CHAPTER 32 PART 1

7.4K 169 9
                                    

Isang linggo. Isang linggo na simula ilibing ang nanay ko. Isang linggong pagluluksa. Wala akong ginawa kundi ang umiyak at kung ano ang gagawin ko, kung paano ako magpapatuloy na wala siya, paano ba ako magsisimula?

Halos hindi ako makakain, laging nasa tabi ko si aling Siony at ang pamilya niya, si Ramiasen at pati si tiya Linda pinaalam ko sa kanya ang nangyari sa nanay. Nalaman na rin niya ang kondisyon ko, nang tinanong niya kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko hindi ko sinabi sa kanya dahil nagtatrabaho siya sa lolo ni Trace, ayoko ng guluhin ang buhay ng mga Winchester. Naisip ko siguro matatanggap ng ama ni Trace ang anak ko pero si Trace... hindi siguro... Pagkatapos ng libing bumalik na rin sa mansyon si tiya Linda para magtrabaho.

Pagod ang katawan at isipan ko sa lahat na nangyari at ngayon nandito ako sa higaan namin ng nanay ko. 5:00am na ng madaling araw at kailangan ko ng bumangon para pumasok sa mall pero nanatili pa ako ng ilang sandali at umiyak namimis ko ang nanay ko.

Wala na akong nayayakap sa oras na nalulungkot ako. Wala na rin yung gigising ako sa umaga at makikita ko siyang nakangiti sa akin at yung malambing niyang boses na nagkakapagpakalma sa akin lahat yun wala na...

Ilang sandali pa ay bumangon na ako. Niligpit ko na ang higaan at kumuha ng damit pamalit at naligo na ako sa banyo ng tapos na ako. Wala sana akong balak kumain pero naisip ko kailangan dahil baka magutom naman ang baby ko.

Nagprito lang ako ng itlog at isinangag ang natira kong kanin kagabi at ng matapos, kumain na ako, pakiramdam ko habang kumakain ako walang lasa ang pagkain. Nakakabingi ang katahimikan at nakakabaliw.. Ito pala ang hirap kapag wala kang kapatid wala kang karamay sa oras na ito, pag nag-iisa kang anak at ang nanay mo lang ang kasama mo at wala na... pakiramdam mo nag-iisa ka na lang... Pero naisip ko rin hindi na rin naman ako mag-iisa sa oras na makapanganak na ako at makasama ko ang anak ko..

Nandito ang anak ko. Aalagaan ko siya at mamahalin tulad ng pagmamahal sa akin ng nanay ko at ipaparamdam ko rin sa kanya na kumpleto siya kahit ako lang ang kasama niya kahit wala siyang ama kahit wala si Trace hinding hindi siya malulungkot tulad ng ginawa ng nanay ko...

Nang matapos na akong kumain ay nagligpit na ako at pumunta na palabas ng pinto. Sumakay na ako sa jeep at pumunta na sa mall.

Inaayos ko ang pagkakasalansan ng mga de lata ng tawagin ako ng kasamahan ko, para tumulong mag bag ng mga pinamili sa may counter. Siguro hindi pa nila napapansin ang pagbubuntis ko dahil hindi naman fitted ang white blouse ko, buti na lang talaga at maliit akong magbuntis malapit na akong mag-apat na buwan pagkatapos nun ay magreresign na ako dahil mahahalata na rin ang tiyan ko. Kaya nga pag nasa bahay ako maluluwag na damit din ang suot ko kaya hindi pa alam ng mga kapitbahay kong buntis ako sa oras na lumaki na talaga ang tiyan ko alam ko magiging bulung-bulungan ako sa lugar namin pero wala akong pakialam bahala sila sa kung ano ang isipin nila. Kung gusto nila akong husgahan dahil sa kalagayan ko, sige! Hindi ko sila papansinin. Dahil alam ko wala akong inaagrabyadong tao bahala sila sa iisipin nila.

Kinuha ko iyong mga nagamit na cart at inipon at inayos ko. Nang pagharap ko nagulat ako sa taong nasa harapan ko. Kumakabog ang puso ko pilit ko mang pigilan ang nararamdaman ko pero wala talagang nagbago sa epekto nito sa akin.

"Why are you still here?" Malamig na sabi nito sa akin. Wala kang mababakas na kahit anong emosyon dito. Lumunok ako bago nagsalita kinukurot ko rin ang hita ko dahil sa panginginig ng tuhod ko.

"Na-nagtatrabaho a-ako dito Trace?" Sabi ko nakatitig lang ako sa kanya. Grabe! Sobrang namiss ko siya! hindi ko kayang itanggi iyon sasarili ko. Pero ayoko na siyang isipin!

"I know, what do you think of me stupid? Im asking you why are you still working here since I already told you that I don't want to see your face." Mapanganib na tono na sabi nito. Wala kang makikitang emosyon sa kanya now he is back to old Trace... He is the heartless version of Trace...
Nasaktan ako sa sinabi niya pero aalis din naman ako dito kaya hindi na niya kailangang ipangalandakan pa..

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon