CHAPTER 41 PART 2

8.3K 166 1
                                    

Habang pinanonood ko ang mga taong nagsasayaw napalingon ako sa kanang direksyon ko. Nakita ko si Kenshin kasama si Mercielien na papalapit sa akin imbitado din ang kapatid ko sa party dahil magbusiness partner ito at ang ama ng lalaking ikakasal.

At sila ni Mercilien sila pa rin ni kuya pero dama ko sa titig ng kapatid ko na wala na yung pagmamahal niya dito. Minsan nakikita ko ang malamig na pakikitungo dito ni Kenshin. Alam kong gusto ng makipaghiwalay ni kuya pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang saktan si Mercilien.

"Hey your late!" Sabi ko sa kanya. Nginitian ko lang ang nobya nito at ganun din ito, tapos binalik ko ang tingin ko sa kapatid ko.

"Nah, di pa ako late hindi pa naman yata pinapakilala ang fiance ni Gelal" sabi nito. Bigla akong nalungkot, napansin ni Kenshin ang biglang pananahimik ko.

"Oh? What's with that face? Engagement party ito hindi lamay!" Biro ng kapatid ko. Nakangiti ito sa akin, pinilit ko rin ngumiti kahit paano. Maya-maya biglang lumapit si Gelal sa amin.

"Hi guys! Buti nakarating kayo sa engagement party ko" nakangiting sabi ni Gelal sa amin, bakas sa mukha nito ang saya dahil sa nangyayari.

"Yeah pare,ahm where's your fiance?" Puna ni Kenshin dito. Tumawa ito.

"Nahihiya, kaya hayun nandun sa may library, kinakabahan daw siya kaya hinayaan ko munang mag-isa." Sagot ni Gelal.

"Look at you! Its so obvious that you have a beautiful fiance!" Sabi ni Kenshin dahil nangingislap ang mga mata nito ng mapag-usapan namin ang fiance niya.

"Yeah your right! And I am  proud of it! I love her so much, she's the one for me... Akala ko nga noon hindi na ako magtitino, pero ng dumating siya, nagbago ang lahat hindi na ako tumingin sa ibang babae..." Sabi nito. Dama mo ang damdamin sa bawat salita nito.

"Im happy for you guys.." Tanging naisagot ko na lang.

"Thanks Zhane, malay natin baka ikaw na pala ang susunod sa akin na ikakasal, invite mo kami ha!" Sabi nito sa akin, napangiwi ako, wala sa isip ko ang pagpapakasal. Tapos napatingin ito kay Kenshin. "Ikaw Kenshin ang tagal mo kasing yayaing magpakasal si Mercilien baka maunahan ka pa ng kapatid mo eh, pakasalan mo na kasi!" biro nito kay kenshin tipid lang na ngumiti ito. Si mercilien naman ay ngiting-ngiti mukhang nagustuhan niya ang sinabi ni Gelal.

"So anong balak mo ng fiance mo,pagkatapos ng kasal?" Pag-ibaba ni Kenshin sa usapan. Umiiwas ito na matanong pa  muli.

"2 weeks honeymoon vacation kami sa France, alam niyo Im excited to our wedding, nakakabakla man pero gusto ko ng makasal sa kanya sa lalong madaling panahon, I love her.. I want her to be officially mine" sabi ni Gelal.  Punong puno ng pag mamahal ang mga mata nito.

"We wish all the best for you guys.." Sabi ko.

"Thanks Zhane, you know guys kung mag-usap tayo parang kinasal na ako." Natatawang sabi nito.

"Malapit ka nang matali pare, baka mamiss mo ang mga gimiks ha?" tawa ni Kenshin.

"No pare, fiance ko lang ang kailangan ko na soon to be my wife, hindi ko mamimiss ang mga dati kong ginagawa sa pagiging binata,and besides I want to have a family, and childrens, I will be happy to spend the rest of my life with them..." Napatingin ako kay Kenshin nakita ko ang inggit at pag-asam sa mga mata nito na magkaroon din ng pamilya. Dati sana magkakaroon na siya ng masasabi niyang sariling pamilya...anak... pero... Nawala ang pagkakataong iyon...

"Ahm guys iwanan ko muna kayo enjoy the party" paalam sa amin ni Gelal at umalis na ito. Napatingin ako sa paligid nakita ko si Reese at Liro sa isang table di kalayuan sa amin magkalapit ang dalawa pero hindi ito pinapansin ni Liro. Nakasimangot ito at panay ang inom ng wine, si Reese naman ay nakatitig lang dito habang namumula ang pisngi. Napalingon dito si Liro tapos nag-alis muli ng tingin at ibinaba ang kopita at naglakad palayo agad naman na sumunod si Reese dito. Napailing-iling na lang ako sa nakita.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon