CHAPTER 50

9.1K 190 3
                                    

Hindi muna ako pumasok sa trabaho ang secretary ko muna ang bahala sa office. Kahapon ng umalis si Trace at bumalik ako sa kwarto ni Kenshin, lahat sila nakatingin sa akin at naiilang ako.

Nakokonsensya tuloy ako dahil nagsisinungaling ako sa kanila pero ayokong masaktan si Trace kaya hindi ko kayang sabihin ang totoo.

Hindi ako makatulog kagabi kakaisip kay Trace inisip ko rin na baka tawagan niya ako pero hindi nangyari yon. Ngayon papunta ako sa ospital para bantayan si Kenshin at may dala akong prutas.

Naglalakad na ako papunta sa kwarto niya ng makita ko si Ramiasen na nasa labas ng pinto nito. Napangiti ako dahil nandito siya, hindi ko nga pala siya natawagan sa nangyari kay Kenshin kahapon. Habang papalapit ako sa kanya unti-unting nawala ang ngiti ko dahil nakita kong may luhang umalpas sa mga mata niya.

"Ram?" Tawag ko sa kanya. Lumingon ito halata sa mukha nito ang pagkagulat ng makita ako at agad pinunasan ang kanyang luha.

"Car! Ikaw pala" nasabi nito.

"Bakit hindi ka pumasok sa loob? Matutuwa si Kenshin pag nakita ka" nagtataka kong tanong, naaninag ko ang lungkot sa mata nito.

"Ahm... Hindi na! Sinilip ko lang siya kung ayos na ba ang kalagayan niya" pilit nitong pinasisigla ang tinig pero hindi nito maitatago ang pagkabalisa nito.

Nakakunot noo akong napatingin sa pinto lumapit ako at dahan dahan itong binuksan.

"Car..." Tawag sa akin ni Ram hinawakan ako nito sa balikat at nagulat ako sa nasaksihan ko ng makita ko si Mercilien at Kenshin na naghahalikan. Nakaramdam ako ng galit kahit hindi naman dapat dahil magkasintahan naman si Mercilien at ang kapatid ko pero nalulungkot ako para kay Ram. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kapatid ko at kung paano niya ginawa ang lahat para magustuhan lamang siya ni Kenshin pero sa huli sumuko na si Ram.

Pero ngayon akala ko may pag-asa pa sila dahil nakikita ko kung gaano nila tingnan ang isat-isa at alam kong mahal nila ang isat-isa kahit may kanya-kanya na silang relasyon.

Pero ngayon sa nakikita kong eksena alam ko kung gaano ito kasakit kay Ram. Lalo na puro pasakit lang ang naramdaman nito kay Ken noon.

Papasok na sana ako sa loob ng kwarto para tumigil ang dalawa pero pinigilan ako ni Ram.

"Please... Car.. Hayaan mo sila.." Mahinang pakiusap nito sa akin. Tiningnan ko siya ng malungkot.

"Aalis na lang ako at please... Huwag mo sabihin kay Kenshin na pumunta ako dito..."

"Pero Ram---"

"Please Carlyn... Ayokong makagulo pa sa kanila, ayoko ng gawin ang ginawa ko noon dahil masyado akong umaasa na... Mapupunta sa akin si Kenshin.." May tumulo na butil ng luha dito. Agad niya itong pinunasan ng palad. Pilit itong ngumiti sa akin.

"May mga bagay talaga na dapat hindi pinipilit dahil kapag patuloy mo parin ginawa parehas lang kayong masasaktan higit ang taong mahal mo..." Dagdag pa nito. "Sige na Carlyn aalis na ako." Mapait na ngumiti ito at naglakad palayo pero agad ko itong hinawakan sa braso.

"Wait Ramiasen I will come with you.." Sabi ko. Lumingon ito sa akin. Alam ko kailangan niya ng karamay sa mga oras na ito. Pero nginitian lang ako nito at tinanguan,marahan nitong hinawakan ang kamay ko at dahan dahang inalis sa braso niya.

"I'm fine Car don't worry... Kenshin' s needs you right now, kaya ko ito, mas masakit pa ang naranasan ko noon if I will compared it to what I saw right now." Cheerful na sagot nito pero nandon parin ang lungkot sa mga mata nito.

Naglakad na ito palayo at pinagmasdan ko na lamang siya palayo.

Naghintay muna ako ng ilang sandali, sumilip muli ako sa kwarto. Nakaupo na si Mercilien sa tabi ni Kenshin. Pumasok ako ng walang kagana-gana sa loob ng kwarto.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon