CHAPTER 22 PART 1

7.2K 155 1
                                    

Naglalakad ako palabas ng building ng may makabangga akong isang babae, may edad na ito pero makikita parin ang kagandahan sa mukha nito.

"Sorry po! Hindi ko po sinasadya" hinging paumanhin ko at dinampot ko yung pouch niya, inabot naman niya ito at tumingin sa akin.

"Sorry din iha hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko, nagmamadali kasi ako" nakangiting sabi niya sa akin. Ang bait naman niya, hindi siya nagalit sa akin.

"Sige, I have to go na iha, bye"

"Sige po, bye!" Paalam ko dito ang bait niya. Napangiti na lang ako habang naglalakad palabas.

Pumunta na ako sa sakayan ng jeep at umuwi na ako sa amin.
Nang malapit na ako nakita ko si nanay na nakaupo sa labas ng pinto mukhang nagpapahangin siya. Lumapit ako at nagmano. Napansin kong parang may iba sa kanya kung tingnan niya ako parang binabasa niya ang buo kong pagkatao.

Bigla niyang hinawakan ako sa pulso. Sinalat niya ito.

"Anak ang bilis ng pintig ng pulso mo" sabi nito sa akin. Marahan kong inalis sa kanya ang kamay ko.

"Nay baka po kasi sa pagod at init kaya po ganyan" katwiran ko pakiramdam ko hindi siya naniniwala sa akin. Nakatitig lang ito. Hindi ako makatingin ng diretso bigla kasi akong kinabahan. Nagsalita ako ng maiba ang atensyon niya.

"Nay kumain na po ba kayo? Ang gamot niyo po?" Tanong ko sa kanya pero nakatingin lang ito sa akin. Pakiramdam ko binabasa niya bawat kilos ko. At alam nitong umiiwas ako. Kaya napabuntong hininga ito at nginitian ako.

"Tapos na anak naipagluto na ako ni Siony, ikaw ang kumain na ha" sabi nito pero hindi nakaligtas sa akin ang pag-aalala sa tinig niya. Pumasok na lang kami sa loob ng bahay. Nang makaupo na kami sa gawa sa kahoy na upuan.

Huminga ako ng malalim, nakatingin lang ako sa nanay ko. Habang sa ibang direksyon ito nakatingin parang malalim din ang iniisip nito. Tapos ay nagsimula akong magsalita.

"N-nay m-may gusto po sana akong sabihin sa inyo." Tingin ko kailangan ko ng sabihin sa kanya ang totoo dahil napapansin na rin niya ang mga pagbabago ko.
Minsan nakikita ko siyang nakamasid sa akin at tingin ko hinihintay niya akong magkwento sa kanya kaya hindi na ako maglilihim.

Nanginginig ako at pakiramdam ko namumutla ako. Mahirap umamin pero mas mahirap magtago dahil hindi magtatagal malalaman din niya.

Lumingon ang nanay sa akin at hinawakan ang kamay ko. Masuyo niya akong nginitian.

"Sige lang anak..." Sa malambing na boses na panghihikayat niya sa akin.

"Nu-nung p-pong nakaraan na w-wala po ako di-dito may bagay na da-dapat di ko po ginawa, pero nangyari na lang" simula ko. Natatakot ako tagaktak ang pawis ko. Nahihirapan din akong huminga dahil sa kaba.

"Sige lang anak ituloy mo..handa akong makinig." Ako naman nakatingin sa kanya. Kalmado lang ang nanay ko pero ako halos himatayin na sa kaba dahil sa aaminin ko.

"Patawarin niyo po ako...." Tapos hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ang hirap dahil binigo ko siya, ipinangako ko pa naman sa kanya ang magandang buhay sa oras na makagraduate ako pero anong ginawa ko?

Nabuntis ako. Hindi ko man iyon ginusto na mangyari pero hindi ibig sabihin hindi ko mahal ang sa sinapupunan ko. Malaki lang ang panghihinayang ko dahil ilang taon akong nagsikap para makapag-aral dahil nga sa pangarap ko sa nanay ko pero ngayon hindi ko na iyon maitutuloy...

Pinunasan niya ang aking luha at nagpatuloy ako.

"N-nay bu-buntis po ako.." Sukat doon ay napahagulgol ako. Napapikit ako at napayuko dahil ayokong makita ang mukha ng aking ina na dismayado sa akin, ayokong makita ang mga mata ng pagkabigo.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon