CHAPTER 1

15.5K 253 8
                                    

FLASHBACK

Carlyn POV

"Carlyn! Carlyn!" habang nagsasampay ako ng mga nilabhan ko narinig kong tinawag ako ni nanay. Lumingon ako at nakita ko si Nanay kasama si tiya Linda.

"Bakit po nay?" nagtataka kong tanong dahil mukhang masaya si nanay at pati si tiya. May inabot sa aking papel binuksan ko ito at nagulat ako sa nabasa ko.

"To-totoo po ba ito?" naluluha kong sabi.

"oo anak makakapag-aral ka na!" sabi ni nanay habang yakap ako.

"Pero pa-paano?" nagtataka kong tanong Narinig kong nagsalita si Tiya Linda.

"Iha nakausap ko yung amo ko..pag mamay-ari niya ang university na yan, eh isang beses na naikwento kita sa kanya na gustong gusto mong mag-aral pero dahil nga sa hirap ng buhay malabo ng mangyari yon. Kaya sabi niya pwede kang mag-aral dyan sa Jiharan University ng libre! ngunit sa isang kondisyon magiging janitress ka dun,eh sabi ko naman masipag ka namang bata at walang reklamo, kaya okay lang ba sayo?" sabi ni tiya katulong kasi ito sa isang mayamang pamilya.

"Naku! okay na okay po!" niyakap ko si tiya at nagpasalamat... ____________________________________ Nandito ako ngayon sa labas ng University sobrang nalulula ako sa laki. Naririnig ko lang siya at alam kong sikat ang University na ito pero ngayon ko lang ito nakita ng personal!

Ang ganda para lang ako nanonood ng mga korean drama sa tv na ang lalaki ng school, tapos yung mga tao ang gaganda parang mannequin! ang kinis! Ang gwapo! Ang ganda! at ang babango mga mukhang artista! May mga ibat-ibang kotse rin ang panay ang pasok dun mga limosine at mga sports car! Parang nangingimi tuloy ako pumasok...pero hindi! Makakapag aral na ako! tutuloy ako sa school na ito! Naglakad ako at tinanong ako ng guard.

"Ah, miss bawal kang pumasok" sabi nung guard "A-ano p-po"kasi estudyante po ako dito" nauutal kong sabi kinakabalan Ako.

Hindi ko pati masisi si kuya kung pigilan ako sa pagpasok mukha kasi akong bibili ng suka sa kanto. Nakapalda akong maong na lagpas tuhod tapos nakablouse na medyo maluwag sa akin na may flower designs, yung sapatos ko lumang luma na at yung bag ko ganun din.

"Ganun ba?" tiningnan ako ni manong guard mula ulo hanggang paa,paa hanggang ulo

"Sige nasaan id mo?" dali-dali kong inabot sa kanya ang id at papel tungkol sa scholarship ko, buti na lang meron akong id binigay ni tiya mahigpit daw kasi ang school na ito.

"Ah.." tumango tango ito

"ikaw pala ang bagong janitress...sige good luck!" at pinapasok na ako ni kuya.

Nagpasalamat ako kay kuya pero parang may iba nung sinabi nyang good luck? para saan? ah siguro kasi mayayaman mga kasama ko...kaya ko naman makisama! basta mabait ka mabait na rin sayo ang tao ganun kasi sa probinsiya ko sa Bicol at ngayon nasa maynila na ako alam ko kakayanin ko ito. ____________________________________________________

Matapos ko mamangha sa mga nakikita ko hinanap ko na ang classroom ko na nasa 18th floor , at dahil may elevator sa school na ito lahat ng estudyante dun sumasakay para mapadali sila at ako dahil di ako marunong at natatakot ako sa elevator naghagdan na lang ako, pagod at pawis bago ako nakarating sa classroom namin.

Nahiya naman!akong pumasok ang gaganda at gwapo nila parang out of place yata ako.

Nang pumasok ako natigil sila sa pag-uusap at napatingin sa akin ako naman todo yuko may nakita akong bakanteng upuan sa unahan at uupo na sana ako ng biglang...

"Dont you even dare to seat beside me or else I will turn your life into a living hell!" sabi nung babaeng makakatabi ko sana bigla náman akong natakot at lumayo may nakita pa akong bakante lalapit pa lang ako...

"I will kill you!" napaatras ako... nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hindi ko alam kung saan ako mauupo.

"Hey commoner girl! here! seát beside me!" napatingin ako sa kanan ko nakita ko yung babae na pinalalapit ako at yun ang ginawa ko.

"A-ako ba?" paninigurado ko.

"Tsk.. ikáw nga may iba pa bang commoner dito? halika dito ka maupo" at tinuro niya yung upuán sa tabi niya. Naupo ako tinitigan ko siya ang ganda niya ang amo ng mukha.

"S-salamat" sabi ko.

"What's your name?" tanong niya sa akin.

"Carlyn Buenido po"

"Gosh! dont you ever use that word 'po' to me im just only 17 and Im think same lang ang age natin, right?"

"O-opo ah este oo"

"oh! by the way I would like to introduce myself Im Ramiasen Kyomiro" at inabot niya sa akin ang kamay niya. At nakipagkamay ako at ang lambot ng kamay niya. Madaldal siya marami siyang tinatanung sa akin.

"Sana tumagal ka" mayamaya sabi niya sa akin nagtaka ako.

"Ha? bakit mukha lang masungit yung mga tao dito pero tingin ko naman hindi sila nananakit" bigla itong natawa.

"Your wrong! Alam mo ba na 20 commoners ang nandito bago ka"

"Ganun! eh di marami pala kami! marami akong magiging kaibigan"

"That's impossible right now"

"Ha bakit?"

"Lahat sila kung hindi nag-drop-out na expelled" bigla akong namutla sa sinabi niya.

"B-bakit?"

"Kasi pag nakabangga ka ng tao dito malamang maexpelled ka o kaya pahihirapan ka nila hanggang sa magmakaawa kang magdrop-out na lang" napalunok ako.

Ganun pala dito nakakatakot kakayanin ko kaya? Nagsimula na ang klase hanggang sa matapos naiisip ko pa rin ang sinabi ni Ramiasen.

Nagliligpit na ako ng gamit ko at papalakad na papunta sa pinto. Nang biglang nagkagulo ang mga kaklase ko natulak ako papuntang bintana. Napatingin na lang ako sa kanila na nagtitilian may tinitingnan sila sa baba ng building.

Napatingin ako sa tinitingnan nila at napanganga. Nakita ko ang pinakagwapo na yatang lalaki sa school na ito. Naglalakad ito habang may mga kasamang lalaki rin. Matangkad ito gwapo, maputi at malakas ang appeal. Sa oras na ito nalaman ko kung ano ang ibig sabihin at pakiramdam ng love at first sight... Nang biglang magsalita si Ramiasen na nasa tabi ko pala.

"That guy is Trace Winchester the most popular and influential in this school but..." lumapit ito sa tenga ko at bumulong " he is also known for being ruthless,heartless and arrogant lahat ng tao takot sa kanya kaya niyang gumawa ng hindi maganda pag hindi niya gusto ang tao..kaya walang sumubok na kalabanin siya...kaya pala bumubulong ako dahil baka may makarinig sa akin at isumbong ako" napatingin ako sa kanya ngumiti lang siya.

"May gusto ka rin sa kanya?"

Umiling ito meaning na hindi, at hindi nagtagal naging bestfriend ko si Ramiasen mabait siya at siya lang ang kaibigan ko sa school na ito. Kahit na mahirap tumatagal ako dito. _____________________________________________

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon