CHAPTER 24 PART 2

7.3K 166 2
                                    

CARLYN POV:

Tinitingnan ko lang si Trace tingin ko nakatulog na ito. Mukhang sinumpong nung dumating si Liro.

Matagal din akong nakaupo at pinagmamasdan lang siya tiningnan ko yung pinto ng kwarto siguro naman hindi lalabas si Liro. Lumapit ako kay Trace at naupo sa lapag, gusto ko talaga ang tinitingnan siya sa malapitan.

Nang bigla itong umungol para itong nahihirapan, tinapik ko siya sa pisngi para magising.

"Hu-huwag ayoko! Ayoko! Bi-bitawan niyo ko!" Hinawakan ko na siya sa braso at niyugyog. Mukhang napapanaginipan niya yung nangyari sa kanya noon.

"Trace! Gumising ka! Trace!" At bigla itong napamulat ng mata at hinihingal na tiningnan ako.

"Binabangungot ka" sabi ko sa kanya. Umiwas ito sa akin ng tingin. Tapos ay bumangon at naupo sa sofa nagface palm ito. Tumayo naman ako at dumiretso sa kusina kumuha ako ng tubig at bumalik sa tabi niya.

"Trace uminom ka ng tubig" inalis nito ang palad sa mukha at tiningnan ako sa mata tapos ay ang basong hawak ko. Inabot ko ito sa kanya at kinuha naman niya ito at ininom.

"Na-napanaginipan ko yung pagkidnap sa akin noon... Ikinulong nila ako sa isang kwartong madilim.. Sobrang takot na takot ako noon..at..at minsan sinasaktan nila ako.. Minsan hindi nila ako pinapakain.." Sabi ni Trace. Nagulat ako sa pagkukwento niya bigla, tila nagtitiwala siya sa akin kaya nya nagawang ikwento ang bagay na iyon. Na pilit nitong inililihim sa iba.. Kaya nakaramdam ako ng saya dahil nagsisimula na siyang pagkatiwalaan ako kahit na alam ko na ang kwento ng buhay niya, maganda parin na sa kanya nanggaling.

"Akala ko nun...mamatay na ako.. The only thing I can do is cry... Lagi akong sumisigaw, u-umaasang may tutulong sa akin pero wala.. Tatlong araw akong nahirapan.. Tatlong araw nila akong sinasaktan.. Ang masakit... Ang sarili ko pang yaya ang may pakana ng lahat.. Kung kailan halos ituring ko siyang ina.. Tapos... Malalaman ko planado pala ang pagiging mabait niya para maisakatuparan ang plano niya.... Akala ko noon.. Nakahanap na ako ng tunay na ina... Dahil dalawang beses na akong nabigo... Nasaktan at siya ang pangatlong beses. Nang mailigtas ako sobrang trauma ang dinanas ko.. nakarecover ako pero takot parin ako sa dilim.. Balak nga ni dad na ipagamot muli ako pero ayoko na...
Naging magagalitin ako, buti na lang kasama ko pa rin si Ate Shana siya ang laging karamay ko.. Sa oras na binabalikan ako ng mga bangungot ko..pero..." Napatigil ito at nagsalita uli habang hindi nakatingin sa akin. Ang layo ng tingin nito. " pati si Ate Shana.. Nawala din..." Parang may pumiga sa puso ko ng makita kong tumulo ang mga luha nito. "It is all my fault... Nadamay siya sa kamalasan ko sa mga babae! Malas ako!" Sabi nito habang tumutulo parin ang luha. Hindi ko kayang nakikita siyang ganyan... Hinawakan ko siya sa pisngi at iniharap sa akin.

"Trace mali ka... Hindi ka malas.. Kung ano man ang nangyari noon, nakatakda na ang bagay na iyon, wala tayong magagawa.." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa magaganda niyang mata.

"Pati ba ang kamatayan niya? Nakatakda? Kasalanan ko ito, kung hindi ako masyadong nagtiwala sa tao hindi sana mangyayari ang lahat ng iyon!" Sigaw niya sa akin kahit na sinigawan ako nito alam kong hindi niya sinasadya iyon. Nadadala lang siya ng kanyang emosyon sa nangyari sa kanya.

"Trace lahat ng nangyayari ay may dahilan... " pilit kong pagpapakalma sa kanya sinisisi nito ang sarili pati ako nahihirapan pag nakikita ko ang sakit at mga hinanakit sa mga mata niya. Inalis nito ang kamay ko at tumayo.

"Dahilan?! Walang dahilan kasalanan ko lahat! Masyado akong tanga! Masyado akong umasa na that they can be a mother to me like those my friends with their mothers, naiinggit ako sa kanila, minsan tinatanong ko ang sarili ko, if am I not deserved to be loved? Why all women's that I loved always left me? Betrayed me? Hurt me? Bakit ganun?" Puno ng hinanakit ang tinig nito. Nakatingin ito sa akin nakarehistro ang sakit sa mukha nito.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon