CHAPTER 17 PART 1

7.7K 150 0
                                    


CARLYN POV:

Naglalakad na ako palabas ng gate ng campus nauna ng umuwi si Ramiasen pinauna ko na siya dahil may trabaho pa ako balak nga niyang hintayin akong umuwi sabay na daw kami pero tumanggi ako sinabi ko sa kanyang kaya ko ang sarili ko, nag-aalala kasi siya sa akin pagkatapos ng kinuwento ko.

Malapit na ako sa gate ng may tumigil sa harapan ko na isang kotse napatigil ako sa paglalakad bumaba dun si Trace at lumapit sa akin. Napatulala ako.

Ano kayang kailangan niya sa akin? Nakatingin lang siya at walang emosyon.

"Sumakay ka sa kotse" sabi niya sa akin na parang nag-uutos.

Napaisip ako, akala ko pa naman kaya siya nasa harapan ko ay para pag-usapan ang nangyari hindi pala pero san ba niya ako dadalin? Hu-huwag niyang sabihin na balak na naman niyang...

"A-ayoko" sagot ko. Natatakot ako sa dahilan na naiisip ko kaya niya ako gustong makausap.

"You dont have no choice, the only thing you can do is to follow me" malamig na sabi nito.

Tumingin ako sa kanya nakipagtitigan ako. Pinakita ko sa kanya na kaya kong makipagtitigan sa kanya at hindi ako natatakot sa kanya. Anong gusto niya uulitin na naman niya yung ginawa niya sa akin!? Tapos paiiyakin na naman niya ako?! Ayoko! Natapang tapangan ako kahit pa nanginginig ang mga tuhod ko sa presensya niya.

"Ayoko sumama! Hindi ako sasama sa iyo! May karapatan akong mamili hindi mo ko alipin!" sigaw ko sa kanya.

Nakita kong ngumisi ito at tumingin sa ibang direksyon at tumingin uli sa akin.

"Acting like a tough woman huh? as if you dont scared at me?" sabi nito sa akin tapos bumaba ang ulo nito at lumapit sa tenga ko.

Nakaramdam ako ng kilabot pero tinatagan ko ang mga tuhod ko. Napakapit ako ng mahigpit sa bag ko na para bang duon ako kumukuha ng lakas.

"But I know you already...behind those words of yours... you are scared to death..." bulong niya sa tenga ko.

Nagpapawis na rin ang kamay ko dahil na te-tense ako. Lalo nat sobrang lapit nito sa akin maski ang paghinga na maayos hindi ko magawa.

"And I feel you cant breath normal right now...so dont act like that because your just wasting your strength...sumunod ka na lang sa gusto ko.." bulong nito sa akin pakiramdam ko lahat ng balahibo ko tumayo ng hipan niya ang tenga ko tapos ay saka lang siya lumayo sa akin...

Kumakabog ang dibdib ko pero hindi ako sumuko. Nilagpasan ko lang siya pero mabilis niya akong nahawakan sa pulso ko.

"Bitawan mo ako hindi ako sasama sayo! Hinding hindi na ako susunod sayo!" sigaw ko nagpupumiglas ako pero hindi sapat iyon para maalis ang kamay niya sa pulso ko. Bigla niya akong binitawan at ako naman naglakad palayo, napatigil ako ng bigla siyang magsalita.

"Okay... you chose not to behave of my orders, then just wait for tommorow you will receive a letter na nagsasabing your expelled in this school permanently." sabi nito nilingon ko siya alam kong tinatakot niya ako pero alam ko rin na pag hindi ako sumunod sa kanya, gagawin niya agad iyon.

Natakot ako sa banta niya, hindi lang iyon basta banta dahil totoo iyon. Oo nga pala? sa sobrang galit ko di ko naisip na maari niya uling gawin iyon.

Pagkatapos ng lahat ng pinaghirapan ko dahil sa kagustuhan kong makatapos ng pag-aaral ko mawawala na naman?. Bakit ba kasi ako nasangkot sa taong ito?

Hindi tuloy ako makawala... kahit gusto ko man lumayo...hindi pwede, pakiramdam ko tuloy nakakadena ang mga kamay at paa ko at hindi tuluyang makaalis dahil sa oras na ginawa ko.. habang buhay akong magdudusa... Kailangan kong magtiis malapit na akong mag 4th year 1year na lang ang kailangan kong hintayin... ayokong bitawan ito.

Ito lang ang hinihintay ko ang makapagtapos at magkaroon ng titulo para makahanap ng magandang trabaho at maiangat ang buhay namin... Napayuko ako at napapikit naalala ko ang itsura ng nanay ko, siya lang... siya lang ang dahilan kaya nagpapatuloy ako...

Umangat uli ang ulo ko at tumingin ako sa kanya. Nakangiti ito dahil alam nitong nagtagumpay siya...

Lumapit ako sa kanya pinagbuksan niya ako ng kotse at pumasok ako. Bahala na kung anong mangyari...

Tahimik lang siyang ngda-drive ako naman nakatingin lang sa bintana. Maya- maya tumigil ang sasakyan nito. Nagulat ako kung bakit sa isang ospital niya ako dinala, nagpark muna ito na kotse. Bumaba siya at bumaba na rin ako. Naglakad siya palayo at sinundan ko lang siya, hindi ako nagsalita.

Sumakay kami ng elevator na sa isang sulok lang ako malayo sa kanya. Pasulyap sulyap lang ako sa kanya, seryoso lang ito habang diretso ang tingin. Sa wakas nagbukas din ang elevator at lumabas siya sumunod ako. Pumasok siya sa isang kwarto, tumingin ako sa kama at nakita ko ang daddy niya na nakahiga ruon. Nagulat ako.

Nakapikit ito habang hawak ng asawang si Tessa ang isang kamay nito at si Micah nakaupo sa isang couch sa may sulok. Nakatingin sa akin si Micah at Tessa, at nagbukas ng mata ang daddy ni Trace na si Nathan, nang dumako ang paningin nito sa akin ngumiti ito.

"Iha...halika lumapit ka" sabi nito sa akin. Tumayo si Tessa at pinaupo ako. Hinawakan ko sa kamay si Nathan.

"Kamusta na kayo, anong nangyari sa inyo?" nag-aalala kong tanong.

"Huwag kang mag-alala ayos lang ako, medyo sumama lang ang pakiramdam ko kaya dinala lang ako dito pero okay na ako lalo nat nakita ko na girlfriend ng anak ko" sabi nito napangiti naman ako. Napatingin ako kay Trace na ngayon ay nakatingin sa kanyang ama.

Kahit ang mukha nito ay walang emosyon pero sa mata nito kita kong nag-aalala ito. Ilang saglit lang kami nagkwentuhan ng biglang may pumasok na nurse.

"Oras na po para uminom ng gamot si Mr. Winchester and he also need to take a rest" sabi nung nurse kaya hinayaan na namin siyang magpahinga. Lumapit sa kin si Micah at inaya akong maupo sa couch.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Inatake sa puso si daddy dahil sa stress kaya naisugod namin siya dito buti na lang at hindi naman malala ang nangyari sa kanya. Tatlong araw din nandito si Trace para magbantay nag-aalala kasi siya..." sabi nito

"Ganun ba mabuti naman kung ganun" sabi ko.

"Wait nagka-usap na ba kayo ni Trace?" tanong nito sa akin, hindi ako nakapagsalita. Napatango na lang ako.

Napatingin ako kay Trace na nakasandal sa pader. Kaya pala nawala siya ng tatlong araw dahil sa daddy niya. Nagtagal pa ako ng ilang sandali at napagpasyahan ko ng umalis nagpaalam na ako sa kanila kung hindi pa sinabihan ni Micah si Trace na ihatid ako hindi pa ito kikilos, lumabas na kami ng silid. Nang nasa kotse na kami, bigla itong nagsalita.

"What did you do? At sobrang lapit sayo ni dad? Nang nasa hospital kami he's always looking for you? Sabihin mo paano mo siya napaikot?" Sabi nito sa nang-uuyam na tono.

"Wala akong ginawa..." Yun na lang ang nasabi ko.

"Siguro may balak ka?" Sabi pa nito sa akin. Hindi na ako nakipag argumento pa dahil hahaba lang usapan kahit naman sabihin ko ang nasa isip ko mali pa rin ako para sa kanya...

Hinatid niya ako sa bar na pinagtatrabauhan ko at tapos umalis na siya. Nakatingin lang ako sa kotse niya habang papalayo at tapos pumasok na ako sa loob

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon