"Shes my sister friend and Micah want to see her. Matagal na silang magkakilala at matagal na rin niyang hindi nakikita si Zhane thats why I want to talk to Zhane na kung pwede silang magkita muli ni Micah alam mo na, girls bonding" sagot ko. Pati kapatid ko nagamit ko pang dahilan. Dahil halata namang walang alam si Kenshin sa kung anong meron sa amin ni Carlyn, kahit gusto kong sabihin sa kanya ang totoo baka magalit lang sa akin si Carlyn kaya pinili ko na munang magsinungaling.

Nakatitig lang ito sa akin. Tapos ay ngumiti muli.

"Sasabihin ko na lang sa kanya ang sinabi mo. Okay I have to go." Paalam nito sa akin ng makaalis na ito ay kinuha ko ang bulaklak na nasa tabi ko. Wala naman akong pagbibigyan kaya itatapon ko na lang. Agad ko itong inilagay sa trash can at sumakay na ako sa kotse ko. Naiinis ako dahil hindi ko nakita si Carlyn dapat pala pinuntahan ko na agad siya noon para magkausap kami ng maayos.

Bakit ba kung kailan gusto kong ayusin ang lahat tsaka naman kami hindi pinagtatagpo?

Nakakagago lang! Bumalik ako sa office ko at ang mga empleyado ko ang napagbuntungan ko ng galit.

"I want the companies annual report now" malamig kong sabi sa secretary ko.

"But sir sa Friday po nila mai-" pinutol ko ang sinasabi nito.

"I said I want it now" maawtoridad kong sabi. Natakot naman ang secretary ko.

"Y-yes sir" tanging naisagot na lamang nito pumasok na ako sa office ko. Pabalibag kong sinara ang pinto wala na akong pakielam sa sasabihin nila. Sinuntok ko ang pader at napatingin ako sa table ko at hinawi ang laman nuon, nagkalat ang papel sa paligid. Alam ko nagiging unprofessional ako. Hindi ko dapat dinadala ang personal kong problema sa office pero dahil kay Carlyn hindi ko na maisip ang tama at mali. Hindi ko mapigilan ang outburst ko.

"I will take you back Carlyn..."

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon