CHAPTER 3

9.4K 209 4
                                    


Naglalakad ako tulala ako kaya di ko napansin na may nabangga pala ako, panay ang tili nung babaeng nabangga ko.

"Gosh! basang basa ka tapos dumikit ka sa akin! yack!" kumuha ito ng panyo at pinunasan ang sarili pagkatapos ay ibinato niya yung panyo sa mukha ko.

"Palalagpasin ko ito! pero sa susunod hindi na!" sabi pa nito sa akin at umalis na naririnig ko itong nagmumura. Pero nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya ako isusumbong sa head ng school. _____________________________________________________________

2 weeks passed ganun pa rin ang sitwasyon ko sa university laging makalat at madumi minsan hindi na ako nakakapasok sa ilang klase ko dahil sa kakalinis, tapos pag-uwi ko may trabaho pa ako sa isang bar waitress naman ako dun pagdating ng 2:00am saka na ako makakauwi sa amin. Kaya pagkahigang-pagkahiga ko tulog na tulog na ako dahil sa pagod.

Muntik na nga akong matanggal sa bar na pinapasukan ko, dahil isang beses may lumilipad na helicopter sa campus at naghuhulog ng basura at dahil duon naglinis ako ng buong campus natapos na ako ng mga 1:00am kaya pagdating ko sa bar nasermunan ako buti na lang napakiusapan kong huwag akong tanggalin dito lang kasi kami kumukuha ng income ng nanay ko.

At alam ko si Trace ang may gawa ng mga basurang iyon, nagtataka lang ako kung bakit pinababayaan siya ng campus? siguro ganun nga siya kaimpluwensya para pahirapan ako pati mga janitor na kasama ko halos wala ng ginagawa dahil gusto ni Trace ako ang gagawa ng lahat, pati hindi ko trabaho nagawa ko na! tubero, electrician, Computer programmer, kargador, at pati pagmemekaniko ginawa ko na!

Kahit galit na galit na ako sa kanya at gusto ko siyang sapakin hindi ko magawa...saka alam ko gusto ko pa rin siya kahit nakakaturn-of ugali niya, mukha nga siyang prinsipe pero malayo sa pagiging prinsipe ang ugali niya!

Halimaw siya! Buti na lang nextweek uuwi na si Ramiasen may kasama na ako uli, ang sama ng pakiramdam ko, pero pumasok pa rin ako, naglilinis ako ng hallway sa second floor nagpahinga ako saglit ipinatong ko yung kamay ko at nakatingin ako sa baba tinitingnan ko ang mga student na naglalakad ng may dumaang babae at nahulog yung pouch niya, dinampot ko ito at inabot sa kanya. Nang abutin niya nagulat ako ng ibato niya sa akin iyon.

"Yuck! How dare you to touch my expensive pouch! You dirty ugly beggar!" sigaw niya sa akin.

Nagulat ako dahil siya na nga ang tinulungan siya pa ang galit! Tapos ako beggar hindi naman ako mukhang pulubi kahit na ganto ang itsura ko nagtatrabaho ako at hindi nagmamalimos at pangit...hmm... masasabi ko di nga ako maganda pero hindi naman ako ganun kapangit!

Siguro sa galit ko at inis ko dahil masama na nga ang pakiramdam ko tapos pagod pa ako sobrang nainis ako, kaya yung timbang may lamang tubig na ginagamit ko sa pag-mamap ay kinuha ko at akmang ibubuhos ko sa kanya pero bago ko pa magawa iyon tinabig nung isang babae na kasama niya yung kamay ko at humagis iyon sa baba narinig namin ang tilian ng mga babae.

Napatingin ako sa baba namutla ako ng makitang may tinamaan nakasuot pa sa ulo nito yung timbang may tubig at basang basa ang damit nito.

Hindi ko makita yung mukha dahil sa nakataklob na timba dito pero pinagtatawanan ito ng mga kasama rin na lalaki ng makita kong tinanggal nito yung timba.

Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko pakiramdam ko yung pagdaloy ng dugo sa utak ko ay tumigil at para akong hihimatayin ng makilala ko kung sino ang taong iyon...tumingala siya para makita kung sino ang may gawa..Bakit sa dami-dami ng tao bakit siya pa. Dahil si Trace ang nahulugan nung timba!

Parang gusto ko ng maglaho sa kinatatayuan ko..sobrang nakakatakot ang nakikita ko sa mga mata niya..parang...gusto niya akong patayin! ________________________________________________________

Kinabukasan natatakot pa rin akong pumasok dahil kay Trace nung mangyari iyon tiningnan lang niya ako at tapos ay umalis na siya. Pero pumasok pa rin ako habang naglilinis bigla akong tinawag nung kasama kong janitor pinatatawag daw ako sa directors office kinabahan ako bigla... Directors office Pagpasok ko nakita ko si Director na nakatingin sa akin, pero yung tingin niya parang may awa at lungkot.

"Miss Buenido maupo ka" sabi nito Naupo ako.

"pinatatawag niyo po ako?" sabi ko Hindi ito nagsalita at may inabot sa akin na papel binasa ko iyon at di ko na napigilan na umiyak.

"S-sir ple-please wag niyo pong gawin ito...masipag naman po ako...lahat po ng mga utos ginagawa ko..wala po akong nilalabag na rules ng University" umiiyak kong sabi at hinawakan ko ang kamay niya.

"Im sorry wala na akong magagawa, I know your a good employee and student too...but you did something yesterday na naging dahilan para ma expelled ka dito..." at biglang pumasok si Trace alam ko na kung bakit bigla na lang ako natanggal dito.

Naupo lang ito sa may sofa at tumingin sa akin hindi man ito ngumingiti pero kita sa itsura nito na gusto nito ang nangyari. Lumapit ako sa kanya.

"Please Trace... hayaan mo akong maipagpatuloy ang pag-aaral ko, kailangan ko to...kailangan namin ng nanay ko.. halos isang taon na lang graduate na ako please."

"Sana naisip mo yan bago mo tinapon sa akin yung timba"

"Hindi ko sinasadya iyon... aksidente iyon"

"Accident or not, the damage has been done so what are you waiting for? Leave!"

Naisip ko bakit ba ako nagkagusto sa taong ito na matigas pa sa bato ang puso! Nanlulumo akong umalis... ________________________________________________________

Pagkatapos ng nangyari kanina umuwi muna ako sa amin. Masyado akong napagod physically and emotionally sa nangyari.

Bubuksan ko pa lang ang maliit naming bahay ng may narinig akong nabasag.

Agad akong pumasok sa loob at nakita ko si nanay na paika-ikang naglalakad nakita ko yung nabasag na baso , lumapit ako agad at inalalayan siyang makaupo sa upuang kahoy tapos ay winalis ko iyong nabasag at itinapon. Lumapit ako kay nanay na may dala ng tubig at naupo sa tabi niya.

Hinagod hagod ko yung likod niya.

"Nay bakit po kayo tumayo dapat po tinawag niyo po si ka Siony kung may gagawin kayo..." malambing kong sabi. Si ka Siony ay kapit-bahay namin mabait siya at sa kanya ko pinababantay si nanay.

"Anak gusto ko kasing maglaba para matulungan ka..nag-aaral ka na nga may trabaho ka pa, tapos labandera ka pa..alam kong nahihirapan ka hindi ka na nakakatulog ng maayos namamayat ka na rin..alam ko masyado akong pabigat sayo.." sabi ni nanay na naluluha.

Minsan kasi pag may mga labahin ang kapitbahay tinatanggap ko rin dahil dagdag kita iyon, bawat sentimo mahalaga sa akin dahil sa mga gastusin sa bahay, pagkain at lalong lalo na sa gamot ni nanay tulad ngayon hindi kompleto ang gamot na iniinom niya dapat anim na klase ang gamot niya pero dahil kulang ang pera namin tatlong klase lang ang nabibili ko dahil masyadong mahal.

Naiiyak na naman ako kasi yung pag-aaral ko na lang ang tanging pag-asa ko para maiahon sa hirap ang nanay ko...pero pati yon nawala pa..

"Ano ka ba nay? okay lang iyon basta huwag ka ng magpagod, saka malakas kaya ako, hindi nga ako madalas nagkakasakit eh" sabi ko pero pinipigilan kong maiyak hindi ko pwedeng sabihin na wala na ako sa school, malulungkot siya, masama pa naman sa kanya ang ma-stress.

"Pero anak..."

"Ay! Nay walang pero, pero, kaya ko. Ako pa! kaya nay ang gawin mo na lang magpahinga at magpagaling! Para pag may maganda na tayong bahay at may pera na tayo pupunta tayo sa lugar na gusto mong puntahan! Diba ang saya!" Nakangiti kong sabi.

"Oo nga anak tapos ako rin ang mag-aalaga sa magiging apo ko sayo" Nakangiti na sabi ni nanay.

Namula naman ako. Apo? wala pa sa isip ko ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak! Kahit nung nasa probinsya kami may nanghaharana sa akin at nagsisibak ng kahoy para lang suyuin ako pero ayoko talaga.. may pangarap ako at iyon ay para umunlad sa buhay at ang kaisa isang nagbibigay lakas sa akin sa pangarap kong iyon ay nasa tabi ko..ang nanay ko...

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon